The Forbidden Desires 44

75.8K 1.8K 126
                                    

(TFD) Chapter 44




Malamig at basang bagay ang gumising sa akin. Hindi ko gustong gumising at manatili na lang sa madilim na sulok ng panaginip ko. Ngunit ang patuloy na pang-iistorbo ng isang malamig na bagay ay pilit pinupukaw ang diwa ko. I slowly opened my eyes and saw the blurry white ceiling facing me.

"Athena, anak! Gising ka na!"

Kunot noo kong pinakinggan ang boses na naulinigan. It wasn't my mother who called me 'anak'. It was Manang Lupe's voice.

Muli akong pumikit nang masilaw sa ilaw na nasa kisame. Ramdam ko kung gaano katuyo ang lalamunan ko na kahit ang sarili kong laway ay hindi ko malunok.

"Apo?" Haplos sa aking buhok ang sunod kong naramdaman.

"Dumilat siya kanina, Agustin!" Boses ulit ni Manang Lupe.

Umawang ang labi ko at marahan na idinilat muli ang mga mata. Wala na ang puting kisame at naharangan na iyon ng dalawang tao na nag-aabang sa pagmulat ko.

"Apo!"

Malamlam ang mga matang tinitigan ko ang pag-aalala na nakabakas sa mukha ni Grandpa.

"Ikuha mo siya ng tubig, Lupe," utos niya at inayos ang kama para bahagya 'yung umangat sa aking ulunan.

Hindi nagtagal ay bumalik si Manang Lupe at tinulungan akong makaupo para uminom ng tubig. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko at uhaw na uhaw ako. Sa gilid ay isang planggana ng tubig. Maaaring si Manang Lupe ang nagpupunas sa akin kanina bago ako magising.

I remembered that I was inside the school. Natulala at pagkatapos niyon ay wala na akong maalala. Kung hindi ko naalala ang nangyari sa eskwelahan ay iisipin kong karugtong ito ng ala-ala ko noong labing dalawang taong gulang ako.

It was all the same. I also woke up inside our private room in the mansion. Sa tuwing nagkakasakit si Grandpa ay hindi siya nagpapa-hospital. Sa halip ay mga Doctor ang pumupunta rito. This is not a normal guest room. Kamukha rin ito ng isang kwarto sa hospital na mayroon mga gamit pang-gamot. Katulad na lang ng swero na nakakabit sa kamay ko.

When I was twelve, I woke up in the same room. Hindi nga lang katulad ngayon na naaalala ko ang lahat. Nang araw na iyon, pagkatapos kaming makuha ni Silas sa kubo ay tulala lang ako. Nakikita ko sila at nakamulat ang aking mga mata pero malabo sa isipan ko ang lahat ng nangyari at nangyayari. But now, I remember every detail. Every bit of it... Everything.

His scars. Kung ganoon ay doon nanggaling ang mga malalalim na peklat niya? Those scenes are brutal. I feel pity and scared. Kahit nakaraan na'y ramdam ko pa rin ang sakit at ang takot pagkagising ko.

Kung ako ang labindalawang taong gulang na Athena, mas pipiliin ko talaga na kalimutan iyon. Because that's very traumatic for a young and innocent girl.

And same for Silas too. He's strong but he's still seventeen that time. He may be matured but still young.

He was always sure I would hate him. Why would he think of that? Alam ko na kung papipiliin siya ay hindi niya gagawin ang ginawa niya. Bago iyon ay nilalayuan na niya ako. Bago iyon ay iniiwasan na niyang mangyari iyon. Kaya alam ko na katulad ko'y hind niya iyon ginusto.

He may have felt pleasure but that was normal. He doesn't need to be guilty. I didn't hate him but I think he hated himself. Iniisip niya na magagalit ako sa kanya dahil galit siya sa sarili niya. Galit siya sa nagawa niya. Galit siya sa sarili niya dahil iniisip niya na nabigo siyang protektahan ako.

"Where's Silas?"

Nagkatinginan silang dalawa. Nag-iwas ng tingin si Grandpa at si Manang Lupe ang hinayaan na lumapit sa akin. Magaan niya akong hinahaplos sa likod at braso habang nagpapaliwanag siya.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon