Part 2

2.3K 115 27
                                    

Chapter two

J's

Naglalakad ako ngayon sa isang mall malapit sa school ni Maggie.

Maggogrocery nalang muna ako habang hinihintay matapos ang klase nya.

Umaga hanggang tanghali lang naman ang klase ng grade 1 student.

Kaya nililibang ko nalang ang sarili ko dito sa mall para hindi na ko umuwi.

Nung mga nakaraang araw kasama ko si Deanna, dito eh!

Halos inuubos lang namin ang oras namin sa paglalakad dito, kahit pa. Paulit-ulit lang yung pinupuntahan namin.

Naubos narin kasi namin yung kwento ng isa't isa.

Katulad ng alam ko, na napilitan lang itong pakasalan si Ricci. Dahil nga nabuo nila si Deallan.

Kasi ayaw daw nyang lumaki yung anak nya na walang Ama or hindi buo yung kagigisnan nitong pamilya.

Naging asawa nya si Ricci na hindi manlang nya naging boyfriend.

Marami pa syang kinwento, halos lahat ng nangyari sa buhay nya sinabi nya sakin.

Ako naman, si John Vic talaga ang first boyfriend ko.

2nd year college kami nung sinagot ko sya, halos taon din itong nanuyo sakin.

Aaminin ko hindi ko sya feel nung una, kaya hindi ko sya sinasagot.

Saka isa pa, hindi ko parin  kasi, nakakalimutan si Deanna.

Pero habang tumatagal ang panahon natutunan ko narin mahalin si John Vic.

Hindi ko naman sya papakasalan kung hindi ko sya mahal 'di ba?

Bukod sa katulad din sa case nila Deanna, napa-aga lang yung kasal namin. Dahil nabuo agad si Maggie.

Nag-iingat naman kami nung college, pero ganun talaga siguro. Destiny na ibigay samin ng maaga ang anak namin.

7 years narin kaming kasal!

Lahat ng yun alam ni Deanna, pero may isang bagay lang akong hindi masabi sakanya.

Yung pang-babae ni John Vic, ilang beses nya na akong niloko.

Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko sakanya at ayokong bigyan ng broken family si Maggie. Palagi ko lang syang pinapatawad.

At lately nga, pakiramdam ko may bago na naman sya.

Lagi na naman itong nag-oover time, kahit weekend nagtatatrabaho.

Pinapabayaan ko nalang sya! Nagsasawa narin naman na ako!

Importante samin parin sya umuuwi! At kami parin ang pamilyang tinatawag nya.......

Napahinto ako sa paglalakad sa bandang gawi kung saan kami palaging tumatambay ni Deanna.

Kahit nung high school pa kami, dito kami laging umuupo.

Pinapanood ang mga batang naglalaro sa arcade.

Tapos tatanungin ako ni Deanna kung ilan ang gusto kong maging anak.

Sasagutin ko naman sya na bakit mabibigyan mo ba ako ng anak?

Tapos tatawa sya at sasabihing hindi naman masama mangarap.

Huminga ako ng malalim! Namiss ko na sya, kaya lang kailangan ko syang iwasan.

Ayoko syang bigyan ng false alarm, nabigla lang ako nung sinabi kong mahal ko pa sya.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon