Chapter Thirty-five
J's
"Waaaaaahhhhh!" Ang sakit ng ulo ko, hindi na talaga ako iinom. Bwisit na Ysa 'yan, ng dadamay pa eh. Kainis!
Teka ano bang nangyari kagabi? Sa sobrang sakit ng ulo ko, wala ng maprocess sa utak ko.
Maingat akong bumangon sa kama, bukod sa kumikirot ang sentido ko at para bang matutumba ulit ako dahil sa medyo pag-ikot ng paningin ko. Katabi ko rin si Maggie, baka kasi magising.
"Anong oras na ba?" Tinignan ko ang alarm clock sa ibabaw ng lamesita sa tabi ng kama. "3 am palang? Anong oras ba kami natapos kagabi? Ano bang nangyari?"
Hinawi ko na lang pataas, ang gulo gulo kong buhok. Wala talagang bumabalik na alaala, sa nangyari kagabi.
Tumayo ako sa kama, kailangan kong tumungo ng kusina, nanunuyo ang lalamunan ko, kailangan kong uminom ng tubig.
Susuray suray akong naglakad palabas ng kwarto hanggang makarating ako sa bakuna ng kusina. Napahinto ako kasi may naaninag akong dalawang babae na nakatayo sa kitchen counter.
Yung isa nakaharap sa gawi ko, may hawak na tasa ng kape. Nakasandal sa tabi ng lababo, hindi nya ko napapansin dahil nakatuon lang ang paningin sa babaeng nakaharap sa sink, mukhang naghuhugas ng plato or pinag-gamitan namin kagabi.
"Alam mo Deans, matulog ka na, kesa nakatunga-nga ka sakin dito."
"Eh, paano pa ako makakatulog, pangalawang kape ko na 'to ngayong gabi."
"Umaga na po kaya? Saka bakit ka kasi nagkape? Tapos ngayon nagrereklamo ka na hindi ka makatulog."
"Kaya nga nagkakape kasi umaga na eh."
Hinarap ni Carly, si Deanna at pinangningkitan 'to ng mata. "Alam mo ikaw? Ewan ko sayo! Ang pilosopo mo."
"Hahaha, ikaw din kasi matulog ka na. Mukhang hindi ka pa, nagpapahinga mula kagabi."
"Tatapusin ko lang 'to. Ikaw yung matulog dyan, baka may pasok ka pa mamaya."
"Nagsabi ako kay Bei, na hindi ako makakapasok ngayon."
"Huh? Bakit? Sira ka talaga. Bakit naman aabsent ka pa?"
"Paano ba naman may isang babae dyan, na tawag ng tawag sakin para humingi ng tulong."
"Ayyyy sus. Hindi mo lang talaga matiis si Jema no?" Nakangising asar ni Carly.
"Hindi no!" Medyo lumakas ang boses ni Deanna, kung makatanggi naman, ang sakit ah?
"Oh bakit naninigaw? Affected? Hinaan mo yang boses mo, mamaya magising sila."
"Eh kasi naman, ikaw ang dahilan bakit nandito ako. Humingi ka ng tulong sakin, kaya heto, I save you."
Awtsss kung maka-save you, save you ka naman, akala mo inapi namin yang babae mo. Badtrip, kainis! Sumisikip ang dibdib ko. Ang sakit po, Mama.
"Bolera, 'wag kang ganyan. Mamaya maniwala ako."
"Hahaha, maniwala ka na." Okay, ayos lang ako. Tuloy nyo lang yang lokohan nyo.
"Wag kang ano! Wag mo kong itulad kay Ysa, na ginawa lang panakip butas ng kaibigan mo."
"Grabe naman, mahal ni Bei, si Ysa. Hindi pumapasok si Bea, sa relasyon na hindi seryosuhan."
"Pero hindi nun, maaalis ang katotohanan, na hindi pa nya kayang ibigay ng buo ang sarili nya kay Ysa."
Napahinga ng malalim si Deanna, "siguro nga. Pero maniwala ka, mahal ni Bea si Ysa."
Umiling iling si Carly, "kaya ikaw. Wag kang papasok sa relasyon, hangga't hindi ka pa nakakawala sa nakaraan mo. Kasi makakasakit ka lang."
"I know, kaya nga single parin ako. Hindi ko minamadali ang lahat."
Nagpunas muna si Carly ng kamay sa towel, bago hinarap si Deanna, lalo atang nanikip ang puso ko sa pagtititigan nila. Bakit ganun? Bakit ako nasasaktan, kahit pa wala namang romantic na namamagitan sa kanilang dalawa?
Bakit ba pakiramdam ko, any moment maaagaw na ni Carly si Deanna sakin.
Wag kang ambisyosa, Jema. Hindi na sayo si Deanna, hindi na sya sayo, simula ng iwan mo sya. Kaya wala ng maaagaw sayo.
Letse. Ang sakit!
"Mag-usap kayo ni Jema, try to listen to her. Nahirapan din sya Deans, hindi lang ikaw."
"Mag-uusap naman talaga kami, tulad ng sabi ni Ysa, para sa peace of mine nalang namin, para sa closure."
Closure? Tinataposo mo na ba talaga ang lahat ng sa atin?
"Deanna...."
"Carly..." Binaba ni Deanna, ang hawak nyang tasa. Upang hawakan ang magkabilang braso ni Carly. "Naguguluhan pa ko sa ngayon, nagtatalo ang puso't isip ko. Pagod na ko, gusto ko munang magpahinga."
Naninikip na talaga ng dibdib ko, hindi ko na talaga kaya, hindi na talaga ako makahinga. kumurap ako, para lang bumagsak ang luhang kanina pa nasa gilid ng mga mata ko.
Kahit hilam na ko sa luha, pilit ko parin pinagmamasdan si Carly at Deanna, halos hindi napuputol ang koneksyon ng kanilang mga mata. Titig na titig sila sa isa't isa.
"Hindi naman, ibig sabihin kapag nakapag-usap kami ni Jema, maaayos na ang lahat, babalik na ang lahat sa dati. Hindi na 'yun ganun kadali."
"Deans...."
"Carly, hindi ko hinihiling sayo na hintayin mo ko......"
Pumikit na ko, kasabay ng mas maraming luha sa mga mata ko. Mabagal akong humakbang paatras, hindi ko na kayang marinig kung ano pa ang mga susunod na sasabihin nya.
Malinaw na sakin ang lahat, hindi ko na kailangan pang marinig... Alam ko na!
Ang sakit sakit! Pero kasalanan ko namang lahat ng 'to eh. Ako ang naglagay ng sarili ko sa sitwasyon na 'to.
Wala akong dapat ibang sisisihin kung bakit ako nasasaktan kundi ang sarili ko....
Pilit kong pinipigilan ang pagtangis ko, tanging impit na daing nalang ang lumalabas sakin, para lang hindi magising si Maggie.
Kasalanan mo talaga 'tong lahat kuya.... Mapapatay talaga kita. Ikaw ang dahilan bakit, nawalan na ko ng karapatan sa babaeng mahal na mahal ko.
Hindi ko na sya pwedeng hawakan, dahil ibang babae na ang gusto nyang hawakan.
Hindi ko na sya pwedeng abutin, dahil ibang babae na ang pilit nyang inaabot.
Gusto ko syang yakapin, pero hindi na pwede, dahil ibang babae na ang gusto nyang yakapin.
Gusto kong maramdaman muli ang mainit at matamis nyang halik, pero ibang babae na ang gusto nyang umangkin ng kanyang labi.
'yung babaeng kaya syang panindigan, 'yung babaeng kaya syang ipaglaban. 'yung babaeng kaya syang ipagsigawan, na sya lang ang tanging mahal.
Lumakas ang impit na pagtangis ko, halos basang basa narin ang unan, sa walang tigil na pag-agos ng luha mula sa mata ko.
Lahat ng ala-ala ng nakaraan bumabalik na naman, yung mga ala-alang alam ko, na ako ang dahilan kung bakit nasayang.
Gusto ng makawala ni Deanna, sa nakaraang naming dalawa. At hindi ko 'yun kaya, pero ano nga bang magagawa ko? Ako naman may gusto ng lahat ng 'to.
Dapat nga, wala akong karapatan masaktan di ba? Kasi ako yung nang iwan eh. Pero ang sakit eh. Ang sakit sakit.
Kung kaya lang ibalik ng sakit na 'to ang lahat, kung kaya lang ibalik ng sakit na 'to ang dati. Kung kaya lang itama ng sakit na 'to ang lahat.
Pero kahit anong gawin ko, tapos na ang lahat. Kahit ano pang sabihin ko kay Deanna, hindi narin mahalaga.
Hindi na namin kailangan mag-usap dahil nakapagdesisyon na sya, hindi na nya kailangang pakinggan pa ang paliwanag ko.
Magmomove on na sya, gusto nya ng kalimutan ang lahat ng nakaraan namin at kasalanan ko 'to.
Waaaahhhh, mama. Ang sakit po, ang sakit sakit po talaga. Hindi ko na ata, kaya.
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄