Part 7

2.3K 86 7
                                    

Chapter seven


D's


"Uyyyyyy Bei," bati ko kay Bea nung makita ko syang naka-upo sa isang foodcourt.

"Hey Deans." Tumayo sya para kamayan ako.

"Kamusta?" Sabay naming usal kaya natawa kami pareho.

"Ito ayos naman namamasyal, hahaha."

"Me too, sino kasama mo? Si Ricci at Deallan?"

"Nasa laot pa si Cci, si Deallan ang kasama ko. Saka si Maggie, yung anak ng jowa ko."

"Jowa?" Kinindatan ko sya.

"Naku Deanna, hanggang ngayon di ka parin nagbabago?"

"Hoy nagbago na ko no? Ngayon nalang ulit naulit! Wala eh, mahal ko pa. Kaya ayon, pinagbigyan ko lang sarili ko."

"Mahal mo pa? You mean?" Tumango ako.

"Yeah, yung first love at totga ko nung high school." Bestfriend ko si Ricci pero kahit kelan hindi ko naikwento sakanya si Jema, tanging sa mga tropa ko lang na babae.

Tingin ko kasi mas maiintindihan nila ako kesa sa asawa ko.

Blessing in disguise din, kasi kung kilala nya si Jema. Malamang buko na kami agad ngayon, hehehe.

"Wow naman, bilib na talaga ako kay boss D, hahaha."

"Sira! Ikaw ba sino kasama mo?"

"Si Jho at yung anak naming si Josh!" Agad nanglaki ang mga mata ko.

"Anak?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hahaha, adopted son namin!"

"Ohhhhh..... pero diba bawal mag-adopt ang same sex couple dito sa pinas?"

"Actually, adopted son ko lang. Pero syempre partner kami ni Jho, so anak namin. Hindi nga lang sa papel," sabagay.

"Tagal nyo na rin no? Simula college."

"Hindi naman naging kami nung college, alam mo namang may boyfriend kami parehas nun."

"Pero at least ngayon, unti-unti na kaming natatanggap ng pamilya namin. Kasi wala na silang magagawa 'di ba?"

"Hahaha, nagsasama na kami. Tapos may anak pa. So, wala na talaga silang choice, kundi tanggapin ang relasyon namin."

"Sana all!" Nakangiting biro ko kay Bea.

"Hahaha, ikaw kasi eh. Nagpatali at nagpatalo sa init ng ulo mo sa daddy mo. Kaya ayan, nabuo si Deallan. Lalo ka tuloy nakulong."

Huminga ako nang malalim, tama naman sya.

Dahil gusto kong magrebelde kay Dad, nakagawa ako na maling desisyon.

Bukod sa gusto kong ituwid ang sarili ko at matanggap nila sa pamamagitan ni Ricci.

Gusto ko rin talaga makawala sa puder nila at sa tingin ko magagawa ko ang gusto ko sa piling ng asawa ko.

Pero hindi rin pala, dahil tulad ng sabi ni Bea. Lalo lang akong nakulong sa sitwasyong tinatakasan ko.

Hindi ko maiwasang mainggit kay Bea, ngayon.

Tulad namin ni Jema, naging tago rin ang relasyon ni Bea at Jho. Kaibahan lang mga boyfriend lang nila si Nico at Thirdy noon.

Hindi katulad namin na may asawa na at anak pa, kaya sobrang hirap talaga ng sitwasyon.

Pero umaasa parin ako na isang araw magiging malaya rin kami ni Jema at matatanggap din kami ng pamilya namin.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon