Chapter Twenty-nine
J's
"Galanza!" Nakangiting tawag sakin ni Malanjao. Napatingin kami sakanya ni Deanna, nakaupo kami sa hapag ng canteen. Halos lahat rin ng nasa loob nito ay napatingin kay Cy.
Lumapit sa amin si Cy, kasunod ang mga barkada nya. May dala itong isang stem ng sunflower. Ang mga kaibigan naman nya, may dala dalang placard pero wala namang nakasulat.
"Ahmmmm... Jema," lumunok sya sabay kamot sa likod ng ulo nya. "May partner ka na ba sa prom?" Nahihiyang saad nya. Napangiti ako, parang kanina lang sobrang confidence nya, ngiting ngiti pa sya. Tapos ngayon tila kinakabahan na.
Nakangiti akong umiling sakanya. Bumakas naman bigla ang saya sa mukha nito. At napa-yes pa sa hangin. Natawa ako ng bahagya.
Malumanay nyang inabot sa akin, ang stem ng sunflowers. "Will you be my date sa prom night?" Pagkasabi nya noon ay tinaas ng mga barkada nya ang placard. Kaya pala walang nakasulat dahil nakatalikod ito.
Narinig ko rin ang iba't ibang bulungan at tilian, pagkabasa namin ng nakasulat roon.
"Be my date. Please say yes."
Yes na yan. Sigaw ng lahat ng nakakasaksi sa loob ng canteen na ito. Nakatingin lang ako kay Cy, nakangiti sya pero kitang kita ang kabang nararamdaman nya.
Ngumiti ako at inabot ang sunflower sa kamay nya. "Yes I'll be your date."
"Yes!!!!!" Sumigaw sya. Kasabay ng malakas na tilian ng lahat ng nakakawitness ng pagsang-ayon ko. "Thank you! Thank you! Thank you, talaga Jema." Masayang masaya sabi ni Cy.
Medyo natawa rin ako. Sa totoo lang I like Cy, rin naman. Sya talaga yung hinihintay kong mag-aya sa akin maging partner nya sa prom.
Nagulat at napatingin kami sa babaeng bigla nalang tumayo at pabalibag na inalis ang upuang katabi nya, natumba ang upuan sa sahig.
Tumingin ako sa seryosong mukha ni Deanna, kitang kita ko ang pagguhit ng kirot sa mata nito. Bigla akong nakaramdam ng konsenya sa di ko malamang dahilan.
Si Deanna, ang weird ng kinikilos nya lately. Lagi nalang syang nagagalit sa akin, tuwing may kasama akong iba, lalo na kapag lalaki. Lalo na kapag si Cy. Hindi ko lang magets kung bakit pakiramdam ko, nagseselos sya kay Cy, lalo pa't nagbibigay ito ng motibo na gusto nya ko. Nasabi ko rin kay Deanna, na kapag nangligaw ito, malaki ang chance na sagutin ko si Cy, dahil nga, I like him.
Pero simula ng sinabi ko iyon lalo lang akong naguluhan sa kinikilos nya. Lalo syang naging weird na hindi ko talaga maintindihan.
Oo, nagseselos rin naman ako. Lalo na kay Luigi, yung bestfriend nyang lalaki. Kitang kita naman kasi na may gusto ito sakanya. At naghihintay lang ng pagkakataon na ligawan sya.
Alam ko sa sarili ko na nagseselos ako kay Luigi, dahil madalas na aagaw nito ang attention ni Deanna, na gusto ko sa akin lang. Pero minsan may kirot din akong nararamdaman, kapag mas pinipili nyang sumama sa lalaking 'yun kesa sakin. Masakit, at ang weird ng pakiramdam na 'yun.

BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄