Chapter thirteen
J's
"Wala parin nagbago sa bahay na 'to no?"
"Mukhang may iba na atang nag-aalaga ng bahay na 'to Deanna."
Para kasing pinalitan na yung ibang kahoy lalo na yung sahig at bubong.
Tapos may de charge na ilaw dito at ito nga ang gamit namin ni Deanna.
"Siguro naman hindi sila pupunta ngayon," sabi nya sabay ngumisi pa.
"Paano kung pumunta?"
"Eh di paalisin natin, hahaha." Tinignan ko sya ng masama.
"Gabi na. Siguro kung may pupunta man, dapat kanina pa."
"Ahhhhm, paano nga ka nga pala nakatakas sa asawa mo?"
"Tinawagan ko si Kyla, nagpasundo ako. Wala ng nagawa si John Vic, kundi payagan ako."
"Kilala mo sa pagiging makulit si Kyla, siguro nairita sakanya si John Vic. Kaya siguro, pinayagan nalang kami."
"Ikaw? Hindi mo ba sasagutin 'yang cellphone mo? Kanina pa tumatawag si Ricci."
"Hayaan mo sya, hindi naman yan aalis ng bahay para hanapin ako. Takot lang yan na lalo akong magalit kapag iniwan nya ng mag-isa si Deallan sa bahay."
"Masyado mong inaunder 'yang asawa mo."
"At ikaw naman masyado kang nagpapaunder sa asawa mo." Iniwas ko nalang ang tingin ko kay Deanna.
"Tapos ako naman masyadong nagpapa-under sayo," napangiti ako sa sinabi nya.
"Ganun daw talaga, kapag mahal mo susunod ka talaga."
"Ibig sabihin, ganun mo talaga kamahal si John Vic? Sumusunod ka sakanya eh. Kahit sinasaktan at niloloko ka na," heto na naman kami.
"Ganun ko sya kamahal, dati. Nung hindi ka pa bumabalik sa buhay ko."
"Pero sabi mo kanina, mahal mo parin sya. Umaasa kang mabubuo uli kayo, para kay Maggie."
"Bakit Jema? Ilang beses ka na nyang niloko at sinaktan. Tapos ngayon nararamdaman mong may iba na naman sya. Pero... mahal mo parin?"
"Gusto mo parin mabuo kayo? Maging masayang pamilya na parang walang nangyayari?"
Ito talaga ang dahilan bakit ayaw kong sabihin sakanya... pero ang unfair naman kung sinasabi nya sakin ang lahat tapos ako naglilihim sakanya.
"Halika nga dito, nagseselos ka na naman." Hinawakan ko ang kamay ni Deanna at hinihila palapit sakin.
"Hindi ako nagseselos," nakanguso saad nya.
"Asawa ko si John Vic, minahal ko sya. Hindi ko naman sya papakasalan kung hindi ko sya mahal 'di ba? Siguro nga kung matino sya at nagkita ulit tayo..."
"Baka hindi mo na ko pinagbigyan," kitang kita ko ang pagguhit ng kirot sa mata ni Deanna pagkasabi nito nun.
"Pero meant to be nga siguro na manloloko si John Vic. Para maibalik parin ako ng tadhana sayo."
"Ang corny," yumuko sya at pinaglaruan ang mga daliri ko.
Ngumiti ako, "selosa." Ako na ang lumapit kay Deanna at kumandong sakanya.
Hinaplos ko ang pisngi nya.
Napatingin na sya sakin.
"Alam mo bang mas takot ako sayo? Mas takot ako sayo kapag nagagalit ka., nagtatampo ka at nagseselos. Alam mo kung bakit?" Umiling si Deanna.

BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄