Chapter sixteen
D's
Kanina ko pa napapansin na tila iba ang awra ni Bea.
Para kasing pinagsakluban ito ng langit at lupa sa itsura nya.
Nababalutan ng lungkot at kirot ang kanyang mga mata.
"Hey, Bei. Ikaw ba ang asawa ni Ponggay at hindi ka mapalagay dyan?" Biro ko kay Bea.
Nasa operating room kasi ang kaibigan naming yun at naglelabor na.
"Okay lang ako, Deans. Huwag mo kong intindihin, nasaan na ba si Madz?"
"Parating na yun, hinihintay pa nya kasi si Zolo." Sabi ko, tumango naman si Bea.
"Nasaan nga pala si Jho? Bakit hindi mo kasama?"
Ngumiti ng mapait si Bea at lalong gumuhit sa mga mata nito ang kirot.
Hindi sya nagsalita bagkus bumuhos ang masaganang butil ng luha sa kanyang mga pisngi.
Sigurado akong kanina pa nya ito pinipigilan.
Idinantay ko ang palad ko sa kaliwang balikat ni Bea.
Hinayaan lang kumawala ang sakit na kanyang nararamdaman.
"She's with Nico na," hagulgol ni Bea. Nanglaki naman ang mga mata mata ko sa tinuran nya.
"Ha? Anong nangyari?" Medyo napalakas ang boses ko. Hindi ako makapaniwala.
Sobra nilang mahal ang isa't isa kaya paanong mangyayari na sasama si Jho kay Nico? Kay Nico na ex nya?
"Hindi ko rin alam, Deans. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako. Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi ko talaga alam."
Nahigit ko ang aking paghinga. Bakit ganun? Sila pa naman yung nilolook forward ko para paglabanan pa ang pagsubok namin ni Jema.
Yung tipong alam kong malabo ang magtagal ang klase ng relasyon namin.
Pero dahil kay Jho at Bea, lumalakas ang loob ko na mapagtatagumpayan namin ang lahat ng 'to, na matatapos rin ang sakripisyo namin at magiging masaya rin kami Jema.
Tulad ni Jho at Bea.
"Kumusta si Pongs?" Agad pinunasan ni Bea ang luha nya at tumalikod kay Maddie at Zolo na kararating lang.
"Nasa operating room pa," malumanay na sagot ko kay Madz. "Nandun din si Kobe."
Tumango sya at tumitig kay Bea na nakatakikod sakanila ng nobyo nya.
"Hey, Bea. Nandito kami hindi mo ba kami babatiin?"
"Hi Madz, Hi Zolo." Simple tugon ni Bea na hindi tinapunan ng tingin ang magkasintahan.
Tinignan ako ni Madz na tila ba tinatanong kung anong nangyari?
Nagkibit balikat na lamang ako. Siguro hindi pa gustong sabihin ni Bea sakanila ang nangyari sa relasyon nila ni Jho.
"Ahmmm, Madz. Siguro mauna na muna kami ni Bei. Baka hinahanap narin kasi ako ni Deallan, masama rin kasi pakiramdam ni Bea." Pagsisinungaling ko, "babalik nalang siguro ako bukas."
"Okay!" Tumaas ang kilay ni Madz, para bang hindi 'to naniniwala sa palusot ko. "Bei, uminom ka ng gamot at magpahinga ka ah?" Sabi nya kay Bea, tumango lang naman ito kay Madz na hindi parin humaharap sakanila.
Tinignan sya ng pailalim ni Madz na tila ba nagdududa sa kakaibang kinikilos ng kaibigan namin.
Napatawa nalang ako at inakbayan si Bea, lumakad kami palayo kay Madz na kunot parin ang noo.

BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄