Part 27

1.6K 117 16
                                    

Chapter Twenty-seven




J's



Pinag-mamasdan ko ang mahimbing na pagtulog ni Maggie. Napagod ito kaka-iyak. Kakaiyak sa paghahanap sa Daddy nya. Ilang araw narin kasi kami dito sa bahay nila Mama. Gusto na daw nyang umuwi, dahil kawawa daw ang Daddy nya, walang kasama.

Hinaplos ko ang buhok ni Maggie. "Sana nga, anak. Ganun lang kadali mapatawad ulit ang Daddy mo, gusto ko syang patawarin para sayo. Pero ang hirap na kasi eh. Sobrang laking kasalanan nagawa nya sa Mommy, anak."

Tumulo na naman ang luhang gabi gabing umaagos mula sa mga mata ko.

"May anak na sya sa iba, hindi ko na sya kayang makasama. Hindi ko na sya, mahal. May mahal na kong iba."

Mahal na mahal ko ang Mama Deanna mo. Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi lumabas ang impit na pagdaing dito.

Humiga ako sa tabi ni Maggie, niyakap ko sya ng mahigpit.

Sa pangalawang pag-kakataon hindi ko na naman sya kayang ipaglaban. Nangako ako sakanya, na kahit anong mangyari sya parin ang pipiliin ko. Pero binigo ko na naman sya.

Tama naman si Kuya eh. Nag-umpisa kami sa mali. Kaya kahit anong gawin namin hindi magiging tama 'to, hanggat hindi namin inaayos ang lahat.

Ayusin ang nagulo at nasira naming pamilya.

"Hindi rin naman ako papayag na sumama ka pa sa gagong mong asawa. Pero Je, hindi rin tama na piliin mo ang kabet mo."

"Kailangan mo munang ayusin ang pamilya mo. Pero hindi ibig sabihin babalikan mo ang asawa mo. Kailangan nyong mag-usap towards kay Maggie. Para sa bata, mag-uusap kayo. Hindi na bilang mag-asawa, kundi bilang magulang ng anak nyo."

"Pero paano si Deanna, kuya? Mahal na mahal ko sya."

"Je, nag-umpisa kayo sa mali. Kailangan nyo 'tong tapusin, para maging tama kayo sa isa't isa."

"Sa ngayon, kailangan nyo munang palayain ang sarili nyo. Kailangan nyo munang itama ang lahat."

"Hindi ko kaya, kuya. Paano kapag nakakita sya ng iba?"

"Kung naghanap sya ng iba at sumuko sya. Ibig sabihin lang nun, hindi ka nya ganun kamahal."

"Kuya naman, eh." Natawa sya, at ginulo ang buhok ko.

"Dalawang beses mo ng iniiyakan ang babaeng 'yon, ganun mo ba talaga sya kamahal?"

"At sa pangalang pagkakataon, hindi ko na naman sya kayang piliin at ipaglaban."

"Kung batayan nga ang pag-iyak, para malaman mo kung gaano mo kamahal ang isang tao. Bakit hindi parin 'to sapat para maging matapang? Bakit hindi parin 'to sapat para makasama ko sya? At maging masaya?"

"Bakit laging mali, yung pagkakataon para saming dalawa kuya?"

Humagulgol ako, agad naman akong niyakap ni Kuya Justin.

"Kaya nga itatama mo na ang lahat diba? Kung isang araw magkita kayong muli. Tama na yung pagkakataon para sa tama nyong pagmamahalan!"

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon