The Forbidden Desires 02

158K 3K 431
                                    

(TFD) Chapter 02




"Malapit na ba?

He just nodded his head. He never spoke to me again. I pouted and remained silent as well. It's strange but I'm completely comfortable even if he doesn't talk. I feel like I'm used to him being like this.

Hindi niya ipinaliwanag kung paano kami nagkita at hindi ko talaga siya maalala. Pumikit ako at inisip ang mga nangyari ten years ago kagaya ng mga sinasabi niya.

Pilit kong inalala kahit sumasakit ang ulo ko. Malabo, iyon ang naunang pumasok sa isipan ko. It's weird but I don't know what happened ten years ago. My memories from those times were clouded.

Dumilat ako at tinitigan siya. Hindi ko talaga maalala na nagkita na kaming dalawa.

Naging malikot ang mga mata ko nang makalabas kami sa probinsya. Maraming sasakyan at maraming tao sa kalsada. Laking rancho ako kaya nabibigla ako sa mga naglalakihan na building na nadadaanan namin.

Nawala ang buong atensyon ko sa kanya dahil naging abala ang mga mata ko sa labas.

"Nag-aaral ka pa?"

Nagulat ako nang magsalita siya. Tumango ako sa kanya at inilabas ang laptop na nasa bitbit ko na bag.

"Yup! Online classes!"

Binuksan ko ang laptop at ipinakita sa kanya ang account ko at ang mga professor ko sa iba't ibang subject.

"You don't go to normal school?" He asked, his brows were knotted, he looked confused.

"Hindi," nagkibit balikat ako. "Ayaw akong payagan ni Lolo."

"Hindi ka pinayagan? Napag-usapan na namin na-" natigilan siya.

Hindi ko inalis ang mata sa kanya kaya nahuli ko ang biglaang pagkakatigil niya.

"Na ano?"

Tumikhim siya at umiling. Tinitigan ko siya kasi naputol ang sinabi niya kanina. Naghihintay ako ng karugtong.

"Napag-usapan ninyo ni Lolo yung ano?" Kuryuso na tanong ko.

"Wala. Gusto mo ba pumasok sa paaralan?" Masungit na pag-iiba niya sa tanong.

Ngumiti ako at tumango. Mula sa kalsada ay nilipat niya ang tingin sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango ulit. Nang mapatingin siya sa labi ko, maagap siyang nag-iwas ng tingin.

Hindi na siya ulit nagsalita. Napalabi ako at tinigilan na siya. Sinusulyapan ko siya at pinagmamasdan. Bakit kaya ang sungit niya?

"Sa daanan ka tumingin. Malapit na tayo."

Napangiti ako. "Paano mo nalaman na nakatingin ako sa 'yo?"

Tinignan niya ako nang masama at hindi ulit nagsalita. Nagugustuhan ko ang pagsusungit niya. Bakit parang pakiramdam ko malapit kaming dalawa sa isa't isa kahit ngayon lang naman kami nagkita? O ako lang ang ngayon lang siya nakita? Pero imposible. Hindi ko kasi talaga siya maalala.

Nawala ang atensyon ko sa kanya pagkakita sa mga tao na nag-aabang sa harapan ng isang simple at mataas na bahay.

"Sila ba ang pamilya mo?" Masaya na tanong ko.

Tahimik siyang tumango at bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin ako at naghanda ng malaking ngiti.

Titig na titig sa akin ang dalawang matanda pagkababa ko sa sasakyan. Mas matanda sila kay Lolo. Kulubot na kasi ang mga balat nila samantalang si Lolo kahit matanda na ay matikas at wala pang masiyadong kulubot.

"Hi!" Bati ko sa kanilang lahat. Malaki ang ngiti ko.

"Kumusta ka na, Hija?" May pag-aalalang tanong ng Lola niya.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon