Chapter eight
J's
"Dito na po," sabi ni Deanna sa taxi driver nung huminto kami sa medyo malaking bahay sa loob ng subdivision.
Nauna syang bumaba pagkatapos nyang magbayad sa driver
Ako naman inalalayan ko yung dalawang bata.
Pinayagan kami ni Deanna ng mga asawa namin, dahil kasama sila Deallan at Maggie.
Sabi naman ni Bea, may mga bata rin daw sa party. Kasi halos lahat ata ng kaibigan ni Deanna pamilyado na rin.
"Dito na po yung birthday party Mommy?" Tanong ni Maggie.
"Yes baby." Si Deanna ang sumagot.
"Mama, makikita ulit namin si Baby Josh?"
"Yes, nandito din kasi si Ninang Jho at Ninang Bea mo."
"Yeahey!" Sabay na saad nung dalawang bata.
Napangiti nalang kami ni Deanna, mukhang excited na talaga sila magkaroon ng kapatid.
"Tara pasok na tayo." Aya ni Deanna samin.
"Wait!" Pigil ko sakanya at inayos ang kwelyo ng long sleeve polo shirt nya. Medyo nalupi kasi ito.
Ako naman, naka-red dress tapos si Deallan naka-checkerd na polo at naka-pink dress naman si Maggie.
"Thank you bi," sabi ni Deanna at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob ng bahay kung saan naghihintay ang mga kaibigan nya.
"Hey Deans," salubong samin ni Bea, naka-polo rin ito.
"Nakapangasawa pala ng mayaman si Madz no? Hahaha," biro ni Deanna.
Ang laki naman kasi talaga nitong bahay na pinasukan namin. Nasa Garden palang kami pero makikita na agad sa labas na yayamanin ang bahay.
"Sigurado akong babatukan ka nun kapag narinig ka."
"Hahaha, bakit di pa ba sila kasal ni Zolo?"
"May invitation kabang natanggap?"
Napapa-iling nalang ako sa klase ng pag-uusap nilang dalawa.
"Ninang Bea, nasaan po yung baby nyo?" Singit ni Deallan.
"Nandun sa loob, kasama si Ninang Jho mo."
"Mama, tita Jema. Punta po kami sa baby?"
"Okay, basta wag maglilikot Deallan ah? Saka wag kayong lalayo," sabi ko at hinaplos ang buhok ni Deallan.
"Yeahey, thank you po tita!"
"Thank you Mommy!"
At niyakap nila akong dalawa bago tumakbo papasok sa bahay ng kaibigan ni Deanna.
"Ang cute talaga ng mga anak nyo no? Kung hindi man kayo magkatuluyan, malay nyo sila pala magtutuloy ng love story nyo, hahaha."
Tinignan ng masama ni Deanna si Bea, loko kasi eh.
"Easy brad. Maging matapang ka muna harapin ang Daddy mo."
"Dadating tayo dyan Bei, tara na nga sa loob ng mabati na ang may kaarawa."
Nauna si Bea pumasok samin, nasa likod lang naman ako ni Deanna.
Medyo nahihiya din kasi ako wala naman kasi akong kilala dito tanging ito lang kahawak kamay ko.
Ayoko lang talaga syang magtampo, kaya napasama narin kami ni Maggie.
Hirap pa naman suyuin nito ni Deanna, buti nalang pinayagan ako ni John Vic.

BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfiction"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄