Part 33

1.6K 103 42
                                    

Chapter Thirty-three


D's




Hindi ko na sya mahal....



Paulit ulit ko mang isiksik sa utak ko ang mga salitang 'yan, subalit ayaw talaga sumunod ng puso ko. Pilit parin nyang dinidikta sa akin, na dapat ko parin mahalin si Jema, na bigyan pa namin na isang pagkakataon ang isa't isa.

Pero ayoko na... Pagod na pagod na kong mahalin pa sya. Takot na takot na kong mahalin pa sya. Dahil sa huli ako lang yung talo, ako lang yung masasaktan....

"Ahhhhhh." Bumalikwas ako sa pagkakahiga ko. Gulong gulo na ko. Bakit ba ayaw magkasundo nitong puso't utak ko?

Bakit ba hindi mabawasan ang pag-aalinlangan ko, kahit pa, sinabi na samin ni Ysa at Carly ang lahat. Bakit kahit nagkaroon ako ng konting pag-asa. May takot parin ako sa puso ko?

"Nakakainis!!" Ginulo ko ang buhok ko. Nakakabad trip... Nakakafrustrate. "Eh ano naman kung hiwalay na sila ng asawa nya? Gaano ba kalaki ang assurance ko na hindi nya na ako iiwan sa ano pa mang dahilan?"

"Paano kapag pinapili na naman sya ng parents nya? Gaano kalaki yung chance na this time ako naman ang pipiliin nya?"

Huminga ako ng malalim... Nababaliw na ko. Kinakausap ko na naman ang sarili ko.

Pero aaminin ko... Nung sinabi sakin ni Carly kanina na wala na nga si Jema at John Vic, habang naglalakad kami papuntang kotse ni Bea. Gusto ko ng bumalik kay Jema, nun at yakapin sya.

Bigla akong nagkaroon ng pag-asa na baka may chance na kaming dalawa. Na sa pagkakataon na 'to kami naman, magiging masaya at malaya na kami.

Pero katulad nga ng tumatakbo sa isip ko ngayon, 'yun din ang pumigil sa akin para balikan si Jema.

Yamot akong bumangon sa kama, hindi na ko makakatulog sa gulo ng utak ko. Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape, lalo ata akong hindi makakatulog nito? Letse bahala na.

Habang humihigop ako sa mainit na kape sa tasa, unti unti na namang bumabalik sa ala-ala ko, kung paano sinabi sakin ni Carly na hiwalay na si Jema at ang asawa nya.....

----

"Si Jema 'yun right?"

"Huh?" Wala sa sariling sagot ko, bigla rin akong napalingon sakanya. Huminto sya sa paglalakad, dahil nakahawak ako kamay nya, napahinto rin ako.

"Masyado bang malalim 'yong iniisip mo kaya hindi mo narinig kung anong sinabi ko?"

Napabuntong hininga ako, tila tinubuan ako ng konsensya. Kasama ko si Carly, pero ito, lumulutang ang isip ko at nag-iisip ng ibang babe, habang sya ang kasama ko.

"I'm sorry, Carly."

Ngumiti sya pero katulad kanina, hindi ito umaabot sa mata nya. Lalo tuloy akong nakonsensya. Tulad nga ng sabi ni Ysa, may gusto sya sakin. Tapos heto ako oh? Pinaparamdam ko pa sakanya, na....... hayssss! Ano ba Deanna, nakakasakit ka na naman ng iba.

"Kung ano-ano na naman 'yang nasa utak mo."

"Huh?" Wala na naman sa sariling sagot ko. Napatawa sya ng bahagya, tapos tumingin sa kamay naming magkahawak, tinitigan nya 'yon, at matagal bago sya magpasya na bitawan ng unti unti ang kamay ko.

Mabagal nyang binalik ang tingin nya sa mata ko, kumislap ang mga mata nya, tila ba, may crystal na butil sa loob nun.

Ilang buwan ko na bang kilala si Carly? Tatlong buwan? Ganun na ba agad kalalim ang naibigay kong pag-asa sakanya?

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon