Final Chapter
J's
Halos hindi mawala ang pagkakangiti sa labi namin ni Deanna habang magkahawak kamay. Para rin kaming tanga napapatawa kapag tinitignan ang isa't isa tapos yuyuko dahil pinamulahan ng pisngi.
Jusko ko, 30 years old na kami. Pero yung pakiramdam na parang kami kinilig na parang teenager? Hahaha nakakahiya kapag napansin 'to ng mga batang naglalaro sa dalampasigan ng dagat.
Kahit naman pasimple kaming naglalandian ni Deanna, eh hindi naman namin inaalisan ng tingin si Maggie at si Deallan. Naglalaro lang ang dalawang bata sa di kalayuan samin ng Mama nila.
"Masaya ka ba?" Nakangiti tanong sakin ni Deanna.
Ngumiti din ako bago hinilig ang ulo ko sa balikat nya. "Kasing saya ng dalawang batang bumubungisngis sa harap natin." Naramdaman ko ang paghalik nya sa tuktok ng ulo ko.
"Sana hindi na 'to matapos no? Yung masaya lang tayo. Yung saya na wala ng halong pangamba at takot. Yung saya na malaya na tayong magmamahalan. Yung pagmamahalan na hindi na kailangang itago."
Umangat ang tingin ko para tignan si Deanna, nakangiti parin ito. Pero sa mga bata nakatingin.
"Deans..."
Dumako ang tingin nya sakin tapos inangat nya palapit sa bibig nito ang magkasaklob naming mga palad. Hinalikan nya ng paulit ulit ang likod ng palad ko. Napapikit ako sa init na dulot nun...
"Jema!" Muli kong dinilat ang mga mata ko. Nagtagpo agad ang tingin namin ni Deanna, pakiramdam ko huminto sa pagtibok ang puso ko. Kanina lang sobrang lakas ng pagpiltik nito na tila ba may kung anong tumatakbo sa loob ko.
Pero ngayon, halos hindi na ko makahinga sa kaba, sobrang naninikip ang dibdib ko... Naeexcite sa mga susunod na pwedeng mamutawi sa bibig ni Deanna.
"Alam ko sobrang impormal nito.. pero hindi na kasi ako makapaghintay.... Pakiramdam ko nauubusan ako ng oras... Ahhh... Jema!"
Heto na....
"Shit!!!!" Bulong nya, napangiti na naman ako. Kung kinakabahan ako mas matindi ata ang kaba nya. Para kasing matatae na sya. Hehehe.
Hinawakan ko ang nanginginig nitong kamay. "Relax ka lang, Love." Nakita ko kung paano sya lumunok at kung paano namula ang mga pisngi nya.
Ang cute, namiss ko ang pagbablush ng mokong na 'to. Sa sobrang daming strungles na pinagdaanan ng relasyon namin ni Deanna. At yung mga gantong simpleng bagay na pamumula nya, madalas hindi ko na 'to napapansin.
Kaya ito, sobrang naaapreciate ko kapag nagbablush sya ng dahil sakin. Sobrang saya ng pakiramdam kapag kinikilig yung mahal mo sa simpleng gestured mo lang.
"Je..." Muling bumukas ang bibig nya. Tumango ako, handa na sa mga susunod nitong sasabihin....
"Mrs. Rivero?" Agad napaangat ang tingin namin. Mabilis ring napatayo si Deanna sa pagkakaupo sa buhangin.
"Mr. Cruz!" Awkward na sabi nya sabay abot ng kamay sa lalaking umistorbo sa moment namin. Letse, akala ko ayun na eh.
Agad namang inabot nung lalaki ang kamay ni Deanna, tansya ko nasa middle 50's na ito. Nakataslan short sya at floral polo, kahit na sa katandaan nya at may konting puti na ang buhok. Karespeto respeto parin syang tignan dahil sa matikas nitong tindig.
"I did not expect to see you here. How are you? How's your Dad? Your husband? Where's Ricci?"
Sunod sunod na tanont nito kay Deanna, ni hindi manlang ako tinapunan ng ano mang tingin. Kahit pa nakatayo narin ako at nasa tabi na ni Deanna.
![](https://img.wattpad.com/cover/228836253-288-k264587.jpg)
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄