Chapter ten
J's
"Ok kana?" At niyakap ko ang braso ni Deanna.
Tumango sya at tinanggal ang pagkakayakap ko sakanya.
"Love, sorry na kasi." Oo na daw, pero nakabusangot parin ang mukha.
"Okay na nga ako Jema, baka makita ka ng mga bata."
"Ewan ko sayo!" At tinalikuran sya.
Narinig ko ang malalim nitong paghinga, "nag-iingat lang ako."
"Galit ka lang, 'di ka nag-iingat" inis na usal ko.
Hinarap ko sya at tinignan ng masama, "ikaw naman ang may gusto nito 'di ba?"
"May sinasabi ka pang, kahit hindi kita ipagmalaki, kahit itago lang natin 'tong letseng relasyon na to!"
"Tapos ang lakas mong maginarte ngayon? Deanna, nananahimik ako. Pinilit kitang iwasan, bakit ba kasi, hindi ka nalang nakuntento na magkaibigan nalang ulit tayo."
"Bakit ba kasi pilit mo pang binuhay 'tong natutulog ko ng damdamin para sayo."
Hinidi ko na napigilan ang luha ko, "akala mo ikaw lang nahihirapan at nasasaktan? Isipin mo rin naman yung nararamdaman ko Deanna."
Hinablot ni Deanna ang braso ko at hinila payakap sakanya.
"I'm sorry, Love." Bulong nya.
"Nakakainis!" Lalo naman humigpit ang yakap nito sakin.
Ngayon nalang ulit kami nagsama pagkatapos ng kaarawan ng kaibigan nyang si Madz.
Nagkikita naman kami kapag hinahatid at sinusundo yung mga bata.
Pero ang cold nya, kaya hinahayaan ko nalang at hindi ko muna kinakausap kasi baka galit pa nga.
Buti nalang nag-aya si Deallan at Maggie kumain sa labas.... gusto daw nila ng chicken at spaghetti.
Kaya heto, magkasama nga kami nag-aaway naman.
"Kung nahihirapan ka na Deanna, pwede naman na nating tapusin 'to."
Mabilis naman syang umiling, "kahit paulit-ulit pa kong masaktan basta ikaw ang dahilan, okay lang."
"Deans...." pinunasan nya ang luha ko sabay ngumiti.
"Ang drama na, tama na' yan." Ngumuso ako
"Nakakainis ka! Ikaw naman nag-umpisa eh."
"Sorry na bi, sorry na po!" Malambing na ang boses nito.
"Ayaw, kiss muna!" Pabebe ko. Ngumisi naman si Deanna.
"Talaga?" Parang kinabahan naman ako.
"Hahaha, joke lang. 'to naman di mabiro," at pinisil ang pisngi nya. Ngumiti naman 'to niyakap ako ulit.
"Uuwi na si Ricci bukas," napahinga ako nang malalim.
"Ibig sabihin?...."
"Mas mahihirapan na tayo magtago," sabay pa kaming bumuntong hininga.
Okay lang sana kung parehas ni Vic si Ricci na walang idea sa mga gantong relasyon.
Pero lang alam kasi nya na lesbian si Deanna at may history na ng panloloko, kaya lalo talagang gugulo ang sitwasyon, ngayong pauwi na sya.
"Eh 'di lalo tayong mag-ingat." Sabi ko at kiniskis ang pisngi ko sa pisngi ni Deanna.
"Kung sabihin nalang kaya natin Jema? Sabihin na natin ang totoo sak......"
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄