Chapter Twenty-two
J's
"Medyo tumaba ka nga girl," sabi ni Kyla sa kabilang linya. "Kaya walang dudang buntis ka nga," dagdag pa nya.
"Ngayon palang talaga namin makukumpirma. Hinihintay ko lang si John Vic, may dinaanan lang kasi sya sa office nila."
"Congrats in advance. Pero sure na ba kayong babalik na kayo ng maynila? Alam na ba ni Deanna?"
"Hindi ko nga rin alam paano sasabihin eh. Hindi narin kami nagkikita, parang may alam narin si John Vic. Kaya madalang ko na din matext si Deanna. Bantay sarado kasi ako."
"Ayos din yang asawa mo no? Parang sya walang ginagawang kalokohan."
Napabuntong hininga ako, "kaya nga naisip ko naring pumayag na bumalik na kami sa maynila. Siguro nga, itong batang nasa sinapupunan ko ang sign para ayusin na namin ni John Vic ang pamilya namin."
"So, ibig sabihin ba nyan? Iiwan mo na talaga si Deanna?" Muli kong nahigit ang aking paghinga.
"Iiwan ko naman talaga sya ng literal, dahil babalik na kami ng maynila. At sana, hindi na kami magkita pa. Para naman hindi na ko nahihirapan manimbang. Mahal ko si Deanna. Pero mas mahal ko si Maggie," nangilid ang luha sa mga mata ko.
"Mas nagmamatter sa akin ang kasiyahan ng anak ko, kesa sa kaligayahan ko. Kahit pa ang pag-iwan kay Deanna ang kapalit, gagawin ko. Para kay Maggie at sa batang nasa loob ko ngayon," masagana ng umaagos ang mga butil ng luha sa pisngi ko.
"Sana iniisip rin ni John Vic ang mga anak nya bago sya gumawa ng mga kalokohan no? Eh di sana, hindi kayo umabot sa ganito."
"Lagi parin naman kami pinipili ni John Vic. Kaya nga heto oh. Sila parin ang pinipili ko."
"Hay naku talaga, Jema. Sobrang bulag mo dyan sa asawa mo. Umamin ka nga, gumanti ka lang talaga no? Hindi mo naman talaga mahal si Deanna."
"Sana nga, sana nga, Kyla. Sana nga gumanti lang ako. Para naman guilt lang yung mararamdaman ko kapag iniwan ko na sya. Pero hindi eh. Sobrang nadudurog yung puso ko. Iniisip ko palang na iiwan ko si Deanna, hindi ko kaya. Naninikip na yung dibdib ko," hagulgol ko.
"Kumalma ka Jemalyn. Bawal sayo ang masyadong emosyonal, makakasama yan sa bata."
"Mas mahalaga sa akin si Maggie. Kaya kahit sobrang nasasaktan at nahihirapan ako ngayon. Mas pipiliin ko parin makasama ang Daddy nya, kahit sobrang hirap pa."
"Sana naman this time, tumino na yang asawa mo. Jusko magiging dalawa na yung anak nyo, tama na sya sa pag-lalaro. Kung ako ang asawa nyan, pinutulan ko na yan eh." Napatawa ako ng bahagya.
"So, kailan mo balak sabihin kay Deanna ang plano nyong pagbalik sa maynila?"
"Hindi ko rin alam," hindi ko rin talaga alam kung paano sasabihin.
Napatingin ako sa labas ng pintuan dahil may door bell dito.
"Wait lang, Kyla ah? Tawagan kita ulit mamaya."
"Okat besh. Ingat kayo sa pagpunta sa clinic ah? Babye!" Napatango ako bago binaba ang tawag.
Tinuyo ko maige ang luha ko bago tumayo para pagbuksan ang kumakatok sa labas ng bahay.
"Good morning, Love!" Nakangiti nitong bungad sa akin.
"Deans? Anong ginagawa mo dito?" Gulat at nagpapanic na saad ko. May alam na si John Vic. Hindi man nya sabihin pero ramdam kong may hinala na sya.
"Baka maabutan ka dito ni John Vic. 'Di ba sabi ko sayo may hinala na sya? Please Deanna, umalis ka muna ayoko ng gulo."
Hindi sya natitinag kahit pa tinutulak ko sya. Nakangiti lang ito pero kita sa mga mata nya ang kirot.

BINABASA MO ANG
Somewhere Down The Road
Hayran Kurgu"Mahal kita, mahal mo ko! Pero hindi tayo pwede" paki basa po muna yong Right Love at Wrong Time sa Realismo thank you 😄