Chapter Eighteen
J's
Noon pangarap lang namin ni Deanna, magkaroon ng anak kahit pa hindi manggaling sa amin.
Bata pa kami noon, pero nangangarap na kami para sa future naming dalawa.
Kung naging matapang lang sana kami noon, kung lumaban lang sana kami noon. Hindi sana ganito kakumplekado ang lahat.
Sumuko agad kami, kahit pa, hindi naman talaga namin sinubukang lumaban.
Nagpatalo kami sa iisipin ng iba. Sa sasabihin ng mga parents namin, sa mararamdaman nila.
Nagpatalo kami sa isiping madidissapoint ang parents namin kapag nalaman nilang iba kami ni Deanna.
Nagpatalo kami noon, kaya sobrang hirap ng sitwasyon namin ngayon.
Alam ko, hindi magiging perpekto ang buhay namin ngayon, kung sakali ngang lumaban kami at inabot ang mga pangarap namin ng magkasama.
Alam ko, maraming huhusga, maraming magmamata, maraming magsasabing immoral kami sa mata nila.
Pero at least hindi ganito kakumplekado, to the point na hindi kami pwedeng mamili, dahil hindi nalang ang iisipin ng ibang tao, iisipin ng parents namin.
Kundi ang iisipin at mararamdaman ng mga anak namin.......
"Love, ayos ka lang?" Napitlag ako, sa pagyakap mula sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Pinanlakihan ko sya ng mata mula sa reflection ng salamin sa kwarto. "Mamaya maabutan tayo ni John Vic." Pilit ko syang sinisiko upang mapalayo sa akin.
Lalo naman nyang diniin ang sarili nya, pinatong ang baba nito sa balikat ko. Pumikit sya at tila ba dinadama ang init ng katawan ko.
"Ganito muna tayo, please? Miss na miss na kita," lumambon ang kaninang nagmamatigas na loob ko. Hinaplos ko ang kanang pisngi nya.
"Pagod ba ang baby ko?" Malumanay lang syang tumango. Napangiti ako at pinagpatuloy ang paghaplos roon. Nag-hum rin ako ng kanta habang nagsusway kaming dalawa. Sa himig ng kantang "Can't help falling in love" na theme song naming dalawa.
Sumandal ako sa balikat ni Deanna, kasabay ng paghawak ko sa kamay nyang nakapalibot sa bewang ko. Katulad nya, pinikit ko rin ang mga mata ko upang damdamin rin ang init ng katawan nito.
Lalong lumawak ang pagkakangiti sa aking labi na patuloy parin sa pag-hum ng kanta.
"Can we stay like this forever?" Napamulat ako sa tanong nyang 'yon. Pero nakapikit parin si Deanna.
"We will. I promise, we will." Ngumiti sya at mabagal na iminulat ang matang nakapikit.
"Mahal mo naman ako, 'di ba?" Nagtagpo ang aming mga mata sa reflection ng salamin.
"Mahal kita. Mahal kita ng sobra, Deanna," mas lumawak ang pagkakangiti nya.
Kinalas nya ang pagkakayakap sa akin. Pinihit nya ako paharap sa kanya.
"Mas mahal kita ng sobra, Jema." Kasabay ng paghaplos ng mga palad nya sa pisngi ko. Umiling iling ako "No! Mas mahal kita," nakangising saad ko.
Umiling iling din sya, "hindi mas mahal kita!" Napatawa kami parehas.
"Sige na, mas mahal na natin ang isa't isa." Pagsuko ko.
"Hindi ako papayag, mas mahal kita!" Kulit talaga eh.
"Deanna!" Pabebeng saad ko. Sabay nguso sa harap nya. Agad naman syang ngumisi kasabay ng paghilig ng kanyang mukha upang gawaran ako ng madiin na halik sa labi.

BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfic"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄