Chapter four
D's
Tulad nga ng sabi ni Jema, hanggang manila zoo nga lang yung asungot nyang asawa.
At hindi na nga ito sumama sa star city, kaya heto ako na ang katabi ni Jema sa bus. Hehehe.
"Sa wakas, masosolo narin kita!" Bulong ko sakanya, sabay hawak sa kamay nito.
"Umayos ka nga Deanna, mamaya may makakita sayo!" Tapos binawi yung kamay nya sa pagkakahawak ko.
"Ano bang kinakatakot mo? Wala naman magdududa, parehas naman tayong babae. Tapos, parehas ding may asawa!"
"At higit sa lahat, wala namang nakaka-alam satotoong kong pagkatao! Hindi naman nila alam na, babae ako na nagmamahal din sa babae!"
Huminga sya ng malalim at wala ng nagawa nung muli kong hinawakan ang kamay nya. Napangiti ako.
"Naalala mo, nagfieldtrip din tayo sa enchanted kingdom?"
"Oo naman, takot na takot ka pa nga sa roller coaster. Tapos sumuka ka pa, hahaha!"
Ngumuso ako, "alam mo naman takot ako sa rides. Tapos pinilit mo parin akong sumakay dun!"
"Syempre, love mo ko." Inipit ni Jema, ang mga pisngi ko, gamit ang kanang palad nya. Woaaah, namiss ko 'to.
"Naman, love na love. Pakiss nga!" Natawa ako ng sampalin nya ko ng mahina kanang pisngi.
"Umayos ka dyan! Mamaya may makarinig sayo!"
Hindi na ako nagsalita, nag-umpisa na naman po si Miss sungit.......
"Ma!" Tawag sakin ni Deallan, pagkarating namin sa star city.
Ito talaga ang dahilan kung bakit kailangan kasama ang parents. Para masamahan mag-enjoy ang mga anak nila.
"Anong rides ang gusto nyong sakyan?" Tanong ko agad sakanila ni Maggie.
"Tita Deanna, gusto ko po sa merry go round!"
"Naku, ang haba ng pila dun!"
"Sa tea cup nalang tayo Maggie, parang merry go round din naman yun eh!" Sabi ni Jema, sa anak nya, sabay haplos sa buhok nito.
"Teka, pang-bata yun eh? Sila lang makakasakay dun!" Reklamo ko.
"Anong bang dahilan ng pagpunta natin dito,Deanna Wong? 'di ba, para mag-enjoy ang mga bata?"
"Rivero na ko, hindi na Wong!" Pagtatama ko sa sinabi ni Jema.
"Chee!!! Ewan ko sayo!" Tapos hinila nya yung dalawang bata, papasok sa star city.
"Hoy, hintayin mo ko sungit!"
Tulad nga ng sabi ni Jema, ang mga bata ang dahilan ng pagpunta namin sa star city. Kaya heto, pinapanood lang namin si Deallan at si Maggie habang sakay ng iba't ibang kiddie rides.
Tapos mag-pipicture kami, bago sila sumakay, habang nakasakay sila pinipicturan din namin sila.
"Bi!" Nabigla ako sa pagtawag sakin ni Jema.
Nakayakap din sya sa kanang braso ko.
"Pasok tayo dyan!" Sabay nguso sa horror house.
"Ayoko nga!" Mabilis na tanggi ko.
"Wag mong sabihin hanggang ngayon takot ka parin sa multo?" Nakangising saad nya.
"Hindi no? Iniisip ko lang yung mga bata, wala silang kasama!"
"Asus, palusot pa ang baby! Sige na nga, pagbibigyan na kita!" Napayes ako sa hangin.
"Pero sa susunod! Papasok na tayo dyan, patunayan mo saking hindi ka na talaga takot!"
BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Fanfic"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄