Last day ng feeding program namin. Pagod na pagod ako dahil sa pakikipaglaro sa mga bata kanina sa elementary school. Kanina pa kami nakauwi pero ngayon lang ako nakapagpahinga dahil dumalaw sa mansyon ang mga principal ng schools na pinagdausan namin ng feeding program.
Inaantok na talaga ako at babagsak na ang mga talukap ng mata ko. Nakahiga na ako sa kama at nakatalukbong na ng kumot ng...
"Wife! Wife!" Napapikit ako sa boses niyang umalingawngaw sa tahimik na kwarto.
Mariin na pinikit ko ang mga mata ko at nagdasal na sana ay wala na akong marinig pang sususnod na sigaw galing sa kanya.
"Wife! Are you asleep?!" Inis na umupo ako sa kama at tinignan siya gamit ang mga nanlilisik na mata.
"Punyeta! Ano nanamang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya.
"Whoa there, wife! I was just calling you because I'm hungry." Bumagsak ang mga balikat ko.
"Go downstairs and ask someone to cook for you." Humiga ulit ako sa kama at pinilit na makatulog.
"You are not going to let me do that. You'll be the one who'll cook for me. Get up, sleepyhead!" Hinatak niya ang kumot na nakatalukbong sa akin.
"Jeroooood! Let me rest! I'm damn tired!" Hinatak ko mula sa kanya ang kumot.
"Darling there's no way! No no no way, I'm leaving without youuuuuu!" Bumirit pa ang tarantado.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Ang sakit sa tenga ng boses niya. Pero mas pinili kong mainis dahil pagod talaga ako.
"Jerooooood! Nang Nildaaaa, si Jerod po oooh!" Sigaw ko ng ayaw niyang tigilan ang paghatak sa kumot ko.
"Wala si Nang Nilds, tulog, umalis! As if they would hear you from here? Para kang bata!" Hatak pa rin siya ng hatak sa kumot ko.
"Jerod naman iiiih! Babayagan talaga kita kapag hindi ka tumigil!" Natawa lang ang loko sa sinabi ko.
"I won't let you do that, wife. Now get up and cook for me." Isang malakas na hatak ang ginawa niya kaya naman pati ako ay naisama ng kumot.
Bumagsak kaming dalawa sa sahig. Nasa ibabaw niya ako at natatakpan kaming dalawa ng kumot. Ulo lang ang kita sa amin at ang gulo pa ng buhok ko. Kung paano nangyari iyon ay hindi ko na alam.
"Anong nangyari Ja-" Pareho kaming napatingin sa pintong bumukas.
I saw Carlo standing beside the door and looking at us with a surprised look on his face. Para naman akong natauhan kaya sinubukan kong kumawala sa yakap ni Jerod, pero ayaw niya akong pakawalan.
"What do you need?" Tanong ni Jerod kay Carlo habang prenteng nakayakap sa akin at nakangising aso pa.
"W-wala naman. Narinig ko kasi ang sigaw ni Jacqui kaya napapunta ako rito." Nagpupumiglas pa rin ako kay Jerod.
"Why? Are you thinking that I would do something bad to her? I'm her husband and I can do whatever I want to do with her. Masama bang once in a while ay mag-bonding kami?" Nakakaloko amg mga ngiti ni Jerod. I swear!
"B-bonding? Ah, sige. Aalis na ako. Nakakaistorbo ata ako sa pagba-bonding niyo." Sabi ni Carlo sa isang dismayadong boses.
"Yeah. You better get out of here, bro. Nakakaistorbo ka nga." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jerod.
Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Nakatitig lang ako kay Jerod at siya naman ay nakangising aso lang sa akin.
"What the fuck was that all about, Jerod? What is wrong with you?! Bakit ganoon ang sinabi mo kay Carlo?! Baka mamaya, kung ano'ng isipin noong tao!" Sigaw ko sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomanceANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...