Chapter Twenty-four
D's
Napatulala ako. Bigla ko kasing nabitawan ang baso. Bigla nalang itong dumulas sa kamay ko.
"Deanna! Ayos ka lang?" Wala sa sarili akong napatingin kay Bea. Magkatapat kami sa lamesa habang inaayos ang flayers na ipapamigay namin sa labas ng car shop na pinagtatrabahuan namin.
"Kinakabahan ako, Bea. Ang sama ng kutob ko." Napahawak ako sa batok ko para hilutin 'to.
"Relax lang. Baka nag-ooverthink ka lang, dahil sa nangyari sa inyo ni Jema."
Tumungo ako sa lamesa at ang noo ko naman ang sinapo ko. Hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko may kakaibang nangyayari. Hindi ko maintindihan.
"Sige na. Irelax mo lang muna ang sarili mo. Ako ng bahala maglinis nito." Tukoy nya sa basong nabasag.
"Sorry talaga, Bei." Ngumiti sya at tinapik ang braso ko.
"Naiintindihan ko. Ganyan din ako nung mga unang araw ng pag-iwan sakin ni Jho. Tapos ako naman ang inalalayan mo. Kaya bumabawi lang ako."
Tumayo na sya at naglakad patungo sa office upang kumuha ng walis at dashfan para linisin ang nabasag ko.
Huminga ako ng malalim upang iwagsi sa isipan ko kung ano man meron sa kabang nararamdaman ko.
Sana naman ayos lang si Deallan. Sana naman nahatid sya ng maayos ni Ricci sa school. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may kakaiba talagang nangyayari.
"Sige na, tawagan mo muna si Ricci. Kung nag-aalala ka talaga." Nakabalik na si Bea.
"Thank you talaga, Bei." Tapos tumayo ako at hinugot ang selpon sa bulsa ko bago tumungo sa labas ng shop.
Dinial ko agad ang numero ni Ricci. Pero matagal nya bago sagutin. Office hour narin kasi.
Sinubukan ko ulit ng ilan pang beses bago nya nasagot ang tawag ko.
"Oh, Deans. Napatawag ka?"
"Tatanong ko lang kung nahatid mo na si Deallan."
"Yes, kanina pa. Nasa bahay lang din ako. Sabi ko kay Daddy. Mag-off muna ako, ngayon. Mag-asikaso na rin kasi ako, para sa pagbalik sa barko."
"Ok. yun lang naman. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko malaman kung bakit eh."
"Relax ka nga. Ligtas kong naihatid ang anak natin. Kapag maaga ako naka-uwi ako na susundo sa kanya."
"Thanks, Cci. Sige na kailangan ko narin bumalik sa trabaho."
"Sige. Babye na! Ingat ka dyan" napatango ako bago in-end ang call.
Napangiti ako sa sobrang pormal ng conversition namin. Medyo hindi parin ako sanay na sa papel nalang kami mag-asawa ni Ricci. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na tuluyan nya na akong pinalaya.
Muli akong napabuntong hininga. Nasure ko naman na ayos lang si Deallan. Pero hindi parin maalis ang kaba sa dibdib ko. Sobrang nababalisa parin ako. Para bang may nangyayari hindi maganda sa isa mga mahal ko sa buhay.
Ayos lang kaya sila Mommy? Matagal tagal narin kasi akong hindi nakaka-dalaw sa kanila. Gusto ko kasi kapag pumupunta sa bahay wala si Daddy. Tanging mga kapatid ko lang at si Mommy ang dahilan para pumunta pa ko roon.
Aminin man o hindi ni Daddy. Ilang sya sa akin. Pinaparamdam ko kasing malayo ang loob ko sa kanya. Simula ng magpakasal kami ni Ricci.
Umiwas ako sa sarili kong Ama, dahil ayoko ng paki-alaman pa nya ako.
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfic"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄