Part 9

2.3K 97 25
                                        

Chapter nine



D's




"Mama, look oh?" Humahangos si Deallan papasok sa kwarto ko.

"Pumunta sila tita Jema at Maggie sa art museum." Tapos pinakita nya sakin yung phone ko na hawak nya.

Kinuha ko yun sa kamay ni Deallan, tinignan ang mga masasayang larawan ng pamilya nila Jema.

Umismid ako, medyo kumirot din yung puso ko sa mga ibang pictures na magkayakap sila ng asawa nya.

Yung iba nga nagkikiss pa eh!

"Mama pag-uwi ni Papa punta rin tayo dito ah?"

"Hayaan mo baby pauwi na si Papa next week, kahit saan mo gusto pupuntahan natin."

"Yeahey!! Talaga Mama ah? Promise mo po yan ah?" Tumango ako.

"Sige na, maglinis ka na ng katawan at magtoothbrush para makatulog ka na."

"Okay po Mama, Goodnight po!" At kiniss ako sa pisngi.

"Goodnight baby," mabilis naman itong tumakbo palabas ng kwarto namin Ricci.

Tinignan ko ulit yung mga pictures nila Jema.

"Family kayo? Masaya kayo? Okay kayo?" Akala nyo lang yun bwisit kayo.

Binalibag ko sa kama yung cellphone sa inis ko at tumungo ng banyo.

Badtrip kaya naman pala walang paramdam nagfamily bonding. Tapos hindi manlang sinabi sakin?

Nag-aalala kaya ako..... sabagay... sino nga naman ako? Kabet lang ako at ngayon kasama nya ang totoong asawa nya.

Wala akong karapatan magreklamo at magdemand. Kasi nga, ako yung nakikihati ng oras nya....

Umismid ako nung makita ko yung phone ko na umiilaw paglabas ko ng banyo.

"Ngayon mo lang naisip na tawagan ako? Pagkatapos mong magpakasaya?" Bwisit ka.

Nawala naman agad ang pagkakunot ng noo ko at napalitan ng pagkadismaya.

Hindi si Jema ang tumatawag kundi si Ricci. Tingin ko, magbibilin lang to sa pag-uwi nya eh.

"Hi!" Tipid na bati ko sakanya nung sinagot ko ang tawag nya.

"Apaka pormal naman po ng asawa ko," nakataas na kilay na saad ni Ricci.

"Eh bakit ba? Talaga namang hi at hello ang sinasabi kapag sumasagot ng call 'di ba?"

"Ang taray naman! Meron ka ba? Bakit ang sungit mo?"

"Cci, kung tumawag ka lang para mang-asar, wag ngayon please!"

"Ano bang problema Deans? Wala naman akong ginagawa sayo."

Huminga ako nang malalim, nabubuntong ko na naman yung inis ko sa asawa ko.

"Sorry, wala lang to. Medyo nabuburyo lang ako dito sa bahay, naiinip na ko."

"Tapos ayaw mo pa kong payagan magtrabaho."

"Deans, naman. Sinabi ko na 'di ba? Ako ng bahala sainyo ni Deallan, hindi mo na kailangan kumayod. Nandito ako Deanna, responsibilidad ko yun."

"Pero gusto ko rin magkaroon ng sarili kong pera, yung mabibili ko yung gusto ko, at masasabi kong pinaghirapan ko."

"Ang pera ko ay pera mo rin. Kung may gusto kang bilhin, bilhin mo. Hindi mo kailangan magtrabaho Deanna," bwisit ka talaga

Mabilis kong inirapan si Ricci, naiinis talaga ako sa mga katwarin nya.

Hindi nalang sabihing wala syang tiwala sakin, kaya gusto nya ko ikulong. Nakakasakal na talaga.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon