Part 32

1.6K 123 78
                                        

Chapter Thirty-two



D's



"Ang puso, Deans. 'Wag marupok!" Mabilis kong pinunasan ang butil ng luha sa pisngi ko.

Now I understand, kung bakit sobrang balisa ni Bea, kanina. Tama sya, gusto nya lang akong ilayo sa kapahamakan dala ng marupok kong puso. Pero hindi na 'to pwede, hindi na dapat magpadala at magpatalo sa ano mang nararamdaman ko. Dahil sa huli ako na naman yung talo.

Huminga ako ng malalim, halo halong emosyon rin ang nadadama ko ngayon, pangungulila, saya at pag-aalinlangan.... pero ang tanging nangingibabaw sakin.... Pagod na ko.... 'yun lang ang nangingibabaw sa nararamdaman ko ngayon.

Pagod na kong umasa... Tapos sa huli, masasaktan lang naman ... Ayoko na.

"Mama Deanna," napitlag ako at napayuko upang tignan si Maggie. Nakangiti sya, pero hilam ang mga mata nito ng luha.

Ngumiti ako sakanya, pinunasan ang luha nito. "Hmmm, namiss kita..."

"Ako rin po Mama Deanna, namiss ko rin po kayo ni Deallan. Sobra po."

Muli kong hinaplos ang buhok nya, sa tingin ko tumangkad ang batang 'to, at syempre lalong tumaba.... Kung sakaling magpabuhat 'to, siguradong mababali ang likod ko.

"Nasaan po si Deallan, Mama? Kasama nyo po ba sya?"

"Nasa province pa si Deallan, baby eh." Lumungkot ang mata nya, kita ang pagkadismaya dito. "Pero, don't worry, susunduin ko sya, bago matapos ang summer."

"Talaga po? Miss na miss ko na po talaga sya..."

"Miss na miss ka narin nya, lagi ka nun hinahanap sakin...."

"Miss ko narin sya...." Napalunok ako, napatingin din kami ni Maggie sa babaeng nakatayo na sa harapan namin ngayon.

Nginitian ko sya ng pormal.... Kahit ang totoo, parang gusto ng lumabas ng lahat ng emosyon ko... Gusto ko na syang yakapin... Pero may kung anong pumipigil sakin... Kahit pa miss na miss ko na ang babaeng 'to.

"Hinahanap ka rin nya sakin... Tulad ni Maggie... Namiss ka na rin nya." Kalma self.... 'wag kang papahalata sa nararamdaman mo....

Napatitig ako sa mukha ni Jema, parang lalo ata syang gumanda pumuti at sumeksi? Damn.... Damn self kalma. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sakanya.. bukod sa bumilis ang tibok ng puso ko.... May kakaibang koneksyon talaga yung tingin namin sa isa't isa at hindi 'to maaari.

Hah! Kailangan ko ng umiwas... Inaakit ako ng labi ni Jema.... Gustong gusto ko na syang halikan at yakapin... Bakit ba kasi lalo syang naging blooming ngayon?

Syempre.... Masaya sya sa piling ng asawa nya... Wala na syang problema... Ganun naman talaga kapag masaya 'di ba? Nagiging maaliwalis na ang itsura, at lalong gumaganda dahil wala ng mabigat na dala-dala.....

Gggggrrrrrr nakakabitter... Pakiramdam ko tuloy ako talaga yung malaking problema nya na nawala na, kaya naging maayos na sya...

Siniko ko si Bea, tinitignan ko sya na tila hinihingan ng tulong para maka-alis na kami dito....

"Hi! Jema. Long time? Akalain mo yun? Ang liit talaga ng mundo no? Kakilala mo pala yung jowa ko at future jowa nitong bestfriend ko." Nakangising sabi ni Bea sabay akbay sakin.

Siniko ko ulit sya at pinalakihan ng mata. Nagkibit balikat lang naman ang gaga....

Tumingin ulit ako kay Jema.... Hindi ko alam kung ako lang ba or talagang gumuhit ang kirot sa mata nito?

Ngumiti sya pero hindi nun natatakpan ang sakit na nakikita ko sa mata nya... Bakit?

"Klasmeyt ko sila nung college." Tipid na sagot ni Jema kay Bea.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon