Part 21

1.5K 104 9
                                    

Chapter Twenty-one




D's



"Where's ninang Jho, po? Ninang Bea?" Napalingon kami kay Deallan na kasalukuyang nilalaro ang bagong baby ni Pongs na si Lawrence. Nasa gilid naman nito si Josh. Nanonood ng cocomelon sa selpon ni Bea.

Nagkatinginan kaming apat sa tanong na 'yun ng anak ko. Matanong na bata talaga si Deallan. Natandaan ko pa, tinanong nya ko kung bakit daw may baby si Bea at Jho, kahit parehas silang babae.

Nagulat nga ako nung tinanong nya yun, ibig sabihin alam nyang hindi lang magkaibigan ang dalawa nyang ninang. Pero imbis na tanungin ko yun sa kanya. Sinagot ko nalang ang tanong nito.

Sinabi ko sa kanya na baby lang ni Bea, si Josh. Pero Mama rin naman ni Josh, si Jho. Dahil ito ang nag-aalaga sa kanya.

Marami pa syang tanong na hindi ko na masagot. Tulad kung sino ang Daddy ni Josh. Hindi ko sya sinagot dahil wala ako sa posisyon para sagutin pa yun.

"Ninang Jho is pregnant kasi baby. Bawal syang mapagod kaya hindi ko na sinama," palusot ni Bea.

"Really ninang? Ninang Jho is pregnant too? Like Mommy Jema?" Excited na sabi ni Deallan, "magiging kuya na si Baby Josh. Magiging ate naman si Maggie," dagdag pa nya.

Muli kaming nagkatinginang apat, mukha kasing may laman ang tinuran na iyon ng anak ko. Napangisi pa nga si Pongs at Madz eh.

"Gusto ko nadin magkaroon ng little brother or sister." Napatawa na ang dalawa kong bruhang kaibigan. "But, sabi ni Papa, di pa raw sila ready ni Mama eh." Malungkot na saad ulit ng anak ko.

"Don't worry, Deallan. Because, you're still a kuya parin naman," sabi ni Bea.

"Really ninang? But, how?"

"Eh 'di ba kuya ka naman ni Josh? Ni Lawrence? At magiging kuya ka rin ng baby ni ninang Jho at ni Mommy Jema mo."

Ngumiti na si Deallan, "ninang Bea, you need to take care of ninang Jho. Like tito John Vic did to Mommy Jema."

Natahimik naman si Bea. Tila nangangapa ng sasabihin sa anak ko. Mabagal syang tumingin sa akin na tila humihingi ng saklolo. Nagkibit balikat ako.

"Ang daldal talaga ng anak mo no? Wala syang paki-alam kahit pa masaktan kayong dalawa sa sinasabi nya, hahaha." Nabaling ang tingin namin ni Bea kay Pongs.

Agad syang pinanlakihan ng mata ni Bea. Tumawa lang naman sya. Tapos nakipag apir kay Madz na todo tawa rin.

"Alam nyo kayong dalawa, wala kayong maitulong." Asik ni Bea sa kanila.

"Aba kasalanan ba naming kumplekado ang mga love life nyo?" Bira naman ni Madz

"Hindi naman ganun kakumplekado yung sa akin. Mas malala yung Kay Deanna," aba ngayon kampi na sya sa dalawang bruha.

Buti nalang busy na ulit si Deallan, sa pakikipag laro sa dalawang baby. Kaya hindi na nito napapansin ang pinag-uusapan namin.

"True at confirm ba na buntis si Jema?" Tanong ni Pongs.

"Possitive daw sa kit eh. Pero hindi pa talaga sure kasi ngayon palang sila mag-papacheck up."

"Sana naman hindi totoo. Mahirap kasi talaga labanan ang responsibilidad sa mga bata. Maisasakripisyo mo ang lahat para sa kasiyahan nila." Napatango ako kay Bea. Kasi si Deallan at si Maggie lang naman ang dahilan kung bakit pinipigilan namin ni Jema ang mga sarili namin.

"Hindi naman kasi imposibleng mabuntis si Jema. May asawa kaya yung tao," sabi ni Pongs.

"Eh, bakit naman si Deanna? May asawa rin naman sya ah?" Tanong ni Bea.

"Lagi naman nasa laot si Ricci. Kaya maliit ang chance na mabuntis si Deanna, at sa tingin ko naman madalang nila yun gawin. Kahit pa nandito si Ricci." Sagot naman ni Madz.

"Lalo pa nung bumalik si Jema. Wala na talagang nangyari sa amin. Nagtry naman kami isang beses nung umuwi sya. Pero hindi ko na talaga kinaya. Alam nyo yun? Parang nagtataksil ako kay Jema, sa sarili kong asawa."

"Hindi mo lang talaga feel Deanna, hahaha." Asar ni Pongs.

"Kawawa naman si Ricci. Ang tagal na palang tigang ng lolo mo, hahaha." Gatong ni Madz.

"Tapos si Deanna, madalas madiligan, kaya lang, mukhan matatagalan ulit, nabuntis eh." Ngumisi ng nakakaloko si Pongs.

Napa-iling nalang ako. Ang hirap makipag-sabayan ng kalokohan sa mga kaibigan ko. Lalo pa't naiisip ko rin naman ang kalagayan ni Jema.

Hindi ako mapalagay hanggat hindi ko sya nakikita. Nag-aalala ako, kung okay lang ba sya? Nahihilo pa ba sya? Nagsusuka? May pinaglilihian ba syang pagkain?

Pero lahat ng yun sa text ko lang natatanong sa kanya. Bantay sarado kasi ito ni John Vic. Halos ayaw nga ako nun palapitin sa asawa nya.

Sa text ko na nga lang nakakausap si Jema. Sobrang dalang pa. Naiintindihan ko naman kasi nga buntis baka palaging pagod at inaantok.

Tinatanong ko nalang si Deallan, kung okay lang ba ang Mommy Jema nya. Masaya naman nitong binabalita na inalagaan ito ng tito John Vic nya.

Napahinga ako nang malalim. At least okay lang si Jema, sa piling ng asawa nito. Halos 4 days palang kaming hindi nagkikita, simula nung mahilo sya. Pero miss na miss ko na talaga ang babaeng yun.

"Sa tingin mo ba Deans, naging masaya ka ngayon kung tinuloy mo ang pag-iwan sa mag-ama mo para kay Sydney?" Napitlag ako sa tanong na yun ni Bea.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot dyan. Gusto ko lang naman magpakatotoo nun, dahil pagod na pagod na ko sa pagtatago. Sakal na sakal na ko sa kasal namin ni Ricci."

"Pero ang masasabi ko lang. Siguro kung tinuloy ko yung pag-iwan kay Ricci noon. Siguro kung iniwan ko sya noon, kahit pa, hindi para kay Sydney or sa iba pang babae. Kundi para sa sarili ko. Siguro masasabi kong masaya na ako ngayon. Masaya ako ngayon kahit si Deallan lang ang meron ako."

"Pero sa ngayon inaayos na namin ni Ricci ang lahat. Inuunti unti lang namin si Deallan, hindi naman pwedeng biglain yung bata baka masaktan."

"Sa tingin ko naman wala kayong masyadong magiging problema kay Deallan, matalino sya. Alam nga nyang may something kami ni Jho, eh. Sa Daddy mo ikaw mahihirapan."

"Sa totoo lang, sa dami ko ng pinagdaanan. Narealized ko na, hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba. Kahit pa sariling mong magulang."

"Hindi ka matatanggap ng mga taong nasa paligid mo. Kung ikaw mismo pilit mong tinatakasan ang totoo mong pagkatao. Madami na akong pinag-daanan, ginawa ko na yung akala kong tama, para lang iplease ang pamilya ko at ang ibang tao."

"Pilit mong tinatatak sa sarili mo na masaya ka kahit ang totoo nasusuffocate kana. Hindi ka makahinga dahil sakal na sakal kana."

"Tulad nga ng sabi ni Bea noon sa akin. Ako ang mamimili kung ano gusto kong buhay. Kung pipilitin ko ang sarili ko para iplease ang ibang tao. O pipiliin kong magpakatotoo para sa kasiyahan ko. Kasi, the end of the day, buhay mo naman yan eh. Syempre ikaw ang pipili kung saan ka magiging masaya."

Napangiti sila. Inakbayan pa ko ni Bea at ginulo ang buhok ko.

"Kailangan mong magdesisyon para sa sarili mo. Yung desisyong alam mong tama para sa sarili mo." Pagtatapos ko.

"Kung ano pa man 'yan, Deans. Nandito lang kaming mga kaibigan mo, nakasuporta sayo." Sabi ni Bea

"Tama, piliin mo ang magpapasaya sayo hindi nalang para kay Jema. Piliin mo ang magpapasaya sayo. Para sa sarili mo." Saad naman ni Madz.

"Hinding hindi ka namin iiwan, Deanna." Hinawakan pa ni Pongs ang kamay ko.

Napangiti at napatango ako sa kanila. Siguro nga malabo na ang sitwasyon namin ni Jema. At may chance na iwan nya ko para piliin ang pag-aayos ng pamilya nya.

At hindi ko man kayang tanggapin, pero yun talaga yung pumapasok sa akin na katotohanan.

Pero kahit ano pang maging resulta ng pagbubuntis ni Jema sa relasyon namin. Maluwag ko yun tatanggapin, hindi nalang para sa mga bata. Kundi pati narin sa sarili ko.

Napalunok ako. Ang dali lang palang sabihin pero ang hirap kapag naiisip kong iiwan na talaga ako ni Jema para sa baby. Hindi ko pala talaga kaya.....

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon