Part 19

1.6K 118 80
                                        

Chapter Nineteen



D's



"Magiging ate na si Maggie, Papa. Magkakababy na si Mommy Jema."

Mga salitang namutawi sa labi ni Deallan, masaya nya itong binalita sa Papa nya.

Nagpahaging pa nga ito na sana sya rin magkaroon ng kapatid.

Simpatyang tingin naman ang pinukaw sa akin ni Ricci. Sa totoo lang nung makita ko sya pagka-uwi namin, gusto ko syang yakapin, umiyak sa balikat nya at magsumbong.

Isumbong ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ko magawa, dahil tila nagmanhid ang katawan ko at wala na akong maramdaman.

Walang tumatakbo sa isip ko kundi ang salitang pagod na ko. Pagod na ko, 'yan lang ang tanging salitang nagpapabalik balik sa utak ko.....

Napatingin ako sa asawa ko. Tinapik kasi nito ang balikat ko at inabot ang isang bote ng beer na bukas na.

"Ano ng gagawin ko ngayon?" Bulong ko. Alam ko hindi nya 'yun narinig dahil sa ingay ng lugar kung nasaan kami. Napapikit ako bago inabot ang bote sa kamay ni Ricci.

Naramdaman ko ang pagdampi ng palad nya sa kanang pisngi ko. Kinabig nya ito, upang mapasandal ako sa balikat nya.

"Huwag mong alalahanin si Deallan, hindi naman sya pababayaan nila Mama." Alam mong hindi 'yun ang inaalala ko.

Safe naman si Deallan sa bahay ng parents mo. Kaya panatag ang loob kong ligtas ang anak natin.

"Ano ng gagawin ko?" Bulong kong muli at this time alam kong narinig na nya.

"Tungkol ba yan sa pagbubuntis ni Jema?" Marahan akong tumango.

"Nadagdagan na naman ang dahilan kung bakit hindi kami pwede."

"Eh di, sundan narin natin si Deallan para quits"

"Cci!" May bantang bulong ko.

"Hahaha joke lang, 'to naman. Pinapagaan ko lang yung usapan."

Minulat ko ang mata ko at nilayo ang sarili ko kay Ricci.

"Bakit nga pala tayo nandito? Bakit hindi nalang tayo sa bahay nag-inom? Ang ingay-ingay eh." Sigaw ko para marinig nya ko.

"Ang tagal narin natin hindi nagdedate, pagbigyan mo na ko. Minsan lang naman 'to, Deans. Huwag ka ng KJ," pasigaw na sagot nya.

"Idedate mo lang ako sa bar pa?" Sabay irap sa kanya.

"Saan mo ba gusto? Dun sa lugar na tahimik? At makakapag-senti ka?"

Napahinga ako nang malalim. Sabagay may point naman sya, ayoko na munang isipin ang mga problema. Gusto ko lang muna ngayon, eh kalimutan muna ang lahat ng gumugulo sa utak ko.

Tinungga ko ang beer na hawak ko at napahiyaw ako sa pleasure na gumuhit sa lalamunan ko.

Tumawa lang si Ricci at nakipag-cheers sa akin. Alam ko sa umpisa lang ang saya, kapag tinamaan na ko, alam ko bubuhos narin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kapag nalunod na ako sa kasiyahan dulot ng alak, bubuhos narin ang damdaming na kahit na anong ipilit kong ikubli. Hinding hindi ko kayang takasan.

Nag-uumpisa ng bumuhos ang luhang dala ng kalungkutan. Ang kaninang masayang pakiramdam, napapalitan na ng pighati.

Pighating dulot ng katotohanang, mas lalong naging kumplekado ang sitwasyon namin ni Jema.....

"Yung dalawang bata pa nga lang, hirap na hirap na kaming maging tama para sa isa't isa. Tapos ngayon nadagdagan pa ng isa pang inosenteng bata?" Hagulgol ko.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon