Twenty Five

195 5 4
                                        

"He cried." I said while rotating the can of beer using the tip of my finger.

"Oh my god, baks!" Tumango ako.

"Nagulat ako. I didn't expect he'd cry for it." Inalog ni Al ang balikat ko.

"What did he say? Ano'ng nangyari after?" Inirapan ko siya ng mahilo ako sa ginawa niyang pag-alog.

"Wala. Pumunta ako dito sa condo mo. Kaharap mo'ko." Hinampas niya ang hita ko.

"Ouch! Ano ba?" I glared at her.

"Wala ka man lang sinabi? Umalis ka lang bigla?" She asked while opening another can for me.

"Wala. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak, baks. Alam mo naman 'yon 'di ba? Mahal na mahal ko 'yon. Atsaka...ayaw ko'ng magbago pa ang isip ko. Kung nagtagal pa ako doon, wala ako ngayon sa harapan mo at sinisimulan ko nanaman ang pag-asa ko na mamahalin niya rin ako." Tumango siya.

Nagvibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Ruzz at hindi ko alam kung bakit.

"Uy, si Ruzz." Siniko ako ni Al nang mapansing hindi ko sinasagot ang tawag.

"Ayaw ko, baks. Baka its about Jerod. I don't want to come running to him if ever. Mabuti na ang sigurado." Umiling siya at uminom ng beer.

Nagulat naman siya nang sa kanya namang phone ang nag-ring. Si Ruzz din ang tumatawag.

"I-loudspeak ko." Sabi niya sa akin bago sagutin ang tawag. "Oh?" Bati niya kay Ruzz pagkasagot ng tawag.

"Where are you?" He asked.

Medyo maingay sa background. Kumunot ang noo ko.

"Bakit ba? Nasaan ka ba? Ang ingay." Sagot naman ni Al.

"DJ's corner. Nandito si Jerod. Nasaan ka ba? Kasama mo ba si Jac? He's been looking for Jac everywhere! I think he's going nuts." Nangilid ang luha ko.

"What?! Eh nasaan ba si Jac? Hindi ko alam, okay? Hindi ako hanapan ng nawawalang Zircon. Call Yan or Dave. Baka nasa kanila. Nandito ako ngayon sa bahay. Wala ako sa condo." Sagot naman ni Al.

"Make sure that you're telling me the truth or else..." Umismid si Al.

"Ano naman kung nagsasabi ako ng totoo o hindi? At bakit mo ba tinutulungan si Jerod na mahanap si Jac? Sasaktan niya lang ng paulit-ulit si Jac. Alam mo 'yan, Ruzz. Of all people, ikaw ang dapat na nakakaalam niyan." Hindi sumagot agad si Ruzz.

Narinig ko pa ang boses ni Jerod sa background na tinatawag si Ruzz. It was breaking my heart though. I was imagining his face while looking for me. Masarap sana sa pakiramdam kung noon pa niya ginawa ito sa akin, pero hindi. Huli na siya.

"You don't know a thing, Al. Don't speak as if you know how he fucking feels." Matigas na pahayag ni Ruzz.

"Well, I don't intend to know. Its just right that they separate anyways. Kung mahal niya si Jac, dapat noon pa siya nagwala ng ganyan. Hindi iyong kung kailan pagod na si Jac at sobra na niyang nasaktan, saka siya mag-iiiyak diyan." Tapos binaba na ni Al ang tawag.

Wala akong nagawa ng gabing 'yon kundi ang umiyak. Napahawak na lang ako sa singsing ko.

----

Dumating ang sabado. Ngayon lang ako uuwi sa bahay namin ni Jerod. I don't know if he wants to see me or not. Ayaw ko na sanang pumunta sa family gathering nila, pero it's tita's birthday.

"I thought hindi ka sasama." Nagulat ako nang marinig ko siya sa likod ko.

He was wearing a simple polo shirt and khaki shorts. Magulo ang buhok niya. He looks sad or tired. I don't know. Noong mga nakaraang araw, hindi kami nagkikita sa university. Kung makita ko man siya, sa malayuan lang. Sa condo ko malapit sa university ako nag-stay. Masyado kasing malayo kung sa condo ni Jill. Buti na lang may mga damit pa ako sa condo ko.

My Antagonist Wife *completed*Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon