Chapter Thirty-seven
J's
Kumusta kaya ang bonding ni Maggie with Deanna and Deallan? Siguro tuwang tuwa si Deanna sa pagbungisngis ng mga bata habang tinuturuan ang mga ito magbisekleta.
Ang saya saya siguro ni Maggie kasama si Deallan, sa iba't ibang rides. Tapos kumakaen naman ng ice cream si Deanna habang hinihintay ang mga anak namin. Kasama si Carly.
Ang saya siguro nila ngayon na nagbobonding na parang isang pamilya. Katulad ng pagbobonding namin noon, bago naging kami at maging kami ni Deanna.
Sa loob ng dalawang buwan na paglabas labas namin ni Deanna, kasama ang mga bata. Doon narin bumabalik ng paunti unti ang feelings namin ni Deanna sa isa't isa.
Nung una nilabanan ko pa. Katulad din ng paglaban ko noon nung high school pa kami. Syempre may asawa ako at may anak pa, at ganun din sya. Malaking kasalanan yun at kahihiyan sa pamilya.
Pero katulad noon, nung nagtapat sya nung high school pa kami, kahit na iniwasan ko, hindi ko rin naman natakasan. Wala eh, sobrang mahal ko talaga yung babaeng yun. Sya lang talaga yung bumubuhay sa kakaibang pakiramdam dito sa loob ko, sa puso ko.
Napabuntong hininga ako, aaminin ko ang laki ng takot ko sa nangyayari ngayon, sobrang nag-ooverthink na ko. Baka lalong mahulog si Deanna kay Carly, at tuluyan ng mawala sakin ang babaeng una't huling mamahalin ko.
Siguro nagsusubuan sila ngayon ng ice cream tapos biglang magtitigan, kasi napansin ni Deanna, na may natira sa bibig ni Carly, pupunasan nya 'to..... Tapos mapapansin ni Deanna na maganda pala ang labi ni Carly at unti unti ilalapit nya ang mukha nya kay Carly upang maglapat ang kanilang mga lab............
"Eeeeeehhhhhhh!" Ano ba 'tong iniisip ko, nakakainis.
Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama, para kumuha ng tubig sa kusina. Habang nasa labi ko ang baso, bigla ko na naman naalala yung madaling araw na nagtapat si Deanna kay Carly, dito rin sa kusina ko.
Siguro kung hindi ako umalis, narinig ko pa sana ang pag-amin ni Deanna at malamang nakita ko pa ang paghalik nito kay Carly.
"Kainis...." Sumisikip na naman ang dibdib ko. Hindi ko na tinuloy ang pag-inom ko at inilagay nalang sa lababo ang baso.
Tapos ngayon ako pa magiging dahilan, kung bakit mas lalong mapapalapit yung dalawa? Kasi dapat ako yung kasama nila. Pero mas pinili ko pang si Carly ang ipasama sakanila.
Miss na miss ko na si Deallan, gustong gusto ko na syang makita't makasama. Pero kasi, naunahan ako ng inis. Imbis kasi, ako ang icontact ni Deanna para makipag kita sakanila. Pinadaan pa nya kay Carly. Sinong hindi maiinis di ba? Nahurt kaya ako.
Kasi ang ibig sabihin lang nun, ayaw nya talagang magkaroon pa ng ano mang contact sakin. Baka nga pinagbigya nya lang si Deallan na makita ako. Pero dahil umiwas ako, hindi ko rin nakita ang batang 'yun.
Ngumuso ako bago umupo sa hapag tapos nagpalumbaba sa lamesa.
"Hindi pa kaya sila uuwi? Ganun ba sila kasaya at kaenjoy sa bonding nila?"
Chineck ko ang phone ko, bukod sa hinihintay ko ang text or tawag ni Carly, tinignan ko rin ang oras. Halos tatlong oras palang pala ang nakakalipas simula ng umalis sila Carly at Maggie, para puntahan si Deanna at Deallan sa malapit na parke dito sa lugar namin.
Isang sakay lang mula dito, nandun na ko sa Circle. Haysss natetempt akong puntahan sila. Gusto ko lang icheck kung anong lagay ni Maggie, gusto kong makita kung gaano sya kasaya kasama si Deallan. At syempre kasama si Carly at Deanna.
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄