Chapter Twenty-eight
D's
Sabi nila, yung mga taong nakikilala mo nung teenager kapa hanggang sa middle 20's. Sila daw yung mga taong dadaan lang sa buhay mo at hindi magtatagal.
Para lang daw silang lesson, na magtuturo sayo ng aral.
Nung una, hindi ko matanggap na panandalian lang si Jema, sa buhay ko. Nung naghiwalay kami, nung 4th high school, pilit parin akong umaasa na magkikita kami, at magkakaroon ng pagkakataon ituloy ang naudlot naming relasyon.
Na dadating yung panahon na magiging malaya kami at magkakaroroon ng happy ending, ang pagsasama namin.
Pero nawala din ang pag-asang yun, nung pinakasalan ko si Ricci, at tanging nasa isip ko lang ay, habang buhay na kong matatali sakanya.
Yung magkakaroon pa kami ni Jema, ng chance, nakalimutan ko na. Iba't ibang babae, na ang dumaan sa buhay ko, akala ko, ok na ko. Nung nagdecide akong piliin si Deallan at si Ricci, over Sydney, akala ko, ok na ko. Tanggap ko ng mabubuhay akong kasama ang lalaking pinakasalan ko, alang alang sa anak namin.
Pero bakit ba sobrang mapag-biro si tadhana? Binalik nya yung babaeng sobrang minahal ko, kung kailan pilit ko ng inaayos ang sinira kong pamilya.
Bakit binalik na naman nya yung pag-asang kinalimutan ko na.
Akala ko, nung nagkita kami ulit ni Jema, ito na yung pagkakataon namin. Ni hindi ko nga naisip na parehas na kaming may asawa at anak.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, isang buwan simula nung muli kaming nagkita, naging palagay agad ang loob namin sa isa't isa. Walang ilangang nangyari sa aming dalawa.
Sa sobrang bilis, bigla ko nalang naramdaman ulit, yung pag-tingin ko sakanyang akala ko nakalimutan ko na.
Sa loob ng isang buwan, na lagi kaming nagkikita sa school, nagpapalipas ng oras sa mall at pinapasyal ang mga bata tuwing weekend. Ganun kabilis nahulog ulit ang loob ko sakanya. Ganun kabilis, bumalik ulit ang pagmamahal na akala ko wala na.
Siguro totoo rin talaga yung kasabihang First love, never dies.
Napangiti at napa-iling ako sa kakornihang naiisip ko.
Pero totoo naman eh. After 13 years, hindi pa pala patay yung nararamdaman kong pagmamahal kay Jema. Siguro natulog lang ito, at nagising nung muli ko syang nakita.
Sabi nila,malalaman mo lang na mahal mo ang isang tao, kapag hindi mo na tinatanong ang sarili mo kung ano ba sya para sayo.
Nung high school kami, talagang nalito ako sa nararamdaman ko sakanya. Lagi kong tinatanong ang sarili ko, kung bakit sobrang espesyal sakin ni Jema. Kapag masaya sya, sobrang saya ko rin. Kapag malungkot sya at nasasaktan, mas doble pa ang nararamdaman ko.
Nung una, akala ko, espesyal lang sya sa akin, kasi kaibigan ko sya, matalik na kaibigan. Pero naiinis ako kapag nakikita ko syang may kasamang iba, lalo na kapag lalaki.
Dun ko na natanong ang sarili ko. kung ano nga ba ako, at ano nga ba ang nararamdaman ko para kay Jema.
Pero nung nagkita kami ulit, maliwanag na sa utak ko na, may nagising sa loob ko na matagal ng nakatulog. Alam kong mahal ko parin si Jema, sa unang pagkikita palang namin ulit.
Kahit pa alam ko, na naguluhan sya nung una, dahil ramdam ko naman na, minahal nya talaga ang asawa nya. Na nakalimutan na nya, ang pagmamahal nya sakin.
Kahit na alam ko rin sa sarili ko, pumayag lang si Jema, sa relasyon na 'to, dahil sa pagkukulang ng asawa nya. At hindi mawala sa isip ko, na gusto nya lang gumanti, tulad nga ng sabi ni John Vic.
Kaya nga siguro, ganun lang ako kadali bitawan ni Jema, ganun nya lang ako kadaling iwan. Kasi hanggang ngayon, si John Vic parin talaga ang mahal nya. Kaya mas madaling piliin ayusin nalang nito ang pamilya nya, kesa ipaglaban pa ako.
Totoo pala yung napapanood ko sa tv no? Yung mga kabet serye. Kahit ilang beses pa sila niloko ng asawa nila, sa bandang huli sila parin nagkakatuluyan.
Sabagay ano pa nga bang bago dun? Eh sa totoong buhay naman, nangyayari talaga yun. Nagpapakatanga parin ang mga babae sa asawa nila, kahit ilang beses na sila nitong ginago at sinaktan.
Napahinga ako ng malalim. Sana naman sa pangalawang pagkakataon na 'to makalimutan ko na kung ano man tong natitirang nararamdaman ko kay Jema. Sana kapag nagkita kami ulit, tanggap ko ng tapos na talaga ang lahat para sa aming dalawa.
Sana wala ng damdaming magising o mabuhay pa. Kasi, baka hindi ko na kayanin, sa pangatlong pagkakataon na iwan na naman nya ko. Dahil naduwag na naman sya.
"Mama!" Malungkot na tawag sa akin ni Deallan. Nginitian ko sya, agad ko rin kinuha ang bag pack nito.
"Bat sad?" Pinilit akong ngumiti sakanya.
"Nagpaalam na si Maggie, sa class namin Mama." Lalong lumungkot ang mukha ng anak ko.
Lagpas isang linggo ng hindi pumapasok si Maggie. Ang sabi sakin ni Deallan, pumunta daw si John Vic, dun at pinagpaalam ang anak nya na itatransfer na ito sa maynila.
"Iiwan na ko ng tuluyan ni Maggie, Mama." Lumuhod ako, para pumantay sakanya. Mabagal kong hinaplos ang buhok nito. "Mamimiss ko po sya." Kumislap ang mata nya at tila ba may butil ng tubig ang lalabas sa gilid nun.
"Wala na po akong bestfriend." Napangiti ako. Bumuhos na talaga ang luha nya.
"Si Maggie, parin ang bestfriend mo anak. Magkakalayo man kayo, magkalapit naman kayo dito." Tinuro ko ang tapat ng kaliwang dibdib nya.
"Bakit need pa nilang umalis Mama? Pwede bang dito nalang sila ni Mommy Jema?"
"Dun kasi ang work ni Daddy nya eh. Kaya kailangan nilang umalis."
Suminghot sya. "Eh bakit po si Papa, kapag nagwowork sya sa malayo, di naman nya po tayo sinasama?"
Napahinga ako ng malalim at napahawak sa batok ko. "Kasi sa barko nagtatrabaho si Papa eh. Bawal tayo dun."
"Eh? Mama!" Ngumawa na 'to. Hay naku Deallan, kung may magagawa lang ako. Pero kahit ano pang gawin ko, para hindi tayo iwan ni Maggie at ni Mommy mo. Wala na akong magagawa, dahil mas pinili nya na si John Vic at ang pamilya nya.
"Dadalawin nalang natin sila, sa summer. Gusto mo ba yun?"
"Talaga po?" Tumigil na ito sa pagngawa at sumisinghot nalang. Ngumiti ako at hinaplos ang mga pisngi nya. Upang tuyuin ang mga luha nito.
"Hmmm, may internet naman 'di ba? Kaya madali natin sila mahahanap kapag nagpunta tayo ng maynila. Saka 'wag kang mag-alala, lagi parin natin sila tatawagan ah?"
Kinusot nya ang mga mata nya. "Thank you po, Mama." Ngumiti ako at ginulo ang buhok nya.
Sorry Deallan, kung hindi ko matutupad lahat ng pinangako ko sayo, dahil alam ko naman na hindi narin gugustuhin ni Jema, na magkaroon na kahit ano pang koneksyon sa atin. Lalo pa't baka makasira pa yun sa pamilyang inaayos nila, ng magaling nyang asawa.
Napangiti ako. Ang bitter ko sobra.
Pero minsan naiisip ko rin na sana, hindi ko nalang sya nakilala. Sana, hindi ko nalang sya minahal.
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄