* JAC'S POV *
"Araayy..." Daing ko sa sakit ng leeg na nararamdaman ko. Hinilot ko ang leeg ko habang minumulat ang mata ko.
"Eh? Where am I?" Tanong ko sa sarili ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Cute condo unit. A combination of purple and gray. Malinis at walang kakalat-kalat na condo. Malayong malayo sa condo ko na pinaghalong white, black at grey.
"Silly, Jac! Ang tanga mo lang talaga minsan. Good morning, Jill!" Para akong engot, pero mas gusto ko ang ganito.
Tumayo ako para iligpit ang noodles na niluto ko kagabi. Hindi man lang nabawasan, sayang naman. Naglakad ako papunta sa kitchen at niligpitan lahat ng kalat ko. Baka multuhin ako ni Jill kapag iniwan kong makalat ang condo niya.
Pagkatapos kong magligpit ay binuksan ko na ang cellphone ko na tinanggalan ko ng battery kagabi. Pagkabukas ko pa lang may tumatawag na.
"Hello? Pase-" Hindi pa ako tapos magsalita nang sigawan ako ni Al sa kabilang linya.
"Punyeta kang babae ka! Saan ka nagsu-suot?! Hinanap ka namin magdamag! Sasakalin kita kapag nakita kitang walanghiya ka! Hoy, teka kinakausap ko pa si Jac!" May umagaw ng cellphone mula kay Al.
"Hello, Petite! Pasensya ka na kay Al, ita-translate ko na lang ang mga sinabi niya sa'yo. Listen, ok?" Nag-clear pa ng throat si Yan bago nagsalita.
"Saan ka ba nagpunta? Magdamag ka naming hinanap, nagaalala kami sa'yo...bumalik ka na dito." Napangiti ako sa sinabi ni Yan.
Alam ko naman na iyon ang ibig sabihin ni Al, harsh lang talaga iyon. Kapag ganoon siya ibig sabihin ay nagalala siya ng bongga!
"Mga merlat at otoku, kembot lang akiz. Papasok ako, don't worry." Naka-ngisi ako habang sinasabi ko iyon.
Binaba ko na ang tawag bago pa magtatalak ulit si Al. Pumasok na ako sa cr at naligo. Magapapaganda ako ngayon. Dapat hindi mukhang nalugi, dapat mukhang sinuwerte!
"Pink or red?" Tanong ko sa reflection ko sa salamin. Namimili ako ng lipstick na gagamitin.
"Red for the bitches!" Sabi ko habang hinahanap ang revlon lipstick ko na pulang-pula.
"Jill, I'm going ok? Iiwanan ko na ang ibang damit ko dito sa unit mo para anytime I can sleep here. I love you, twin sis!" Sigaw ko sa loob ng unit ni Jill bago ako tuluyang lumabas.
Hindi ako baliw or what. Hayaan niyo na ako okay? Mahal ko lang talaga ang kambal ko. It's not as if nakikita ko siya kaya nagsasalita ako ng ganoon. Kapag nakita niyo akong nagsasalita mag-isa at may gestures pa na parang may taong kausap, doon na kayo kabahan. Ako na mismo nagsasabi sa inyo, may tagis na ako noon.
Nagdrive na ako papunta sa school. Holy crap, sobrang traffic. Baka malate pa ako nito. Malayu-layo pa naman ang tatahakin ko. Nag-ring ang cellphone ko at sinagot ko agad ito ng hindi tinitignan ang caller.
"Hey, nasaan ka na? Akala ko ba papasok ka?" si Al nanaman, loves na loves talaga ako nito.
Kung hindi lang siya malandot kapag may boylet iisipin kong natitibo na 'to sa akin, eh.
"The bitch is on her way there." Medyo maikli kong sagot sabay end ng call.
Dinial ko ang number ni Rayven Ikaza. Ang secret ally ko.
"Hello, Ray? Kamusta? Nahulog na ba?" Tanong ko sa kanya, rinig na rinig ko sa background na may babae siyang kasama.
"Steady lang, Jac. Dahan-dahanin natin para hindi magduda. Sigurado ka bang hindi ako malalagot sa shota no'n?" Tanong sa akin ni Ray.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomanceANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...