Chapter fifteen
J's
"Happy Birthday po, Tita." Nahihiyang saad ni Deanna kay Mama at inabot ang regalo nya.
Inaya kasi ni Maggie si Deallan.. kaya heto nangangatog sa takot 'tong babaeng katabi ko.
First time nya lang kasi mameet ang parents ko. Dahil nga, tago ang relasyon namin noon...
"Maraming salamat, hija." Pormal na saad ni Mama, "nasaan ba ang asawa mo Jessica?" Baling nito sakin.
"Susunod nalang daw po, alam nyo naman yun. Puro trabaho nalang ang inuuna." Kung trabaho nga talaga ang inaatupag or may ibang tinatrabaho.
"Napakaswerte mo talaga sa asawa mo, sobrang responsable. Kaya botong boto ako dun eh." Bigla nalang sumulpot si Papa kung saan.
"Kung responsable nga talaga." Bulong ni Deanna... mabilis ko syang siniko.
"May sinasabi ka ba, hija?" Usisang tanong ni Mama kay Deanna.
"Sabi nya po gutom na sya, "ako ang sumagot. "Di ba Deanna?" Pinanglakihan ko sya ng mata.
"Opo, baka gutom na rin po yung anak ko." Awkward na sabi nya. "Yung batang lalaki na pinakilala sainyo ni Maggie, kanina."
"Ah ganun ba?" Pormal na saad ulit ni Mama, "sige kumain na muna kayo. Jessica ikaw na muna bahala dyan sa bisita mo."
"Opoz Ma." Sagot ko kay Mama, bago ito tumungo sa mga kumare nya.
"Ikaw ba'y nainom, hija?" Tanong ni Papa kay Deanna.
"Minsan lang po kapag may ganitong okasyon."
"Oh sya, mag-inom tayo Mamaya ah?"
"Pa," pigil ko dito.
"Sige po walang problema," tinignan ko naman ng masama si Deanna.
"Puro lalaki kainuman ni Papa sasama ka talaga sakanya?"
"May mga tomboy at babae rin akong kainuman. Ano bang masama dun Jessica?"
"Pero Pa, iba naman si Deanna sa mga nakakainuman mo."
"Eh, ano bang iba dun? At bakit ka ba nagagalit?"
"Love, hayaan mo na." Bulong sakin ni Deanna.
"Ewan ko sayo, bahala ka." Tinignan ko sya ng masama bago ko sila iniwan ni Papa.
Kinuhanan ko nalang ng pagkain si Maggie at Deallan na busy sa kalalaro sa baby ni Kyla.
"May anak nadin pala 'tong si Deanna ano?" Saad ni Kyla nung tumabi ako sakanya pagkaka-upo nito sa mahabang sofa namin sa sala.
"Ang cute no? Kamukhang kamukha nya?"
"Naku, mukhang maraming paiiyakin ang batang yan. Ang guapo eh, pero mukhang sobrang lapit nila ni Maggie..."
"Uyy, hindi pwede yang iniisip mo!" Putol ko sa sasabihin pa ni Kyla, parang alam ko na ang kasunod eh.
"At bakit naman hindi? Sa totoo lang bagay naman sila," sabi ko na nga ba.
"Tigilan mo nga yang pinagsasabi mo, ang babata pa nila. Tapos 'yan agad ang iniisip mo."
Ngumisi sya, "bakit parang may laman 'yang inis mo? May hindi ka pa sinasabi sakin ah? May utang ka pang kwento."
"Hindi pwedeng maging si Deallan at Maggie," mahinang sabi ko tapos naglean malapit sa tenga ni Kyla. "Dahil magkapatid sila samin ni Deanna." Bulong ko.

BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄