Chapter Thirty
J's
"Mommy! Magbeach po ba tayo? Sasama natin si Daddy?"
"Baka busy Daddy mo, tatanong ko muna ah?"
"Miss ko na po si Daddy, Mommy. Kailan po ba sya uuwi?"
Napabuntong hininga ako. Sa nakalipas na anim na buwan, tuwing tatanungin ni Maggie 'yan, hindi ko alam kung anong tamang salita ang pwedeng isagot sakanya.
Hindi ko alam paanong sasabihin sakanya na hindi sya masasaktan na may iba ng pamilya ang Daddy nya.
Aware naman syang mayroon na syang bagong kapatid at hindi sa akin.
Nameet narin kasi ni Maggie si Angelie at ang 2 months old nitong kapatid na si Jake Angelo.
Nung una hindi talaga maintindihan ni Maggie, ang dami nyang tanong. Pero eventually natanggap rin naman nya na kapatid nya si baby jekjek dahil anak ito ng Daddy nya.
Pero syempre, baby parin naman si Maggie, mag-seseven years old palang 'yan eh. Kaya naghahanap parin ng kalinga ng magulang, nagtataka kung bakit hindi na namin nakakasama ang Daddy nya.
Tungkol naman sa amin ni Jonh Vic, nagkasundo nalang kami alang alang sa anak namin. Si Maggie nalang amg susuportahan nya, moral at financially.
Hindi narin naman na sya naghabol at nanggulo pa, binantaan kasi sya ni kuya Justin, na kakasuhan ng adultery, silang dalawa ng kabet nya.
Buntis si Angelie, kaya naki-usap ang parents nya sa amin, nangako naman ako na palalampasin ko nalang, basta hindi na sila mangugulo sa aming mag-ina.
Anim na buwan na ang nakakalipas, maayos na ang lahat. Siguro naman pwede ko ng piliin ang sarili ko? Piliin ang totoong kaligayahan ko.
"Mmmmy!" Nabalik ako sa ulirat sa pagkalabit sa akin ni Maggie.
"Kakausapin ko si Daddy ah? Tatanungin ko narin kung gustong sumama ni tita Angelie at baby jekjek."
"Really po? Yeahey! Miss ko narin si baby brother ko." Napangiti naman ako at hinaplos ang ulo nya.
"Play ka muna, tatapusin ko lang 'to, para maideliver na natin kay ninang Carly at ninang Ysa."
"Ok po, Mommy." Sabi nya at tumakbo patungo sa sala namin.
Ako naman, muli kong hinarap ang ginagawa ko. Nagbebake ako ng soap, beauty soap. Gumamela at aloe vera lang ang gamit ko.
Noon pa man, mahilig na talaga akong gumawa ng bula gamit ang gumamela, na-alala ko pa nga, nung pinilit ko si Deanna na gamitin yung bula ng gumamela bilang sabon. Tawang tawa pa nga ako sa itsura nya habang tinatanggihan ako.
"Baka may side effect 'yan, yari ako kay Mommy, kapag nasugatan ang balat ko." Reklamo pa nya.
Pero dahil siguro love nya talaga ako, kahit hindi pa sya umaamin noon, ginamit nya parin yung bulang nagawa ko, para lang hindi ako magtampo.
Humugot ako ng malalim na hininga, sobrang miss na miss ko na talaga ang babaeng 'yun.
Nang matapos ko ng mabake ang mga sabon nilagay ko na ito sa packinging box. Vera Margarett, ang ginawa kong brand name ng beauty soap ko. Hango sa real name ni Maggie.
Malaking tulong rin sa gastusin namin, lalo pa't ito lang pinagkukuhanan ko. 30 years old na ko. Nahihiya na kong mag-apply, at gamitin ang pinag-aralan ko. Eversince naman kasi hindi ako nakapagtrabaho. Isa pa, wala rin pwedeng pag-iiwanan kay Maggie. Kaya laking tulong talaga nitong negosyo ko.
----
"Ninang!!!" Masiglang salubong ni Maggie kay Carly.
"Hello, baby girl." At niyakap ito. "Tuloy muna, mare. Wala pa si Ysa, nandun pa sa bagong jowa nya." Baling nito sakin, at binuksan ng maluwag ang entrance ng salon nila.
Ngumiti ako. "So may bago palang pinagkaka-abalahan ang babaeng 'yun." Tatawa tawa kong saad. "Pogi ba?"
Medyo natawa rin si Carly. "Alam mo ba yung salitang papi?"
"Hmmm, parang papa ganun?" Inosenteng sagot ko.
"Sira! Iba na ang definition ng papi ngayon, kapag sinabing papi, cutie. Mapalalaki man, pero mas applicable na syang bansag sa mga babaeng alam mo na!" Sabay bali ng kamay nya pataas.
Nanglaki naman ang mata ko. "You mean?" Ngumiti ng nakakaloko si Carly sabay tumango tango.
"Ohhhhhh." Sabagay, bisexual naman 'tong dalawang to. Pwede sa lalaki at pwede sa babae. Pero ang sabi nila mas kumportable daw sila sa babae kaya hindi na sila nag-eentertain ng lalaki.
Ako kasi hindi ako sure kung bisexuala ako, dahil tanging si Deanna lang talaga ang nagustuhan at minahal kong babae. Sa mga lalaki parin ako nagkakacrush, ewan ko ba.
"Kaya pala, hindi ko na naaabutan ang bruha na yun nung mga nakaraan buwan luma-lovelife na pala."
"Korek ka dyan, mare. Naku, upo ka muna. Ito na ba yung mga sabon? Alam mo bang indemand to ngayon? Ubos na yung huli mong dinala dito. Sinasabi ko sayo, mare ito ang magpapayaman satin."
Natawa naman ako, bolera talaga. "Sana nga, mare. Magdilang anghel ka. Medyo nahihiya narin kasi ako kay kuya Justin, halos sya na ang gumagastos sa lahat ng expenses namin ni Maggie. Buti nga't bakasyon na, kaya eto pang tuition nya nalang ang iniipon ko."
"Have faith, mare. Sisikat tong sabon mo, kita mo oh? Ginagamit ko rin, effective talaga sya, nakakaputi at nakakakinis ng balat tapos hindi nagbabalat. Kaya ang daming bumibili kasi wala talagang side effects."
"At tungkol naman sa expenses, bakit di ka nalang magjowa ulit? Para may katuwang ka sa buhay di ba?" Pinanlakihan ko sya ng mata. Baka marinig ni Maggie na naglalaro lang sa gilid.
"Naku, 'wag mong sabihing hinihintay mo parin yung babaeng... Ano nga ulit pangalan nun?"
"Ahmmm Dea...-" hindi ko na natuloy dahil biglang nagring ang telepono ni Carly.
"Saglit lang Mare, sagutin ko lang 'to" tumango lang ako.
---
"Mare, pasensya na. Medyo napahaba ang usapan namin ni Ysa. Pabalik na daw sya, kasama yung jowa nya. Pati narin yung isa pang papi. Grabe mare, sobrang cutie ng magbestfriend na 'yun."
Medyo natawa ako, "wag mong sabihin bet mo rin?"
"Ehhhhh." Medyo malandi at parang kinikilig pang tili nya. "Actually, oo. Sobrang cutie nya talaga, alam mo yun baby face? Chinita... May lahing chinese kasi. Tapos alam mo ang nagpapacharming sakanya??? Ang kapal ng kilay nya.... Parang higad."
Biglang nag-init ang tenga ko. Bakit parang kinabahan ako sa pagkakadiscribe nya sa babaeng 'yun?
"Alam mo bang parehas silang may anak na lalaki? Mas malaki nga lang yung anak ni Deanna, na si Deallan."
Dun na kumawala ang malakas na kabog sa dibdib ko. Tila ba may karera ng kabayo at naguunahan sa loob ko.
Si Deanna..... Tama ba ang rinig ko? Si Deanna? Nandito sya sa maynila?
"Si Mama Deanna po? Kilala nyo po sila ni Deallan?"
Napatingin kami ni Carly kay Maggie. Nakatayo na ito, agad syang lumapit sa gawi namin.
"Nasaan po sila, ninang? Gusto ko po silang makita, miss ko na po sila."
Tumingin sakin si Carly na para bang takang taka. Tumango ako dahilan para mapatakip sya ng bibig nya.
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄