The Forbidden Desires 64

64.7K 1.6K 236
                                    

(TFD) Chapter 64




"Si Charlotte!"

Napalabi ako dahil kanina pa nila pinagpipilitan na abangan ko raw sa daungan si Silas. Tho, hindi nila alam na Silas ang pangalan ng asawa ko. Kilala siya rito bilang Silver.

"Hindi ka ba natatakot? Baka mamaya maagaw ang asawa mo! Makakapit ang mga linta sa panahon ngayon! Naninipsip ng dugo at hindi bumibitiw hangga't hindi mo aalisin! Ikaw din! Mayaman si Charlotte at maganda! Baka patulan ng asawa mo lalo't mahirap ang buhay ngayon!"

Mahirap ang buhay? Naisip ba nilang papatulan ni Silas ang may kaya na babae para sa pera? Kung maririnig sila ni Silas ngayon, sigurado ako na maiinsulto siya. Natatawa lang ako sa kanila. Ano ang tingin nila? Hahanap ng sugar mommy si Silas? He has billions of dollars in his bank account. He's full and he will never be broke.

"Tinatawanan mo na naman kami! Hindi mo ba mahal ang asawa mo?"

Lumiit ang mga mata ko sa sobrang pagbunghalit ng tawa. Ipinipilit kasi nilang doon ako maghintay sa daungan kay Silas para makita raw ni Charlotte na talagang may asawa na ito. Pinapakyaw daw ang isda ni Silas para lang makalapit at makapagpapansin. Ang suot ay maliliit na tela at naka-pustura kahit bibili lang naman daw ng isda.

"Hindi ba't mas okay iyon? Kasi mas marami kaming kita-"

Natigil ako sa pagsasalita at muling natawa nang sabay nila akong hampasin sa braso.

"Binebenta mo ang asawa mo?"

"Hindi naman siya ang binibili. Yung isa-"

"Iyon nga! Kaya siya bumibili ng isda dahil sa asawa mo! Ni hindi iyon makikitang lumalapit noon sa mga mangingisda dahil malansa raw ang amoy! Ngayon, kulang na lang doon siya matulog sa dalampasigan kakaantay sa asawa mo!"

Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pagkusot sa mga damit namin ni Silas. Ako lang ang naglalaba rito, sumunod sila at mukhang napalaba lang dahil mayroon gustong i-chika sa akin.

Sa sobrang laki ng tiwala ko kay Silas. Kahit makita ko pa siya sa kama na nakahubad at kasama ang ibang babae na nakahubad at kapag sinabi niyang walang nangyari sa kanila'y maniniwala ako sa kanya. Hindi iyon gawain ng isang martyr. Talagang pulido lang ang tiwala ko sa kanya at hindi na matitibag.

"Sav!"

Malayo pa lang ay tinawag na ako ni Kuya Simon. Siya 'yung napagtanungan naming mangingisda noon kung saan mayroon paupahan. Tumigil siya sa harapan ko at mayroon tinanaw.

"May naghahanap sa asawa mo!"

Mula sa pagkakaupo'y napatayo ako at hinintay na makalapit sa akin ang lalaking sinasabi ni Kuya Simon. Masungit ang kulay abelyanang mga mata nito.

"Sino ang kailangan mo?" Kabadong tanong ko dahil wala rito si Silas para makapagsabi kung talaga bang kakilala niya ito.

"Pinadaan ako ni Silas."

Natahimik ako. Hindi ko pa siya nakita noon. Sa mga kaibigan niya'y hindi ito kasama sa mga nakita ko. Kaya hindi ko masasabi kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Wala siya rito-"

Naputol ang salita ko nang masungit siyang nagbuntong hininga. At para bang hindi niya tatanggapin kung sasabihin kong bumalik na lang siya.

"I know you are not comfortable because we haven't meet yet. Dito na lang ako maghihintay."

Nagmura pa siya ng isang beses. Narinig ko ang pangalan ni Silas. Asawa ko yata ang minura niya. Naiirita siguro at pinaghintay pa siya ni Silas. Naupo siya sa isang bato malapit sa amin. Sinusulyap-sulyapan ko siya. Arogante lang naman siyang naka-dekwatro. Napapatingin sa kanya ang ilan sa mga dumaraan mapababae man o mapalalaki at maging bata'y kuryusong napapasunod ng tingin sa kanya dahil magandang lalaki at malaking tao.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon