Part 14

2.1K 111 9
                                        

Chapter fourteen


D's

"Deans," sinalubong ako ng yakap ni Ricci. "Kanina pa ko nag-aalala sayo, bakit ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

"Nagpahangin lang ako," kinalas ko ang yakap nya sakin.

"Ayos ka na ba? Hindi ka na ba galit?"

"Matulog nalang tayo," at humakbang palayo sakanya.

"Sandali," pinigilan ni Ricci ang braso ko, "Kasama mo sya?" Kunot noo ko syang tinignan.

"Naghalo ang pabango mo at pabango nya," napalunok ako.

"Pagod na ko Ricci gusto ko ng matulog."

"Mag-usap muna tayo," tiim bagang na saad nya.

"Ano pa bang pag-uusapan natin?mag-aaway lang tayo "

"Sabihin mo may nangyari ba sainyo? Ilang beses na?"

"Tangina Ricci," dinuro ko sya.

"Sabihin mo. Nilawayan mo ba sya? Nagpalaway ka ba sakanya, putangina sabihin mo."

"Tumahimik ka na," Tumawa sya ng mapait.

"Sabihin mo. Gusto kong malaman," kinakalma ko ang sarili sa pamamagitan ng pagpikit ng aking mga mata

"Ano sabihin mo...."

"Oo!" Sinigawan ko sya, "ginalaw ko sya... at nagpagalaw ako sakanya. Ano masaya kana? Masaya kana?"

Sinuklay ng mga daliri ni Ricci ang buhok nya, "ilang Beses?"

"Matutulog na ko," baliwala ko sa tanong nya.

"Ilang beses!!!" Putangina talaga.

"Maraming beses na, ......hindi ko na mabilang. Masaya kana?" Huminga ako nang malalim.

"Ano bang purpose nitong pagtatanong na 'to Ricci?"

"Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa sayo ng babae mo."

"Kaya ko rin naman yun Deanna ah? Kaya ko rin dilaan ka, lawayan ka, sipsip..."

"Tumigil kana..... Alam mo kung anong kulang, lahat ng ginagawa ko kay Jema, hindi ko magagawa sayo. Higit sa lahat maha...."

"Tama na! Namimiss mo lang.... namimiss mo lang. Namiss mo lang yung pakiramdam ng babae, yun lang ang dahilan... tama. Tama 'di ba?"

"Naloloko ka na," sabi ko at lumakad papasok sa kwarto.

"Deanna, papayag na ko." Nilingon ko si Ricci.

"Ano na naman yun?" Irita na talaga ako.

"Magtrabaho ka. Payag na ko, hindi na ko maghihigpit. Alam ko iniisip mong nasasakal ka na naman, kaya mo to ginagawa. Kaya sige, hahayaan na kita. Magtrabaho ka na."

"Hindi yun ganun, Cci. Mahal ko talaga si...."

"No!" Sumigaw sya, "nasasakal ka lang 'di ba? Yun lang yun."

"Nababaliw kana."

"Pagbibigyan na kita, pero hayaan mo rin na dito nalang din ako please?"

"Bahala ka, matulog na tayo." Lalakad na sana ako papasok sa banyo pero niyakap nya ko mula sa likod.

"Sana katulad dati, kami parin ang pipiliin mo sa huli. Mahal na mahal kita Deans, mahal na mahal ko kayo ni Deallan. Hindi ko kayang mawala kayo sakin."

Napapikit ako. Bakit ba ganto kamartyr ang lalaking 'to?

Hinayaan ko lang syang yakapin ako... sa gantong paraan lang maibsan ko ang sakit na nararamdaman nya.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon