Part 38

1.9K 129 10
                                    

Chapter Thirty-eight


D's

Random things.

Iyan lang yung palagi naming napag-uusapan ni Jema, simula ng magkaroon kami ulit ng kuminikasyon.

Simula ng hingin ko ang number nya kay Carly, hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa aming dalawa.

Siguro nagkakahiyaan. Madalas kasi, puro si Maggie at Deallan lang ang laman ng conversation namin.

Pakiramdam ko, bumalik ako sa pagkateenager, yung tipong nangangapa ako kung ano bang dapat sabihin? Hahaha pakiramdam ko nachochope ako, nakakabakla.

Siguro, ako rin lang ang hinihintay nyang mag-open tungkol samin. Alam mo 'yun? Mas nakuha pa nyang tanungin kung nasaan si Ricci, kung bumalik na 'to sa laot at sumampa na ulit sa barko.

Samantalang ako, naghihintay parin ng explanation hanggang ngayon, kung bakit mas pinili nyang iwan ako kesa lumaban, kahit pa hindi pala sila nagkabalikan ng asawa nya.

Pero tulad nga ng sabi ko, nahihiya akong mag-open ng topic tungkol dun. Para bang may doubt parin ako, hindi parin ako sigurado kung makakakuha ako ng assurance mula kay Jema, na this time, hindi nya na ko iiwan at papanindigan nya na ako.

Hindi ko parin maalis sa sarili ko ang takot na baka, masaktan lang ulit ako. Kapag muli akong sumugal sa pag-ibig ko sakanya.

"Deans, ano daw pangalan nung beach resort na pupuntahan natin sa batangas?"

Nilingon ko saglit si Bea na nasa passenger seat, tapos binalik ko ang attention ko sa daan.

"Yan ang hirap kapag lutang ang isip, no Bea?" Natatawang saad ko, kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagkunot ng noo nya. "Ilang araw ko ng sinasabi sayo yung lugar, papunta na nga tayo dun oh? Lutang ka parin?"

Nilingon ko ulit sya at masakit na tingin na ang pinupukol nya sakin, natawa naman ako. Pero mahina lang, dahil baka magising ang mga kasama naming natutulog sa back seat ng van na inarkela ni Jema.

Tinapunan ko sila ng tingin, nasa gitnang upuan si Jema, nasa magkabilang bisig nya ang tulog na si Deallan at Maggie. Napangiti ako, ang sweet naman tignan ng mag-iina ko. Ehemmmm...... Hahaha.

Nasa dulo naman si Ysa at Carly, magkabilaan din sila at tulad nila Jema, bagsak narin ang mga ito.

"Ano Deanna? Naghihitay si Madz at Pongs, susunod daw sila."

Muling nabalik ang paningin ko sa babaeng iritado na, hahaha. Hindi talaga dapat sasama 'to kaya lang pinilit ni Deallan. Ganun din si Ysa, walang nagawa sa request ni Maggie.

"Virgin beach resort in laiyan batangas."

Agad naman nya 'yun binulong sa kausap nya sa kabilang linya, hindi ako sigurado kung si Madz yun o si Pongs.

"Okay, bilisan nyo ah? Nababadtrip na talaga ako dito kay Wongskie eh."

Napangiti ako habang nasa bibig ko ang likod ng kaliwang palad ko, tapos yung kanang kamay ko ang ginagamit kong pangmaneho.

Wala pang dalawang oras, nakarating na ang sasakyan namin sa bungad ng batangas, at ilang milya nalang nadun na kami sa resort kung saan namin iispend ang weekend.

"Wooooh, salamat nakarating rin." Sigaw ni Carly, habang nag-uunat pa.

"Mama. Lets go, swim." Aya agad sakin ni Deallan, hindi ko pa nga naibababa yung mga gamit namin eh.

"Wait lang anak magcheck in muna tayo ah?"

Ngumiti naman sya bago tumango tapos tumakbo kung nasaan si Maggie, nakahawak ito sa kamay ni Ysa.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon