The Forbidden Desires 22

99.1K 2K 123
                                    

(TFD) Chapter 22


I know he could feel my nervous. He let my hand go and walked to the cooler near the props. Kumuha siya ng dalawang tubig na malamig at nanatili ang ngisi sa labi na inabot sa akin ang isa.

"You looked funny! I'm just kidding!"

He laughed along with Sir Ortiz. Inilingan nito si Calix at inabot sa akin ang script para mapag-aralan ko raw. Walang praktis ngayon. Nag-meeting lang para makapaghanda. Binigyan din nila ako ng oras para basahin ang script sa bahay at makabisado rin ang ilan sa mga dialogue.

"Oh no! The Queen is coming! I have to hide!"

Ang dali lang bigkasin kapag binabasa pero tingin ko mahihirapan ako kapag aktingan na. Nakatayo ako sa bintana nang matanaw ang muling pagpasok ng sasakyan ni Silas. Umikot pa siya para pagbuksan ng pinto si Penny. Natigil ako sa pagbabasa sa script at tinitigan sila. Mas matangkad si Penny sa akin. Hanggang dibdib lang ako ni Silas samantalang sila'y kaonti lang ang diperensya ng taas.

Silas ripped body can be paired in Pen's catwalk like body shape. Her curves is in the right places. Matambok ang pang-upo at dibdib. Marunong din mamili ng nakaka-akit na damit. One look and you can say that she's good in bed. Isang taon lang din ang agwat nila kung hindi ako nagkakamali. Sinarado ni Silas ang pinto ng sasakyan. Nakahawak siya sa likod ni Penny habang papasok sila sa loob ng bahay.

I sat on my swivel chair in front of study table then swing it left and right. I see, he's so fond of Elle and Penny. Kaibigan niya si Elle. Itong si Penny hindi. Kung pagbabasehan ko ang mga kilos nila, masasabi ko na may ibang namamagitan sa kanila. Kapag nakapag-solo ang babae at lalaki na parehong attractive at marami nang experience, malabo na walang mangyayari. Sa kaso nila, maraming beses na silang naiwan na silang dalawa lang.

Pagkalabas kinaumagahan naabutan ko si Neth na nakabasta na rin. Mukhang sasabay siya ngayong araw sa kuya niya. Inangkla niya ang kamay sa braso ko at hinila ako palapit sa sasakyan. Naninigarilyo si Silas sa gilid ng sasakyan niya at tumayo ng tuwid nang matanaw ang paglabas namin ng kapatid niya. Pinatay niya ang sigarilyo at pumasok sa loob ng sasakyan para buhayin iyon.

"Sa front seat ka na umupo, Gineth. Okay lang ba?" Sabi ko habang naglalakad palapit sa sasakyan.

"Bakit?"

"Masiyado kasing maliwanag sa harapan. Magbabasa sana ako ng script sa likod," pagsisinungaling ko.

"Okay," kumibit balikat siya sabay ngiti at bukas sa pintuan ng front seat.

Ganoon na rin ang ginawa ko. Sa back seat ako naupo at naglabas ng papel para kunwari na nagbabasa dahil iyon ang idinahilan ko kay Neth. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Silas sa salamin. Bago pa tumama ang mata niya sa akin ay nagbaba na ako ng tingin at inosente na inililipat ang pahina ng hawak na papel.

He might be wondering why I sat in the back seat. Without Penny I would usually be the one occupying the front seats. But not at this time. Not now that I feel something deep within me that I don't want to acknowledge. My inside is slowly shattering and the more I will acknowledge it, the more I will hurt.

"May rehearsal kayo mamaya?"

Napilitan akong mag-angat ng tingin kay Neth nang magtanong siya. Bahagya siyang nakasilip sa akin at nilingon ako mula sa front seat. Tumango ako at nagbitiw ng maliit na ngiti. Pagkatapos ng ilang minuto at pagtigil ng sasakyan dahil sa mga tao na tumatawid saka pa lang nagawang magtanong ni Silas.

"Rehearsal for what?" He asked me, waiting for my eyes to look at him in the rear view mirror.

"She will play as princess in the school auditorium, Kuya," sagot ni Neth bago pa ako magsalita.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon