Part 31

1.6K 128 24
                                        

Chapter Thirty-one




D's

"Get a room, guys...." Inis na usal ko habang pinapanood sa front mirror ang dalawang babaeng naglalandian sa passenger seat. "Tapos, seriously? Dyan talaga kayong dalawa umupo? Anong tingin nyo sakin? Driver nyo?"

"Init init ng ulo, Wongskie." Inirapan ko lang si Bea.

"Hayaan mo na, babe. Lalamig din ang ulo nyan, kapag nakita nya na yung baby nyang si Carly." Hirit naman ni Ysa.

"Uy! Tigilan nyo nga pang-aasar sa amin ni Carly, nakakahiya dun sa tao."

"Aysus.... Ang manhid talaga nitong bestfriend mo."

"Broken kasi 'yan, babe. Kaya sobrang bitter eh."

"So, hindi pa ba nakaka-move on? Ganun? Ano nga ulit pangalan ng ex nyan?"

"Oh sige... Pag-usapan nyo ko na para bang wala ako dito."

Sabay naman silang natawa.... Badtrip talaga.

"Mag-move on na kasi, Wongskie." Kulit talaga nitong ni Bea.

"Sino ba kasing nagsabi sainyo na hindi pa ko nakakaget over?"

"So, bakit hindi mo pinapansin, yung bestfriend ko?" Isa pa 'tong si Ysa eh. Ilang beses kaya to iniri?

"Hindi naman minamadali ang lahat."

"Ayowwwwn....." Sabay na sigaw nila. "Ibig sabihin ba nun may pag-asa?" Masayang tanong ni Ysa.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, sa ngayon, kuntento na ko kay Deallan. Ayoko munang pumasok sa isang relasyon, lalo na kung magiging kumplekado lang."

"Hayaan mo na, medyo may trauma lang 'yan. Alam mo na... Dalawang beses hindi pinaglaban."

"Bea!!!!!!" Natawa lang sya sabay peace sign.

"Hindi naman lahat ng babae, ikakahiya ka..."

"Tama, bro. Kaya move forward na at umpisahan ng maging masaya. Sayang yung panahon sa pagmumokmok."

Nagsalita ang hindi na trauma at nasaktan.... Sabagay mukhang masaya naman na sya sa piling ni Ysa. Siguro mga 3 months narin namin silang kilala ni Carly.

Lagpas apat na buwan narin kasi kaming nadestino dito ni Bea. Nung una ayoko dahil maiiwan ko si Deallan, wala na nga si Ricci, aalis pa ko.

Pero ang ganda kasi ng offer, ang laki ng sahod at may bonus pang condo at kotse basta makabenta kami kahit isang kotse lang na nagkakahalagang kalahating bilyon.

Dahil mabuka si Bea, mabilis lang naming nakuha ang goal namin. Nakatulong rin siguro na sobrang charming naming dalawa, hahaha charr. Buhat bangko.

Pinaghatian namin ni Bea, yung condo at kotse, sa akin yung condo at sakanya naman yung kotse. May bahay kasi sila dito.

Si Deallan, plano ko syang itransfer sa susunod na pasukan. Parang kasing gusto ko na dito nalang tumira. Sa probinsya kasi, madalas ko lang maalala yung mga pinag-samahan namin ni Jema, mula nung high school hanggang iwan nya ko. Tapos after 13 years ng muli naming pagkikita..... Hanggang iniwan nya ulit ako.

Pero teka... Di ba nandito rin si Jema sa maynila? Anim na buwan na, simula ng iwan nya ko. Pero sa tagal ko narin dito, hindi pa naman nagkukruz ang landas namin. Sabagay sa sobrang lawak ba naman ng maynila... Imposible talagang magkita pa kami.

Hindi ako dismayado.... Hindi Deanna..... Hindi...

Humugot ako ng malalim na hininga at nagpalabas ng malakas na hangin mula sa bibig ko.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon