Five

246 3 0
                                    

* JEROD'S POV *

Nagulat ako sa dare na nabunot ko. Hindi ko inasahan na ganoon ang mabubunot ko. Hindi ako nag-truth dahil alam ko na ang itatanong ni Jac at ayaw ko lang na masaktan siya sa isasagot ko.

"Akin na. Ano ba'ng nabunot mo?" Tanong ni Yan sa akin sabay hablot ng papel mula sa kamay ko.

"Oh my gahd, Jac! I-body shot mo ang katapat mo!" Sigaw ni Yan na ikinagulat ng lahat pati na rin ni Janine.

"What?! That's cheating! Siguro ikaw ang gumawa ng mga dare ano, Jac?! Pabor siguro lahat sayo ang laman ng bote ano?!" Nagulat ako sa mga sinabi ni Janine kaya hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa mga gusto niyang sabihin.

"Pwede ba, Janine? Hindi ako ganyan ka-desperada. Baka ikaw iyon? Nagpanggap ka pang nasaktan ka kanina nung naglaro tayo ng volleyball para lang hindi ako ang tulungan ni Jerod." Nagpatulong si Jac na tumayo at naglalakad na palayo sa amin.

Alam ko naman na hindi talaga nasaktan si Janine kanina. I just don't want to give false hopes to Jac, kaya mas pinili ko na si Janine ang tulungan kanina. Besides to the rescue naman ang barkada sa kanya parati.

"You, bitch! Hindi ako nagpapanggap!" Tumayo si Janine at mabilis na naglakad papunta kay Jac na nagpa-totoo sa bintang ni Jac sa kanya kanina.

Nagulat ako sa paghila niya sa buhok ni Jac. Masyadong mabilis ang mga pangyayari and before I knew it, nasa pool na silang dalawa at humihingi ng tulong.

Sa sobrang gulat naming lahat sa nangyari, walang nakagalaw agad para saklolohan ang dalawa. Nabalik lang ako sa ulirat ko ng makita ko na unti-unti nang lumulubog si Jac.

Dali-dali akong tumakbo at nag-dive para puntahan si Jac. Naramdaman ko rin ang pagsunod nila Vince sa akin.

Habang papalapit ako sa kanila, nagdadalawang isip ako kung sino ba ang tutulungan ko. Kailangan din ni Janine ng tulong ko. Nakarating na ako sa harap ni Jac, pero nagulat na lang ako ng kumapit agad sa akin si Janine ng mahigpit. Wala na akong nagawa kung hindi tulungan siya at lumangoy palayo kay Jac. Mabuti na rin siguro iyon dahil ayaw ko siyang umasa. Alam kong kapag tinulungan ko siya, aasa siya na may nararamdaman na rin ako para sa kanya. Ayaw kong gawin yon. Besides, nalapitan naman na siya nila Vince para sagipin.

Pagka-ahon namin ay tsaka ko lang napansin na nawalan ng malay si Jac. Nakaramdam ako ng kaba kaya akmang pupuntahan ko ang kinaroroonan niya pero pinigilan lang ako ni Janine.

"Babe, don't leave me. Please." Nakita kong dumaloy ang luha sa pisngi niya. Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya at patahanin.

"Akala ko mamamatay na ako kanina babe, buti na lang you saved me. I love you." Niyakap niya ako ng mas mahigpit pa.

Wala sa sarili akong sumagot sa kanya.. " I love you too."

* DAVE'S POV *

Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang mga pangyayari. Gusto kong lunurin ngayon si Janine dahil kung wala siya edi sana hindi nangyari ang mga bagay na ito.

Nakita ko na lumalangoy na pabalik sa kinaroroonan namin sila Vince tangay ang walang malay na si Jac. Naawa ako sa kaibigan ko. Alam konv masakit ang nangyari kani-kanina lang. Nakuuuu! Kapag may nangyari talagang masama kay Petite, I swear buong ka-federasyon ko ay kokontakin ko para resbakan si Janine bruhilda! All hell will break loose.

"Baks, wake up! Jac!" Inaalog namin ni Al si Jac baka sakaling magmulat siya ng mata.

Tinabig ni Ruzz ang mga kamay namin at sinimulan niyang bigyan ng CPR si Jac. Walang use, hindi parin nagkakamalay si Jac. Kinakabahan na talaga ako ngayon. Paano na ang boutique namin? Ayaw ko pang mawalan ng kontrabidang kaibigan!

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon