Part 36

1.6K 110 10
                                        

Chapter Thirty-six


D's


Masayang masaya si Deallan at Maggie habang lulan ng bisikletang pinapaandar nila. Tig-isa silang single bike na may gulong sa magkabilang gilid nito. Nagsosolo sila sa gilid ng hallway ng park, siguro. Natatakot masanggi ng ibang pang nagbibisekleta na mas malaki pa sakanila.

Halos kadadating lang namin kagabi ni Deallan, tapos ayan. Hindi pa nga nakakapagpahinga mula sa mahabang biyahe, layas agad ang inatupag ng batang 'yan.

Hindi ko naman sya matanggihan, malaki narin ang tampo nya sakin, bukod sa iniwan ko sya para sa trabaho. Hindi ko natupad ang pangako ko sakanya, pinutol ko kasi ang lahat ng contact namin ni Jema.

Sa pag-aakalang, iniwan nya ko para ayusin ang relasyon nila ng asawa nya. Sa ngayon, hindi ko parin alam ang totoong dahilan ng pag-iwan nya sakin, dahil hanggang ngayon hindi parin kami nakakapag-usap......

"Hmmm!" Umangat ang tingin ko sa babaeng nag-aabot ng cone na may lamang mango flavor ice cream. "Palamig ka muna, sobrang init." Sabi nya at umupo sa tabi ko.

Medyo nawiwirduhan lang ako sa pakiramdam ko ngayon, ang awkward kasi eh. Muntik ba naman akong umamin ng feelings ko sakanya, na kahit ako. Hindi ko alam kung totoo.

Nagulat din ako sa ginawa ko, unexpected yung pakiramdam na magcoconfess dapat ako sakanya ng feelings ko, hindi ko alam, kung anong masamang hangin ang biglang pumasok sa utak ko nun.

Ang alam ko lang, naging selfish ako nung gabing 'yun. Walang tumatakbo sa utak ko kundi makawala sa gulo ng isip at sakit na nararamdaman ko. Si Carly lang ang nakita kong paraan para makawala sa sakit ng dulot ng pagkikita ulit namin ni Jema.

Hindi naman kasi ako naguguluhan nung malinaw sakin na iniwan ako ni Jema, para ayusin ang pamilya nya dahil yun ang gusto ng mga magulang ni Jema.

Handa na kong magmove on eh. Unti unti ko ng natatanggap na hindi ako ang pinili at hindi ako kayang ipaglaban ni Jema. Alam ko, sobrang tagal ng proseso para makawala ako sa sakit ng dulot ng nakaraan ko.

Naranasan ko na rin naman ang sakit na 'to eh. Yung sakit ng unang beses na iniwan ako ni Jema. Siguro nung una, natanggap ko agad. Dahil may kasalanan din naman ako, hindi ko rin sya kayang ipaglaban noon.

Nagmove on ako, tinanggap sa sarili ko na hindi kami para sa isa't isa. Pinagtagpo lang kami para maging lesson sa buhay namin ni Jema. Lesson, para sa susunod na magmahal ulit kami, yung aral na 'yun ang babaunin namin.

Pero ang daya naman eh. Bakit hindi parin kami natututo? Bakit inulit lang namin 'yung pagkakamali namin noon? Bakit mas pinili parin nyang magpatalo kesa lumaban?

"Nakikinig ka ba?"

"Huh?" Medyo nagulat pa ko nang pitikin nya ang noo ko.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo, may memories din kayo sa park na kasama ang mga bata no?"

Kumurap ako para iprocess sa utak ko ang sinasabi nya.

"Ah?" Sabi ko tapos tumingin ulit kela Maggie. "Lagi kaming namamasyal tuwing weekend kapag walang pasok ang mga bata." Nakangiting saad ko.

"Madalas nasa mall lang kami, sinasakay sa iba't ibang rides si Deallan at Maggie. Tapos kumakaen din kami nitong ice cream, habang nasa rides or palaruan pa sila, at hinihintay namin sila ni Jema."

"Sobrang laki ng naitulong ni Deallan at Maggie, sa pag-grow ng relasyon namin ni Jema. Sila yung dahilan kung bakit narealized namin na mahal pa namin ang isa't isa."

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon