Chapter six
D's
"Uyyy, kanina ka pa tahimik dyan? May problema ba?" Tanong ko kay Jem, busy lang ito sa pag-cecellphone.
Nandito na naman kami sa Mall, nagpapalipas ng oras.
Hinihintay ang pag-uwi ng mga bata.
"Jema! Bii!!" Untag ko ulit sakanya. Hindi talaga ako pinapansin.
"Ano ba Deanna!" Inis na usal nya.
"Meron ka ba? Bat ang sungit mo?"
"Wala, ayoko lang ng makulit ngayon Deanna!"
Hindi na ko sumagot at tinuon nalang din ang pansin sa cellphone ko.
Pasulyap sulyap lang ako kay Jema at talagang nakabusangot lang sya.
"Ano ba Deanna?"
"Ano? Wala naman akong ginagawa ah?"
"Kanina ka pa tingin ng tingin, naiilang ako!"
"Bakit ba ang sungit mo? Sayang 'yang maganda mong mukha, kung nakabusangot ka lang!"
"Wala kang paki-alam!" Tumaas ang boses nya.
Huminga ako ng malalim. "Okay, sorry!"
Tila lumambot naman ang itsura ni Jema, "sorry din bb!" Dinikit nya ang sarili nya sakin.
"Oo, meron ako! Kaya mainit ang ulo ko. Sorry na! Masakit din kasi puson ko eh!" Naglean sya sa balikat ko.
Agad ko naman hinaplos ang pisngi nya, "gusto mo bang bumili ako ng hot warmer? Pain reliever?"
Umiling si Jema, "dito ka nalang! Wag ka nalang makulit, please?"
"Wala naman akong ginagawa ah?" Ngumuso sya.
"Ewan ko ba! Naiinis ako sayo! Hindi ko rin alam!"
Medyo natawa ako, "ganun daw talaga yun. The more you hate, the more you love."
"Kaya, I love you too, Jema!" Hinalikan ko ang sintido nya.
"I love you more, Deanna!"
"Sarap naman nun! Pakiss nga!" Ngumuso ako at nilapit ang mukha ko sakanya. "Arayyyyy!" Hinatak nya naman ang labi ko.
"Hahaha, sorry na baby! Wag ka kasing makulit! Mamaya may makakita satin eh!"
Hinaplos ko nalang yung bibig ko, ang sakit eh! Sadista parin 'tong mahal ko hanggang ngayon.
"Bi, ilang araw ka meron?" Biglang tanong ko.
"Bakit?" Ayan na naman nagsusungit na naman sya.
"Wala curious lang ako! Tulad parin ba dati? Ahm 1 week?"
"Nagbabago ba yun Deanna?" Sungit talaga, nakataas pa ang kilay.
"Eh, bakit ikaw nagbago ka? Dati naman jolly ka kahit meron!" Ako nga yung masungit saming dalawa kapag may dalaw.
Napayuko ako, ang sakit ng tingin nya eh. "Sabi ko nga, tatahimik na ko!"
"13 years tayong hindi nagkita Deanna! Sa tingin mo walang magbabago?"
"Pero yung pagmamahal ko sayo Jema, hindi nagbago! Nandito parin yun at buong buo!" Sabay kindat sakanyahabang nakahawak sa dibdib ko.
Napangiti na sya, "ewan ko sayo Deanna. Ang baduy mo parin!"
"Yiiiiieeee kinilig ka lang eh!" Kinurot ko ang pisngi ni Jema, "ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tumango sya.
"Next week pa pala ako makaka-score no?" Kumunot ang noo nya at kinurot ang tagiliran ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/228836253-288-k264587.jpg)
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄