Chapter Twenty-six
D's
Kasal.
Sabi nila ang kasal raw ang ending sa magandang relasyon. Akala nila, tulad sa fairytale ang kasal ang nag-sisilbing hangganan at masayang katapusan.
Happy ending, para sa mga taong naniniwala, sa fantasy.
Pero sa reyalidad, sa kasal nag-uumpisa ang lahat. Ang lahat ng pagsubok sa buhay, na sa marriaged mo lang mararanasan.
Karaniwan na sa mga babae ang pagtitiis, para lang, hindi masira ang pamilyang binuo nila. Paniniwala rin na sagrado ang kasal, lalo pa't kung sa simbahan ka nakipag-isang dibdib.
Ang pinagbuklod raw ng ating Panginoon, kailan man hindi pwedeng paghiwalayin ng ano pa man o sino pa man. Dahil sa mata ng tao at ng ating lumikha isang malaking kasalanan ang pagkikipag hiwalay sa iyong kabiyak.
Dahil para sa mga taong naniniwala sa kasal. Ang lahat ng sinumpaang pangako sa harap Niya. Kailangang tuparin ng magkasama. Kasama na roon ang paghihirap at pagdurusa. Dahil iyon ang pinangako nyo sa harap Niya.
Pero paano kung niloko ka na? Hindi ka na lubusang masaya? Kailangan mo parin bang magtiis? Para sa paniniwalang sagradong kasal?
Paano mo nga ba masasabing sagrado ang kasal kung nagsasama nalang kayo para hindi masira ang pamilyang itinaguyod nyo? Kung puro kasinungalingan at pagkukunwari nalang ang relasyon nyo.
Masama ang maki-apid, alam ko naman yun. Kaya nga naintindihan ko ang Papa ni Jema, nung ako ang pinalayas nila sa ospital imbis ang manugang nitong nanakit sa anak nya.
Naiintindihan ko dahil sa mata nila ang gagong lalaking 'yon ang asawa ni Jema at ako ang kabet nya. Naiintindihan ko, pero deep inside, mas mauunawan ko sana kung parehas kaming pinalayas ng gagong asawa ni Jema.
Pero ano nga bang magagawa ko? Isa lamang akong hamak na kabet. Kahit anong gawin ko talo ako. Dagdag mo pa na ayaw sakin ng parents ni Jema, dahil babae ako. Kaya ano nga bang magagawa ko?
Pero hindi naman ibig sabihin nun ay susuko na lang ako ng ganun kadali. Alam ko mahihirapan ako. Mahihirapan kami. Pero hanggat hindi namin 'to hinaharap ni Jema, hindi kami lubusang magiging masaya.
Tumingin ako sa orasan ko. Lagpas limang oras narin pala akong naghihintay sa labas ng bakuran ng mga Galanza. Nung pinalayas ako ni Tito Jesse sa ospital kanina, hindi naman talaga ako umalis. Nakita ko pa nga kung paano sinuntok ni Tito si John Vic. Alam mo 'yun? Hindi na nga makilala ang mukha nya dahil sa bugbog, nadagdagan pa.
Gusto ko sanang matawa, pero wala naman kaming pinagkaiba ng gagong yun 'di ba? Parehas kaming manloloko. Parehas kaming nakiki-apid.
Napatayo ako sa kina-uupuan ko nang matanaw ko ang sasakyan ni John Vic na paparating. Huminto ito sa gate nila Jema. Bumaba sya sa kotse at tumungo sa backseat, binuksan 'yun, dumungaw ito at maya maya ay karga na nito ang natutulog na si Maggie.
Teka bakit sya nandito? Napatawad na sya nang ganun lang kadali?
"Anong ginagawa mo dito?" Sita nya sakin.
"Ano bang paki-alam mo?" Ngumisi sya.
"Hindi pa ba sapat na pinagtabuyan ka na ni Papa kanina? Ano pa bang kulang?" Ang kapal talaga ng mukha nito ah? Kumuyom ang mga palad ko. Lalo naman syang ngumisi.
"Huwag ka ng magsayang ng oras mo. Maaayos pa naming 'tong mag-asawa, at ikaw mapapanis ka lang sa kahihintay mo." Gago talaga 'to.
"Sa tingin mo ba babalik pa sayo si Jema, pagkatapos mong makabuntis ng iba?" Tumawa sya ng pagak.
"So bakit ako nandito? May anak kami Deanna. Kasal kami. Kaya kahit anong mangyari babalik at babalik parin kami sa isa't isa." Ako naman ang tumawa ng pagak.
"Kapal talaga ng mukha mo."
"Same as you." Nagsukatan kami ng tingin. "Sa tingin mo ba, seryoso talaga sayo si Jema? Wala naman syang mapapala sa babaeng katulad mo. Gumanti lang sya. 'yan lang itatak mo sa kukuti mo."
Ngumisi ako ng may tunog. "Sobrang threatened ka ba? Dahil 'tong babaeng minamaliit mo? Ang pinagpalit ng asawa mo sayo?" Kitang kita ko ang patiim ng bagang nya.
"Masakit ba ang katotohanan? Sabi mo nga, lalaki ka. Nasa sayo na ang lahat, pero bakit ka pa nagawang ipagpalit sa iba? Tapos sa babae pa? Na sa tingin mo hindi namin nagagawa kung ano man ang nagagawa nyo."
"Ang yabang mo ah!" Bulyaw nya. Napitlag agad si Maggie. "Kahit ano pang kayabangan ang ipagmalaki mo sakin. Hindi parin matatago ang katotohanang babae ka lang. At kahit anong mangyari ako parin ang asawa ni Jema." Ako naman ang nagtiim ng bagang. Kasabay nun ang tuluyang pag-iyak ni Maggie dahil alimpungatan 'to.
Kasunod nun ang malakas na pagbukas ng gate nila Jema at niluwa ang Papa nito at ang Mama nya.
"Anong ingay 'yan?" Bulyaw ni Tito Jesse. Tinignan nya ko ng masama. "Anong ginagawa mo dito?" Hindi ako nakapagsalita. Tila naurong ang dila ko, naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko.
"Fe, kunin mo ang apo mo." Agad namang tumalima si Tita. Kinuha ang umiiyak na si Maggie kay John Vic at inalo bago pinasok sa loob ng bahay nila.
"Kayong dalawa, umalis na kayo dito, habang nakakapagtimpi pa ko."
"Pero Pa...."
"Ayaw kang makita't maka-usap ng asawa mo. Umalis ka muna habang nakakapagtimpi pa ko."
"At ikaw!" Baling nya sakin. "Ang kapal din talaga ng mukha mong magpakita pa sakin? Samin? May mukha ka pa talagang maihaharap? Wala ka ba talagang kahihiyan? Pati anak ko, dinamay mo pa sa kababuyan mo."
"Tito..."
"Huwag mo kong tawaging tito!" Bulyaw nya. "Hindi kita kamag anak." Napapikit ako. "Alam mo, pinipilit ko ang sarili ko na hindi ka saktan. Kahit gusto ko ng basagin 'yang pagmumukha mo. Kaya umalis ka na. Huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa anak ko. Baka makalimutan kong babae ka, at makatikim ka na talaga sakin."
"Sir, mahal ko po si Jema. Handa ko po syang ipaglaban."
Tumiim ang bagang nya at kumuyom ang mga palad nito. "Abay hindi ka talaga nakikinig!"
"Pa." Pigil ni Jema, bigla nalang itong sumulpot kung saan. Pigil pigil nito ang kamao ng ama nya na muntik ng dumaplis sakin. "Please, Deans. Umalis ka na."
"Pero Jema....."
"Narinig mo ang sinabi ng anak ko. Umalis ka na. At huwag ka ng babalik."
"Je." Tawag ko sakanya, kasabay ng masaganang pagpatak ng luha sa mga mata ko. "Di ba ako naman ang pipiliin mo? Di ba ako naman? Please Jema sana this time ako naman."
"Deans, please umalis ka na muna!" Sabi nya habang umaagos narin ang luha nito sa magang maga nyang mga mata.
"Ayaw mo talagang umalis ah!" Bulyaw ni Tito Jesse. Sa isang iglap natagpuan ko nalang ang sarili ko nakahandusay sa kalsada.
"Pa." Sigaw ni Jema. Akma itong tatakbo sa gawi ko pero pinigilan ito ni tito Jesse.
"Pumasok ka sa loob." Malakas na utos nya.
"Deans." Nagpupumiglas sya. Pero mahigpit ang pagkakapit ni tito sakanya. Wala na kong nagawa kundi punasan ng likod ng palad ko ang dugong umagos sa bibig ko.
"Tama na 'yan Papa." Boses ng isang lalaking halos kararating lang.
"Kuya Justin." Nanghihinang sambit ni Jema sa ngalan nito.
"Umalis na kayong dalawa. Hinding hindi ko ipagkakatiwala sainyo ang kapatid ko. Sa gago at manloloko nyang asawa. Lalo na sayo na kabet nya." Hinila na nito papasok sa loob ang kapatid nya.
Nanginig ang kalamnan ko. Tila lalo lang lumabo ang lahat sa amin ni Jema. May liwanag pa bang naghihintay sa relasyon naming dalawa?
![](https://img.wattpad.com/cover/228836253-288-k264587.jpg)
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfic"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄