Chapter three
D's
"Somewhere down the road...... hmmmmmmmm."
Napapangiti nalang ako, habang kumakanta at pinupunasan ang basa kong buhok.
"Ma, are you excited too?" Ngumiti ako at tinap ang ulo ni Deallan.
"Hindi ba halata anak? Hahaha," ewan ko ba mas excited pa ko sa anak ko sa field trip nya.
Naeexcite akong isipin na makakasama ko ng buong araw si Jema na walang inaalala.
Kelan ko ba huling naramdaman yung ganitong excitement?
Nung high school pa ko! Tuwing kasama ko si Jema.....
"Gusto mo rin po makakita ng animals sa zoo? ng fish sa aquarium? At sumakay sa rides?"
"Excited ako para sayo baby boy, kasi new learnings yun para sayo!"
"Excited din po kaya si Maggie, Mama?"
"Oo naman. Tiyak, tumatalon pa yun sa tuwa."
Ngumiti sya, "sana nandito rin po si Papa no?"
"Don't worry, anak. Next month, nandito na si Papa. Mamasyal tayo, kahit saan mo gusto!"
"Talaga po? Yeahey!" Tumalon-talo pa sya.
"Sama rin natin si Maggie, Mama ah?" Napangiti ako at tignan ng nakakaloko si Deallan.
"Ikaw ah? Crush mo si Maggie no?" Nakangising buyo ko sakanya.
"Ano po yung crush, Mama?" Inosenteng tanong nito.
"Hehehe wala yun, joke lang. Sige na, labas ka na dun! Aalis na tayo!" Jusko kung ano-ano kasing pinag-sasabi ko. Ano nga bang alam ng batang anim na taon tungkol sa crush?
Tumango si Deallan at patakbong lumabas ng kwarto namin ni Ricci.
Inayos ko muna yung white shirt na suot ko, bago sumunod kay Deallan.......
Eksaktong pagbaba namin ng tricycle, dumating naman ang kotse nila Jema.
Bumaba si John Vic, naka plain white shirt at plain short ito.
Teka, sasama rin ba sya? Parang lahat ng excitement ko kanina, biglang naglaho.
Pinagbuksan ni John Vic si Jema ng pinto ng kotse nito. Naka-white shirt at short short lang din si Jema, napanga-nga ako sa taglay nitong kaseksihan.
Grabe.... Kahit may anak na sya....... Sobang sexy parin talaga ni Jema.
"Ma, puntahan natin sila Maggie!"
"Wait lang, baby boy. Attendance muna tayo!" Tapos hinila ko na sya papuntang registral.
Medyo mahaba rin ang pila.
"Deallan!" Napalingon kami kay Maggie.
Ngumiti naman ang anak ko sakanya at kumaway pa.
Tumakbo palapit samin si Maggie kasunod ang Daddy nya.
"Tabi tayo sa bus ah?" Sabi ni Maggie kay Deallan.
Napangiti ako, sobrang close na talaga ng mga anak namin ni Jema. Para na silang magkapatid, hehehe.
Tumingin ako kay John Vic, nakapamulsa lang ito.
Agad ko syang nginitian nung tumingin sya sakin. Pero tinanguan nya lang ako.
Ang suplado naman, akala mo kagwapuhan! Mas guwapo ang asawa ko sayo eh!.............
Halos kalahating oras din ang hinintay namin bago kami umalis sa school.
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄