Chapter Twenty
J's
Possitive.
Dalawang line na gumuguhit sa kit na hawak ko. Ilang araw ko na bang paulit ulit na tinitignan ang kit na 'to?
2 days? Dalawang araw na, pero hindi parin mag-sink in sa utak ko na buntis nga ako. Buntis na naman ako sa asawa ko.
Kung lalaki lang si Deanna, baka pagdudahan ko pang sa kanya 'to. Sana nga sa kanya nalang 'to. Sana nga si Deanna nalang ang nakabuntis sa akin.
Baka sakaling ang batang 'to pa ang maging dahilan para magsama kami. Pero sobrang labong mangyari.
Dahil kay John Vic ang batang 'to. Anak namin ng asawa ko ang baby na dala-dala ko.
Tinignan ko ulit ang kit at napahigpit ang pagkakahawak ko roon. Magaan ring tumutulo ang luha ko. Masaya naman ako, dahil may bagong anghel na dadating sa buhay ko.
Bagong blessing at bagong inspiration. Pero malungkot din, dahil nadagdagan na naman ng dahilan kung bakit hindi ko pwedeng piliin si Deanna.
"Hon?" Napatingin ako sa kanya sa reflection ng salamin. Nag-aalala itong lumapit sa akin, "bakit ka umiiyak? May problema ba?"
Ngumiti ako at marahang pinunasan ang luha ko, "wala 'to. Tears of joy lang," mapangiti rin si John Vic.. Tumungo sya upang yakapin ako mula sa likuran.
"Masaya rin ako sa bagong blessing sa pagsasama natin, hon." Hinalikan ni John Vic ang pisngi ko.
Nginitian ko lang sya, hindi ko alam kung anong irereak ko sa sinabi nito.
"Anong oras ba ang schedule natin sa OB mo?"
"Ahm, wala si Ms. Santos sa clinic nya. So, baka bukas nalang ng tanghali."
Tumango-tango naman sya, "I extend nalang my off hanggang bukas." Pinanliitan ko sya ng mata.
Natawa sya, "bakit? Gusto ko lang maging responsableng Daddy sa new child natin. Like kay Maggie. Gusto ko sabay nating marinig ang first heart beat nya."
"Gusto ko kasama ako lagi sa mga check up mo, bilang responsableng asawa." So, kailangan pa pala ng bagong baby para maging responsable ka ulit?
"Alam ko, napabayaan ko na kayo ni Maggie. Masyado akong nagfucos sa trabaho. Kaya promise, hon. Babawi ako."
Hindi ako sumagot. Ngumiti at tumango lang ako sa kanya.
"Lalo akong magiging hard working, pero promise ko. Ibabalance ko na ang responsibilad ko bilang ama sa mga anak natin. At bilang asawa mo. At sa pagbibigay ng mga needs nyo."
"Don't stress your self, John Vic."
Umiling iling sya, "naisip ko na ang baby na yan ang binigay sa atin upang magsimula ulit tayo Jema. Gusto ko, magsimula ulit tayo."
Tumayo si John Vic at lumuhod sa may gawing gilid ko at pinihit ang upuan paharap sa kanya.
Hinawakan nito ang mga palad ko, "babalik na tayo ng maynila. 2nd quarter palang naman, pwede pa nating itransfer si Maggie."
Nanlaki ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya.
"Magsimula ulit tayo, Jema. Ayusin natin ulit ang pamilya natin. Please pagbigyan mo ko."
"Bakit pabigla bigla naman ang desisyon mo? Paano si Maggie? Madami na syang kaibigan dito. Mahihirap na yung anak mo mag-adjust."
"Biglaan din kasi ang pag-assign sakin sa maynila," umiwas ito ng tingin.
"Yung totoo, Vic."
"Totoo yun, Jema. Ayoko naman iwan kayo dito ni Maggie. Kung hindi na sya pwedeng itransfer, baka pwede kela Mama muna sya. Next year nalang natin sya ilipat."
Tinignan ko sya ng maige. Mailap ang mga mata nya. Tila ba may gusto syang iwasan.
"Please, hon?" Binitawan ko ang mga kamay nya, "pwede bang dito nalang kami ni Maggie? Dun muna kela Mama, kung nag-alala kang wala kaming kasama." Malumanay kong saad.
"Hon. Please pagbigyan mo na ko. Hindi naman ako mapapalagay na iwan ka dito na ganyan ang kundisyon mo."
"Bakit kasi pabigla bigla? Umamin ka nga sakin? Ano bang dahilan?"
"Naasign nga lang ako sa maynila, hon. Wala ng ibang dahilan." Duda talaga ako.
Napahinga ako nang malalim. Hindi naman sya magsasabi ng totoo kahit anong gawin ko.
"Pwede bang pag-isipan ko muna? Tatanungin ko din muna si Maggie."
"Hon....."
"Please, Jonh Vic!" Ma-awtoridad na saad ko.
Huminga sya nang malalim at napatango. Tumayo na sya at muling hinawakan ang kamay ko.
"Kaen na tayo, baka gutom na si Baby."
"Hintayin ko na si Maggie at si Deallan. Kapag sinundo mo ang anak mo isama mo si Deallan dito ah?"
Sumeryoso ang mukha ni John Vic, "bakit ikaw ang nag-aalaga dun? Nasaan ang parents nya?"
"Parehas may work at wala naman ibang mapag-iiwan si Deanna....."
"Kaya ikaw ang piniperwisyo nila?"
"Vic," inis na usal ko. Inagaw ko ang kamay ko sa kanya at inirapan sya. "Gusto kong alagaan yung bata, ako din ang nagsuggest na sakin nalang nila iwan si Deallan. Dahil maluwag naman ako at wala naman akong ginagawa dito sa bahay."
"Masyado kang mabait. Kaya naaabuso ka eh." Tinignan ko sya ng masama.
Umiling sya at napakamot sa batok nito, "oo na po. Susunduin ko na yung dalawang bata."
Naglakad na sya palabas ng kwarto pero napahinto rin at muling humarap sa akin.
"Bakit nga pala, Mommy ang tawag sayo ng batang yun? At Mama naman ang tawag ni Maggie sa Deanna na yun?"
Napalunok at napakuyom ang mga daliri ko sa tanong na yun, ni John Vic.
"Ano kasi....." kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko, "dapat kasi ninang kami parehas ni Maggie at ni Deallan. Kaya lang ngayon nalang ulit kami nagkita 'di ba? Magbestfriend kami ni Deanna. Gusto namin maging ninang ng mga anak namin. Kaya lang hindi nangyari kasi nga, ngayon lang kami ulit nagkita. Kaya ayun, pinatawag nalang namin si Deallan at si Maggie ng Mama at Mommy sa amin."
Mahabang paliwanag ko. Katulad kung paano namin pinaliwanag sa mga bata kung bakit kailangan tawagin ako ni Deallan na Mommy at Mama naman ang itatawag ni Maggie kay Deanna.
Tinignan lang ako ni John Vic. Tila ba, hindi convince sa sinabi ko.
Pero tumango lang sya, bago bumalik sa kinaroroonan ko. Nagulat at napitlag pa ko sa pagdampi ng labi nya sa akin.
"Kung ano pa man ang dahilan, wala na akong paki-alam. Magbabagong buhay na tayo. Aayusin na natin ang lahat. Kakalimutan na natin ang mga nangyari sa nakaraan o kahit pa ngayon. Mag-uumpisa ulit tayo."
Naestatwa lang ako sa kina-uupuan ko. Hindi makareak sa tila ba may lamang inusal nya.
"Sign na ang baby na 'to na kailangan natin ayusin ang pamilya natin. Kalimutan na ang mga pagkakamali natin upang makapagsimula muli."
Napapikit ako at napayuko. Naisip ko rin na baka nga sign na ang baby na 'to para itama na ang mga pagkakamali namin. Maging dahilan ng bagong pagbuo ng pamilya namin.
Para kay Maggie at sa bagong supling na nasa sinapupunan ko.
Masaganang umagos ang luha sa mga pisngi ko. Ngayon palang nahihirapan na ako.
Halos 3 months palang kami ni Deanna, pero kailangan ko ng tapusin...... no! Hindi ko kaya....

BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fiksi Penggemar"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄