Two

337 6 0
                                        

* JEROD'S POV *

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Naramdaman ko na may nakadagan sa paa ko. Bumangon ako para tignan ito at nakita ko ang isang anghel na natutulog sa paanan ko.

Oo mukhang anghel si Jac. Maganda siya. Mabait siya. Down to earth siya. Lahat ata ng gugustuhin ng isang lalake sa isang babae ay nasa kanya na. Pero sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko siya magustuhan. I mean hindi ko siya magawang mahalin. Minsan tinatanong ko rin sa sarili ko iyon. Kung bakit hindi ko na lang siya mahalin para tapos na ang istoryang ito, pero hindi ako masagot ng sarili ko.

Ako nga pala si Jerod Zaragoza. I'm 19 years old and I'm alreaady married with Jac. Yes, I'm married with my childhood friend. Siguro almost 2 years na rin kaming married. Ah, ewan ko. Basta noong kinasal kami, 17 pa lang ako noon siya naman 16 pa lang. Ang atat lang ni Jac magpakasal 'diba? Pumunta pa kaming ibang bansa para lang mag-pakasal. Kainis! Kapag naiisip ko iyon. Naiinis ako. OO, kontrabida ang tingin ko sa kanya. Ewan ko ba.

Natulala ako at naisip ko ang nakaraan. Yung mga panahong nagtapat si Jac ng pag-ibig niya para sa akin..

Flashback..

"Kaps! I wanna tell you something." Tawag sa akin ni Jac.

"What is it, Petite? Siguraduhin mong it's worth my time kung hindi kutos ka sa akin!" Sigaw ko sa kanya.

"Kaps, I have this friend kasi and she's inlove with his male bestfriend. What do you think she should do?" Tanong niya sa akin.

"For me, if sa tingin niya masisira yung friendship nila dahil sa nararamdaman niya para doon sa guy, eh huwag na lang niyang sabihin." Straight to the point kong sagot.

"Kahit na wala namang girlfriend ang kaibigan niya at matagal na niyang tinatago ang nararamdaman niya?" Tanong niya ulit sa akin.

"Tell me. Sino ba 'yan at nang mabatukan ko kasi pati ikaw dinadamay niya sa prob-" Hindi ko na naituloy ang anumang sasabihin ko kasi hinalikan niya ako sa labi na siya namang ikinagulat ko.

"Shit, Petite! Are you out of your mind?!" Sigaw ko sa kanya.

"Kaps, I love you like a love song. Basta! I love you, Kaps. Matagal na." Hinawakan niya ang kamay ko, pero binawi ko ito mula sa kanya.

"No, Jac! This can't be! Bestfriends tayo!" Napasigaw na ako ng todo dahil sa sinabi niya sa akin.

Hindi ko talaga matanggap. So 'yung kinukwento niya kanina, eh kami pala talaga 'yon?

"Kaps, please! Imposibleng wala ka ring nararamdaman para sa akin!" Sigaw niya at pilit niya akong niyayakap.

"Jac, ano ba?! Please stop this non-sense! Huwag mo akong hawakan!" Naiinis na ako sa kanya kasi parang hindi siya ang bestfriend ko.

"Jerod! Wala ka nang magagawa! We're in an arranged marriage! Narinig ko iyon habang mag-kausap sila dad at si tito! Ikakasal tayo! And kapag dumating 'yung time na i-aanounce na nila sa lahat ang tungkol sa arranged marriage na iyon, sasabihin ko sa kanilang I'm fine with it kasi mahal naman talaga kita and I would do everything para lang matuloy ang wedding nating dalawa!" Oh my god! Jac's crazy!

"You're crazy, Ma. Jacquiline!" 'Yon na lang ang nasabi ko at iniwan ko na siya.

End of flashback...

Hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang araw na nagtapat siya sa akin. Grabe! Nag-lasing ako ng gabing iyon kasi hindi ko akalain na isang araw mangyayari rin sa akin ang mga eksenang napapanuod ko sa tv.

Pagkatapos ng araw na iyon ilang buwan lang ang lumipas namalayan ko na lang na kasal na ako kay Jac at nakatira na kami sa iisang bahay. Noong una araw-araw akong naglalasing kasi hindi ko talaga matanggap. Pero 'di kalaunan kinailangan ko na lang rin siyang tanggapin kasi wala na rin naman akong magagawa.

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon