Chapter twelve
D's
"Anong balita sa agency Cci?" Tanong ko sakanya habang nanonood ito ng t.v sa sala.
"Halos kakauwi ko lang Deans, parang gusto mo na ako ulit paalisin?"
"Hindi naman sa ganun, tinatanong ko lang naman kung anong sabi ng agency nyo."
Biglang sumeryoso ang mukha nya, "ang totoo kasi nyan. Nagresign na ko."
"Anong sabi mo?" Pasigaw na saad ko.
"Gusto ko na kayong makasama ni Deallan..."
"Tangina naman Ricci, ang dami nating gastos dito sa bahay!l. Tapos ang lakas ng loob mo magresign?"
"Huminahon ka naman Deanna.. maghahanap naman ako ng trabaho dito eh. Promise," siniringan ko sya.
"Intindihin mo naman ako oh? Lumalaki na si Deallan, lumalaki sya ng hindi ako nakikita at nakakasama.. gusto ko rin naman magpaka-ama sakanya."
"Gusto mong magpakatatay sakanya? Maiwan ka dito sa bahay at ako ang maghahanap ng trabaho."
"Deanna!!!" Hindi ko sya pinansin nagtuloy-tuloy lang ako sa paglabas ng bahay namin.
Nakakainis gusto nya lang akong sakalin eh. Lalo nya lang akong ikukulong...
Kunwari pa syang si Deallan ang dahilan nya?
Hindi nya lang ako maderetso dahil alam ko natatakot sya sa magiging resulta... bahala na sya sa buhay nya..
Huminto ako sa waiting shed at dinail ang number ni Jema.
"Hello, Deans."
"Magkita tayo, Love."
"Huh? Saan naman? Pinayagan ka ba ng asawa mo na lumabas?"
"Hindi, umalis ako. Pero alam nya, kasi inaway ko sya. Iniwan ko sakanya si Deallan."
"Sira ka talaga. Pero ako, hindi ko alam kung paano ako tatakas kay John Vic, nandito sya."
"Alam mo bang muntik na tayo mabuko nung nagsinungaling ako sakanya na pumunta kami ni Maggie sa birthday ng kaklase nya?"
"Kaya lang kinabukasan nag-kwento si Maggie na galing tayo kela Bea... tapos matagal tayo bago bumalik."
"Kaya hindi ko na alam kung ano pang palusot ang gagawin ko."
Napahinga ako nang malalim, "hanggang kelan ba tayo ganito Jema? Handa kong iwan si Ricci para sayo, ikaw handa mo bang iwan si John Vic para sakin?"
"Deans... napag-usapan na natin to. Hindi naman si Vic ang dahilan ko 'di ba?"
"Ano ng mangyayari satin ngayon Jema? Unti-unti ng sumisikip ang mundo natin. May pag-asa pa ba tayong dalawa?"
"Napapagod ka na ba Deanna? Pwede...."
"Jema naman," tumaas ang boses ko.
"Kaya ko pa. Ang hindi ko lang kaya, yung tipong ipinaparamdam mo sakin na bibitawan mo ko, oras na mahuli tayo."
"I'm sorry, Deans. Hindi pa talaga ako handa, aaminin ko sayo mahal ko parin naman si John Vic eh. Oo nabawasan na, dahil sa mga kalokohang ginagawa nya."
"Pero umaasa parin ako na magiging buo ulit kami para kay Maggie."
Tumawa ako ng may pait, "at ako? Ginagamit mo lang dahil sa pagkukulang ng asawa mo? O gusto mo lang gumanti?"
"Hindi yun ganun Deanna, mahal na mahal kita, alam mo yan." humagulgol na si Jema. "Pero mas mahal ko parin ang pamilya ko."
"I'm sorry kung di mo na kaya. Handa naman kitang palayain," nasuklay ko ang buhok ko kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/228836253-288-k264587.jpg)
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄