"Just stay there, baby. I'll be downstairs." Bulong ko habang pinagmamasdan siyang natutulog. Tinawag ko si Pangs at pinapasok sa kwarto para bantayan siya.
Nagsimula na akong maghanda ng mga ingredients para sa mga pagkain na lulutuin ko. Magluluto ako ng pasta since paborito ito ng asawa ko at birthday niya ngayon.
Rayven calling...
"Yow.." Bungad ko sa kanya pagka-sagot ng tawag niya.
"Bro, kamusta? Kumpleto kayo later?" Hinahanap ko ang olive oil sa pantry.
"Hindi. Wala kayo dito, e." Natawa siya ng bahagya. "You should've accepted my offer na sa company ka na mag-trabaho. Edi sana you're here with us." Umiiling ako habang naghahanap ng sauce pan.
Nasa Canada na kasi sila nila Janine at Niña. Doon na sila nakatira dahil doon na siya nagta-trabaho ngayon. Two years na rin sila doon. Two years na rin silang hindi present sa birthday ni Jac.
"Ayan ka nanaman. Next year uuwi na kami. Ilang buwan na lang, okay?" Singit naman ni Janine.
"Whatever. I'll hang-up. Magluluto pa ako. Tatawag ako sa'yo mamaya thru video chat kapag kumpleto na kami." Ibinaba ko na ang tawag matapos marinig ang goodbyes nila.
Nagmamadali na ako. Ayaw ko'ng pinaghihintay si Jac. Kailangan ay matapos na ako sa lulutuin ko para sa celebration mamaya. Buti na lang at pasta lang ang sa akin. Ang ibang handa at cake ay sagot na nila Lars at ng iba pa naming kaibigan.
Nang matapos sa pagluluto ay agad na akong naligo. Kailangan by ten thirty ay handa na kami. Susunduin kami nila Lars sa bahay. By ten o'clock ay tapos na akong mag-ayos.
"Rod, what's up?" Bungad ni Pris pagpasok ng bahay.
"You bought the flowers?" I asked her habang abala ako sa pagpa-pack ng pagkain.
"Oo naman. It's the first thing I did paglapag namin nila Lars." Pumasok na rin sila Lars sa bahay.
Nang matapos sa pag-aayos ay umakyat na ako ng kwarto at binuhat si Jax. He was still sleeping, but he's ready to go. I made sure na inayusan ko na siya kanina bago ang sarili ko.
"Wow! So pogi naman my Jaxy!" Sigaw ni Pris nang makapasok kami sa sasakyan ni Jaxsen.
Pinaandar na agad ni Shaun ang Fortuner. Si Lara at Pris naman ay busy sa paggising sa natutulog na si Jax. They just can't get enough of him. I can't blame them. He's too adorable.
"Saan na daw sila Yan?" Tanong ko kay Lara habang inaayos ang baby sit para kay Jaxsen.
"On the way na raw. Malapit na pala ang binyag ni Cass. Madadagdagan nanaman ang inaanak ko. Grabe imagine, Yanna and Vince having a child of their own?" Lara was holding Pangs, ang aso ni Jac.
"Pangs..." Bulong ni Jax. He was calling Pangs.
"Jaxy, you can't hold Pangs right now. Later sa garden, okay?" Paalala naman ni Pris atsaka hinalikan ang maliliit na daliri ni Jaxsen.
"Pinanggigigilan mo nanaman! Iiyak nanaman 'yan mamaya, Pris." Pagsita naman ni Lara.
Buong byahe papunta sa Memorial park ay kinukulit nila si Jax. Excited na ako kahit kakabisita ko lang sa puntod ni Jac kahapon. Sana ay hindi kami mahuli sa misa. This is the second year na sini-celebrate namin ang birthday ni Jac..na wala siya. She's in heaven now. Tuwing birthday niya ay nagpapa-misa kami sa mausoleum niya. Pagkatapos ng misa ay tsaka kami kakain sabay-sabay.
I just called mom to tell her that we're just five minutes away. Sinalubong kami ng isang malaking arko habang papasok sa memorial park. Nakatingala si Jaxsen at nakatingin sa arko. He looks so cute right now. Nakuha niya ang mga mata niya kay Jac. Minsan ayaw ko siyang masyadong titigan. Pakiramdam ko kasi si Jac ang katitigan ko.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomanceANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...