Chapter one
D's
"Hi Ma!" Pupungas-pungas pa kong umupo sa kama habang pinapkita sakin ni Deallan ang Papa nya sa kabilang linya.
"Hi Pa, Good Morning!" Ngumiti ako at kumaway kay Ricci.
"Baby, mag-shower ka na. Baka malate ka pa," utos ko naman sa anak ko.
"Okay po, Ma. Good morning po!" Inabot nya sakin ang phone bago kumiss sa pisngi ko.
"Pa, ligo po muna ako ah? Miss you po!" Sabay flying kiss ni Deallan sa Papa nya.
"Miss you too, baby." Sagot naman ni Ricci.
"Ang aga naman ng tawag mo, Cci." Sabi ko pagkapalabas ni Deallan.
"Sorry na! Naistorbo ko ba ang tulog mo? Ngayon lang kasi ang free time ko eh!"
"Hindi naman, gising narin naman na ako! Musta ka dyan?"
Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal habang naliligo pa si Deallan.
"Okay naman ako dito, Ma. Kayo ni Deallan, may pang-gastos pa ba kayo dyan?"
"Meron pa naman, pero Pa. Remind ko lang sayo, yung fieldtrip ni Deallan ah?"
"Sige, magpapadala na ko. Kelan ba yun?"
Nilagay ko sa patungan yung phone para makapagluto ako.
"Next week na, Pa."
"Sayang naman, sana next month nalang para makasama ako!"
"Uuwi ka na next month?" Takang tanong ko.
"Yes, Ma! Hahaha sobrang miss ko na kayo ni Deallan kaya nagrequest akong agahan ang pag-uwi ko!"
Teka 4 months palang sya sa laot ah? Tuwing 6 months 'yan umuuwi eh.
"Ang lakas naman po pala ng asawa ko! Sino ba hinilingan mong babae mo? Hahaha," sabay peace sign.
"Seaman 'tong asawa mo pero hindi ako manloloko!" Sabay irap sakin.
"Hahaha sure ka ba dyan?" Lumabi lang sya.
"Pero bakit nga mapapa-aga, Pa? Nagkaproblema ba?"
"Wala naman problema, kinailangan lang magbawas ng tauhan. Tapos nagtanong sila kung sino gusto umuwi ng maaga, kaya ayun, nagrequest ako. Miss ko na talaga kayo eh!"
"Pero hindi ka naman permanent na tanggal?" Kinakabahan tanong ko.
"Hindi Ma, don't worry. Kailangan lang talaga magbawas ng isang buwan and then tatawagan daw kami next next month! Hindi kami basta basta tatanggalin may kuntrata yun!"
"Buti naman! Ang dami natin gastusin Ricci! Tuition palang ni Deallan, malaking gastos na!"
"Wag ka na kasing mag-alala, Deans." lumabi sya, "parang di mo naman ako namiss nyan eh!"
Natawa ako, "ang drama mong bakulaw ka."
Inismiran nya ako.
"Miss na kita bakla ka! Hahaha, wag kang masyadong manlalaki dyan ah?"
"Yes po Ma! Ikaw lang sapat na, hahaha! Ikaw din tomboy, 'wag ka masyadong mangbabae dyan! Wag mo masyadong ubusin yung pera ko!"
"Sira! Sila yung gumagastos sakin," sabay pa kaming natawa.
"Sige na, Ma. Tapos na ang break ko! Miss ko na kayo ni Deallan, I Love you ah? Ingat kayo."
"I miss you too, Pa." Napalunok muna ako bago muling nagsalita "I love you too and mag-ingat ka rin dyan."
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄