Chapter Thirty-four
J's
"Kuya Justin, kasalanan mong lahat ng 'to. Kasalanan mo 'tong lahat Mark Justin Casidsid Galanza."
Narinig ko ang malakas na tawa ng kuya kong nasa kabilang linya.
"Tapos ngayon!!! Tatawa tawa ka pa ah?" Yamot kong sabi habang sinisinoksinok pa.
"Kuya Justin, send help!!" Sigaw ni Carly habang inaalalayan ang lasing na si Ysa.
"Sabihin mo kay Carly, kaya nya na kamo yan, sisiw lang sakanya ang dalawang bruhang lasing." Tawang tawa talaga sya.
"Ang bully mo talaga!!! Sobrang laki na nga ng kasalanan mo sakin tapos ng aasar ka pa?"
"Bunso, hindi ko naman kasalanan kung nakamove on na agad sayo yung ex kabet mo. Baka ganun ka lang talaga kadaling kalimutan hahaha."
"Bwisit ka talaga!!!!" Sigaw ko.
"Hahaha ano ba! Nakakabingi."
"Bad trip ka talaga kuya, Kasalanan mong lahat ng 'to eh. Sabi mo sundin ko sila mama, sabi mo maghihintay sya sakin? Letse ka!!! Si Carly na gusto nya eh!!!"
"Hoy, bruha! Wag mo kong idamay dyan!!! Oo, I like her. Pero hindi naman ako tanga para pumatol sa tao o babaeng hindi pa nakakawala sa nakaraan nya, ayoko maging rebound o panakip butas... Tulad ng isang 'to!!" Sabay palo sa nagsusukang si Ysa. "Yak!! Talaga!! ang baho!!!"
"Oh ayan, narinig mo? Wala naman palang chance yung ex kabet mo dyan, sa kaibigan mo."
"Ewan ko sayo!!! Kasalanan mo talaga 'to. Sasapakin talaga kita kapag hindi bumalik sakin si Deanna."
"Hahaha, Je. Narinig mo naman ang sabi ni Carly, di ba? Hindi pa nakakamove on yung babaeng mahal mo, ibig sabihin may puwang ka pa sa puso nya, kailangan lang ng effort para makabalik ka sakanya."
"Eh ano bang gagawin ko kuya?" Suminok ako. "Paano ba manligaw?" Narinig ko na naman ang pagtawa ng walanghiya kong kuya. "Kuya!!!" Nangigil na talaga ako sayo.
"Babae ka Je, babae rin naman si Deanna. So dapat ikaw ang unang nakaka-alam kung anong kiliti nyong mga babae."
"Isusurprise ko sya?"
"Exactly, ganyan naman kayong mga babae di ba? Gustong gusto nyo yung mga paandar at effort. Ewan ko ba sainyong mga babae, kami hug at kisses lang masaya na kami eh. Kayo ang dami pang checheburetche!"
"Manyak kasi kayo!!!"
"Hoy, bunsoy!!! Hindi lahat ng lalaki yun ang hanap sa babae. May mga katulad parin namin na forever ang hanap at hindi paraosan."
"Tsk..." Natawa ako, sa totoo lang mahihintulad ko si kuya kay Ricci, yung asawa ni Deanna. Kaunti nalang yung mga katulad nila na dapat itreasure. Kaya lang, madalas napupunta yung nice guys sa mga babaeng hindi kayang ibalik kung ano man yung naibigay nila.
Hayssss may guilt parin ako para kay Ricci, pero mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko kay Deanna.
Alam kong may pag-aalinlangan sya, kitang kita ko yung halo halong emosyon nya kanina.
Alam ko maraming gumugulo sa utak nya, kahit pa nakalimot sya ng ilang minuto sa pamamagitan ni Maggie, hindi nya parin maitatago na may sama sya ng loob sakin.
Ngumuso ako, ginamit pa nya si Carly, para lang makatakas. Nasaktan kaya ako, sa isiping binubuksan nya na yung sarili nya para sa iba? Nakakainis ang tagal ko ng hinintay ang pagkakataon na 'to eh.....
![](https://img.wattpad.com/cover/228836253-288-k264587.jpg)
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄