Chapter Twenty-five
J's
"Isa kang malaking kahihiyan!" Paulit ulit na umeeko sa utak ko ang mga katagang bitawan ni Papa. Tanging pagtangis lang ang naitugon ko sakanya.
"Jesse, tama na 'yan. Pagpahingahin mo muna ang anak mo."
"Kaya lumaking sutil 'yang anak mo, kasi laging mong kinakampihaan."
"Hindi ko sya kinakampihan. Hindi ko kinukunsente ang pagkakamaling nagawa nya. Pero alam kong may dahilan ang lahat, Jesse. Kaya huminahon ka muna."
"At anong dahilan, Jessica? Ang pangbabae ng asawa mo? Kaya gumanti ka?"
Hindi ako makapag-salita, nilulukot ko lang ang laylayan ng dress kong suot.
"Hindi ka ba talaga, nag-iisip? Kababae mong tao, nagloko ka? Tapos sa babae pa? Hindi ka na, nahiya sa sarili mo! Hindi ka ba nahihiya? Hindi ka nangdidiri? Napakababoy nyo." Napitlag ako sa paglakas ng boses nya.
"Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo ah? Dalawang malaking kasalanan ang ginawa mo! Sa mata ng tao at sa mata ng ating lumikha! Jessica."
"Pa!" Hagulgol ko.
"Naki-apid ka na! Pumatol ka pa sa kapwa mo babae. Wala na ba talagang kahihiyang natitira sa katawan mo ah? Nag-iisip ka pa ba?" Lalo akong napa-iyak ng duruin nya ang sentido ko.
"Jesse, tama na muna 'yan."
"Sorry po, Ma. Sorry po, Pa."
Malakas na pagbuga ng hininga ang pinakawalan ni Papa bago ito muling nagsalita.
"Ang kapal ng mukha ng babae 'yon. Tinanong ko sya kung anong namamagitn sainyo. Sinabi ko sakanya, na ayokong maging tomboy ang anak ko. Ayokong magkaroon sya ng tomboy na karelasyo. Tapos ano!!!!"
"Hinarap ko sya ng maayos! Tapos ginagago nyo lang pala ako sa likod ko?"
"Sorry po, Pa!" Alam kong malaki ang pagkakamali ko. Wala akong pwedeng idahilan sa mga magulang ko.
Tama naman sila eh. Hindi naman talaga dahilang suklian ko ng pagkakamali ang pagkakamali rin ng asawa ko. Hindi maitatama ng mali ang isa pang pagkakamali.
"Hinding hindi ka na, magpapakita pa sa babaeng 'yun. Kung may natitira ka pang kahihiyan sa katawan mo, Jessica. Mahiya ka! Mahiya ka naman sa anak mo."
"Puputulin mo na kung ano man ang meron kayo ng babaeng 'yon. Naiintindihan mo ba, Jessica."
Umiling iling ako. Wala parin patid sa pag-agos ang mga luhang naglalandas sa mga pisngi ko. No. Hindi ko kaya.
"Naiintindihan mo ba!" Malakas na bulyaw ni Papa.
"Opo!" Awtomatikong sagot ko. Wala sa sariling tugon ko. Kusa lang itong lumabas sa bibig ko, dahil narin siguro sa tindi ng kabog ng dibdib ko. Dala narin siguro ng kaba dahil sa takot sa sarili kong Ama.
Lumakas ang hagulgol ko. Wala na akong maisip sa ngayon, kundi umiyak nalang ng umiyak.
"Jessica, hija. Sa ngayon magpahinga ka muna. Kung pwede nyo pang pag-usapan ng asawa mo ang lahat. Ayusin nyo. Para kay Maggie. Para sa anak nyo." Napatingin ako kay Mama.
Wala na si Papa. Tanging kaming dalawa nalang ang naiwan sa apat na sulok ng kwarto ko.
"Pero Ma. Ilang beses ko na syang binigyan ng pagkakataon. Tapos ngayon buntis pa 'yung babae nya."
"Maraming beses ko rin binigyan ng pagkakataon ang Papa mo anak. Malaking kasalanan sa Dios, kapag naghiwalay kayo lalo pa't pinagbuklod Niya kayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/228836253-288-k264587.jpg)
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄