Part 11

2.9K 104 24
                                        

Chapter eleven


J's




Simula nung umuwi si Ricci, ito na ang lagi kong nakikitang naghahatid at sumusundo kay Deallan.

Naalala ko pa nung una syang pinakilala sakin nung bata.

"Tita Jema, sya po ang Papa ko. Papa sya naman po si tita Jema, tapos si Maggie, bestfriend ko."

"Hi! Ricci pala, ASAWA ni DEANNA." Pinagdiin pa talaga nya.

Kailangan talagang ipamukha eh. Masyado ba syang threaten sakin?

Tingin ko naman wala pa syang idea kung anong meron samin ng asawa nya.

Pero kailangan parin mag-ingat, dahil sa tono nga nung pagkakasabi nya. Parang babala na yun.

Siguradong nakukwento na ni Deallan sa Papa nya ang madalas naming paglabas ni Deanna kasama sila dalawang ni Maggie.

Dahil ganun din naman si Maggie kay John Vic. Nagkukwento rin ang batang yun sa Daddy nya.

Hindi talaga malabo na nagdududa na si Ricci samin ni Deanna.

Mukhang malabo na talaga kaming magkita ulit hanggat nandyan ang asawa nya.

At isa pa, mukhang nag-eenjoy naman si Deanna na nandyan na ang asawa nya.

Halos pamamasyal lang nila ang laman ng news feed ko.

Tapos halos hindi na makapag-text yung babae na yun. Nakakainis!

Speaking of.... ito tumatawag na sya, buti naka-alala pa.

"Oh?" Walang ganang sagot ko sa tawag ni Deanna.

"Bi, I miss you!" Umismid ako.

"Hindi ka na ba busy?"

"Sorry na bi, babawi ako. 'Di lang ako makatyempo kay Ricci eh."

"Paano ka nga babawi? Kung bantay sarado ka?"

"Magkita tayo ngayon! Miss na miss na talaga kita."

"Huh? Paano?"

"I tetext ko sayo yung lugar ng pagkikitaan natin."

"Deans, ngayon na? Walang kasama si Maggie, wala pa si Vic. Hindi ko rin alam kung anong ipagpapaalam ko sakanya."

"Sama mo si Maggie, kasama ko rin naman si Deallan eh. Hindi ako papayagan ni Ricci, kung di ko kasama ang anak nya."

"Saan ba tayo pupunta?"

"Kay Bea, iiwan natin yung mga bata dun. Sakto kasi nag-aya si Deallan sa ninang Bea nya, ilang si Ricci sa mga tropa ko kaya ayaw nyang sumama."

"Wait lang, tatry kong mag-paalam ah?"

"Papayagan ka nun lagi naman wala ang asawa mo dyan sa bahay nyo."

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Sige na bi, magpapaalam na muna ako. Tatawagan kita ulit kapag pinayagan ako ah?"

"Okay bi, I miss you na talaga. I love you!"

"I miss you and I Love you too, bi. Bye na muna ah?"

"Bye." Saktong pagbaba ko ng tawag ni Deanna, tumawag naman si Vic

"Hello, hon?"

"Hon, malelate ako ng uwi. Birthday ng isa sa boss ko eh, Nahiya naman akong tumanggi." Sure ka bang boss mo talaga 'yan?

Ngumiti ako, "okay lang hon. Magpapaalam din sana ako, birthday ng kaklase ni Maggie. Gustong pumunta ng anak mo." Finger cross.

"Okay hon, mag-ingat kayo. 'Wag masyado magpagabi."

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon