Chapter Seventeen
J's
"So baby sitter ka na pala ng lover mo ngayon?" Natatawang saad ni Kyla.
"First day kasi ni Deanna ngayon sa trabaho. Eh may work din naman si Ricci. Kaya sakin talaga nila pinagkatiwalaan si Deallan."
Naihit ng tawa si Kyla, na agad ko namang tinignan ng masama.
Kung hindi nya lang karga ang baby nya baka nasabunutan ko na 'to.
"Sorry, sorry!" Sabay peace sign nya. "Hindi lang talaga ako, makapaniwala. Biruin mo? Yung asawa ng kabet mo, payag rin, na ikaw ang mag-alaga ng anak nila."
"Baka kasi, wala lang choice?" Pairap na saad ko. "Pero sa totoo lang, mabait naman si Ricci. Nung nalasing nga si Deanna, dahil sinamahan nito si Bea. Alam mo yun? Wala akong choice kundi tawagan sya."
"Halos lamunin ako ng hiya nung sagutin nya ang tawag ko. Kinakabahan ako, na hindi ko maintindihan. Pero nawala yung hiya ko nung nagpasalamat sya sa akin. Nagpasalamat sya, kasi tinawagan ko raw sya, para ipasundo ang asawa nya."
"Lahat ng hiya ko, nawala. Napalitan lahat ng guilt." Napangiti ako. "Naguguilty ako, Kyla. Kasi nakakasira ako ng pamilya. Pero hindi ko alam kung paano ko itatama 'tong pagkakamali na 'to. Nangako ako kay Deanna. Nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari, mag-sstay ako at pipiliin ko sya."
"Pero kapag, nakikita ko si Deallan at Maggie. Lagi nalang akong nakukunsensya, lagi nalang pumapasok sa isip ko na paano sila? Paano sila kapag nasira na ang pamilya namin, dahil gusto lang namin ni Deanna maging masaya?"
"Nahihirapan akong mamili eh. Sa totoo lang kaya ko naman iwan si John Vic, para kay Deanna. Sa dami ng mga kalokohang pinag-gagawa nya? Punong puno na ko. Kaya kong iwan si John Vic, para kay Deanna. Ipaglaban sya sa parents ko. At sa ibang tao, huhushugahan sa pagmamahalan namin."
"Handa ko syang ipaglaban, at alam kong ganun din sya. Pero kapag nakikita ko ang dalawang musmos na batang 'yan. Lahat ng tapang ko naglalaho. Kaya kong saktan ang lahat at talikuran ang lahat. Pero hinding hindi si Maggie."
"Hinding hindi ko kayang masaktan ang anak ko, kapag nasira na ang pamilya nya dahil lang hindi na kami masaya ng Daddy nya."
"So hanggang kailan nyo titiisin ni Deanna, ang sitwasyon nyo para sa mga bata?"
"Hindi ko rin alam, Kyla. Siguro hanggang kaya namin, hanggang kaya ng tanggapin ng mga bata ang relasyon namin ni Deanna."
"Je, hanggat hindi nyo pinapaintindi sa mga bata ang totoong nangyayari. Hindi talaga nila matatanggap."
"Hindi pa kayang tanggapin ni Maggie, Ky. Yung pinatawag ko pa nga lang sa kanya na Mama, si Deanna. Ang dami nya ng tanong na hindi namin masagot. Hindi pa sya handa, lalo pa't may kaklase sila ni Deallan, na may parents na parehas na lalaki."
"Sobrang curious nya, kung bakit daw parehas boy ang parents ng kaklase nya. Akala ko nga magiging dahilan yun para ma-open ko sakanya yung relasyon namin ni Deanna. Pero nagulat ako sa sinabi ni Maggie."
"Ayaw daw nyang magkaroon ng abnormal na pamilya katulad ng sa kaklase nya. Ayaw daw nyang, tuksuhin, kutyain at laitin. Katulad ng kaklase nya."
"Kahit ako, Kyla. Ayokong maranasan ng anak ko yun. Kaya wala akong magawa, nung pinagpromise nya ko na hinding hindi kami maghihiwalay ng Daddy nya."
"Kung ako at si Deanna lang ang pag-uusapan, kaya naman eh. Kaya namin lahat ng mapanghusgang mata, wala naman kaming dapat patunayan sa kanila. Dahil kami naman 'to, dito kami masaya at wala kaming paki-alam kung ano man ang sasabihin nila."
"Pero iba pagdating sa mga anak namin. Iba na, kapag sila na yun nasasaktan, hindi namin kaya."
Napahinga ako ng malalim at ganun rin si Kyla.
"Mapag-biro talaga ang tadhana, after 13 years. Pagtatagpuin kayo, tapos mahal nyo pa ang isa't isa. Ang problema lang, sobrang kumplekado ng sitwasyon. May asawa na kayo, pareho. Pagkatapos may anak pa? Sobrang hirap talaga nyan, Jema. Lalo pa't wala kang lakas ng loob para harapin ang kinakatakutan mo."
Ngumiti ako ng mapait, "hindi ko naman kasi akalain na magkikita pa kami ni Deanna. After 13 years, akala ko wala na eh. Akala ko naka-move on na ko sa kanya."
"Minsa iniisip ko, kung sana hindi nalang kami nagkita. Sana hindi nya nalang inamin sa akin na mahal nya parin ako. Sana hindi nalang ako pumayag sa relasyon na 'to."
"Pero lahat ng sana ko, napapalitan ng salitang mahal ko sya. Mahal na mahal ko si Deanna, Kyla. Gusto ko ng maging malaya para sa aming dalawa. Gusto ko ng palayain ang sarili ko para maging masaya na kaming dalawa."
"Pero hanggat hindi handa si Maggie at Deallan. Hinding hindi kami magiging lubos na masaya ni Deanna. Kung ang mga anak namin ang masasaktan."
"Mommy!!!" Sabay na saad ng dalawang bata. Sabay rin itong kumakaway sa amin, ni Kyla.
Ngumiti ako kasabay ng pagpunas ko ng mga luhang kanina pa umaagos sa mga pisngi ko ng hindi ko namamalayan.
---
"Mama!" Sinalubong ni Deallan si Deanna. Agad syang ngumiti at binuhat ang anak nya.
"Hi po! Mama Deanna," bati ni Maggie at niyakap si Deanna.
"Hello mga baby ko," sabi ni Deanna at hinalikan nyang pareho ang mga bata. "Kamusta ang araw? Nagpasaway ka ba sa Mommy Jema mo? Deallan ah?"
"No po, Mama! Behave po ako. 'Di ba po Mommy Jema?"
"Yes, po. Behave po ang baby na 'yan" Ngumiti ako at nilapitan sila. Para kaming isang pamilya na sinalubong si Deanna sa labas ng bahay namin.
"Very good naman po pala," sabi ni Deanna at hinalikan ulit ang anak nya. "Thank you!" Baling nya sa akin. Ngumiti lang ulit ako.
"Mama, bakit hindi mo kasama si Papa?"
"Nasa work pa si Papa eh. Sa bahay nalang natin hintayin ah?"
"Okay po, uuwi na po ba tayo?" Ngumuso si Deanna. "Kakadating lang ni Mama, uuwi na agad tayo? Pagod pa ko eh." Kunwari, pinalungkot pa nya ang mukha nya.
"Dito nalang po kayo kumain, Mama." Alok ni Maggie. Napangiti kami ni Deanna.
"Oh sya. Pumasok na tayo, para makapag-hain na ko," aya ko sa kanila.
Natawa si Deanna. Alam ko kung ano ang nasa isip ng babaeng 'to. Siniko ko sya mamaya madulas pa sya sa harap ng mga bata. Tapos magtatanong na naman, tapos wala na naman kaming maisagot.
"Mama Deanna, karga mo rin po ako?" Malambing na saad ni Maggie.
"Wait, baka di kaya ni Mama mo." Pigil ko naman.
"Kayang kaya ni Mama 'yan," may pagmamalaking saad ni Deanna.
Tinignan ko sya ng pailalim, ang yabang tignan natin kung hindi mabali 'yang likod mo.
Umamba na si Maggie pakarga sa kanya. Mabilis kumala ang malakas na tawa sa akin. Sa itsura ni Deanna.
"Ayan kayabangan mo!" Asar ko sa kanya, halos nakangiwi na kasi ito. Malaking bata si Deallan, at medyo malusog naman si Maggie. Si John Vic nga halos sumuko na sa pagkarga sakanya eh.
Tapos itong payatot na si Deanna, ang yabang na kaya daw nyang buhatin ang dalawang bata?
"Ang sama talaga ng Mommy nyo no?" Sumbong pa nya. Bumingisngis naman ang dalawang makulit na batang karga nya.
Napatawa ako at niyakap sila.
"Baby naman. Ang bigat na nga nung dalawa dumagdag ka pa" sabi ni Deanna, agad ko syang pinanglakihan ng mata.
"Si Mommy po ba ang tinawag mong baby?" Curious na tanong ni Maggie.
"Ah eh. Oo, mukha kasing syang baby. Mukha syang baby na gustong magpakarga," sige kaya mo yan. Magpalusot ka pa.
Nginisihan ko sya, sabay belat dito hahaha. Hindi kasi magkapag-pigil nyang bibig mo! Kaya bahala ka magpalusot dyan hahaha.
Iniwan ko si Deanna habang walang tigil sa pagtatanong ang mga bata.
"Baby!" Napatawa ako. Sa malakas na pagtawag nya sa akin. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfic"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄