(TFD) Chapter 45
"Susundan daw pero nasaan siya ngayon?" Napalabi ako at tumihaya sa pagkakahiga.
I think of Silas the whole night. Pumayag ba siya na i-uwi ako ni Grandpa? Ngayong nalaman ba ni Grandpa susuko na siya? Ang sabi niya kay Laura noon. Kapag binawi ako ni Grandpa, susundan at kukunin niya ako pabalik. Kaya bakit hindi niya pa ako kinukuha hanggang ngayon?
"Sinungaling!"
Umirap ako. Gumilid ako ng higa at niyakap ang isang unan. I sniffed the pillow and closed my eyes. Nanulis ang labi ko nang lumitaw ang mukha ni Silas sa paningin ko kahit nakapikit ako. Mas niyakap ko ang unan. Ugh! I miss him!
Based on my memories, he likes me or more than that. Noon pa man. Pero umiiwas siya dahil alam niya na hindi pwede. Siguro ngayon, tuluyan na siyang titigil dahil marami nang nakaalam sa pamilya namin. Naalala ko ang pag-uusap namin sa hagdan. Kung tutuparin niya iyon, bakit wala pa rin siya rito?
"Tulungan na kita-"
"Hindi na po. Kaya ko na ito, Manang."
Kaaalis lamang ng swero na nasa kamay ko ngayong umaga at ililipat na ako sa kwarto ko. Gusto akong alalayan ni Manang Lupe pero hindi ko hinayaan dahil okay na ako. Ayos na ang pakiramdam ko. Sinamahan niya akong maglakad patungo sa kwarto. Nababakasan pa rin siya ng pag-aalala.
"Dito na ako," ngumiti ako nang hindi pa rin siya umalis kahit nasa tapat na ako ng sarili kong kwarto.
"Wala ka bang kailangan?" May pag-aalala sa boses niya. Umiling ako.
"Wala na po. Gusto ko na lang magpahinga..." Ngumiti ulit ako.
Nilubayan niya rin naman ako at tumalikod. Ano na kaya ang ginagawa ni Silas ngayon? Hindi ba siya nasaktan?
I sighed and turned the knob to open my bedroom door. Hindi pa ako tuluyan na pumasok at tinitigan muna ang mga kagamitan sa loob. It seems so long. Ilang buwan lang pero parang napakahabang panahon na nawalay ako sa kwarto ko. Nasanay ang mga mata ko sa kwarto ko sa bahay nila Silas. At ngayon parang hindi ko na makilala ang sariling kwarto rito sa mansion.
I went inside and closed the door on my back. The first thing I saw is my bed. My queen size soft bed with white clean bedsheets. My comforter and pillows are light pink. Cushioned light pink headboards and my favorite bedside tables with hanging lamp quitely resting above.
Ilang hakbang sa gilid ng kama ay ang pulang couch na nasa tabi ng bintana. Kapag nakaupo ako rito tanaw na tanaw ko ang mga puno sa malayo at ang rancho. Sa paanan ng kama, nakapwesto ang pinto ng balkonahe ko. Puting-puting ang kwarto ko at malinis tingnan. Walang kalat at ang lahat ng bagay ay nakalagay kung saan sila nararapat.
All the curtains were all parted sideways. The sunlight flooded my entire room. It was as if it's a new beginning when I stepped inside my room.
The clean and minimalist vibes quickly giving away my anxiety. Pagkapasok ko pa lang wala na akong maiisip kundi ang kalinisan at kapayapaan sa loob ng kwarto ko. I don't know if it's just me but there's something in my room that made me feel that I'm inside of my safe haven. It feels like no one can disturb me or no one can hurt me. Kahit ang pagkiliti ng malambot na carpeted floor sa paa ko ay nakakapagbigay ginhawa sa akin.
Pinasadahan ko ng kamay ang makinis na comforter ng kama at dumiretso paupo sa couch na nasa bintana. I hugged the couch pillows and raised both of my feet to the couch then lay my back on my single hung window. Habang nakaupo rito'y tanaw na tanaw ko ang labas. I sometimes drink hot chocolate and milk here while watching the rain droplets on my glass window and that's surprisingly relaxing.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)
RomanceSilvanus "Silas" Alvarez is fantasizing over a girl who is unfortunately his niece-Athena Aine Alvarez-to his horror. For him, Athena is like an enchantress straight out of his grandmother's tales. A princess he wishes to protect. A damsel in distre...