Four

290 3 0
                                    

* JEROD'S POV *

Naiwan ako rito sa kwarto nila Jac na tulala. Ang totoo niyan natulala ako dahil sa mga sinabi ni Jac kanina. Posible nga bang nagkakaroon na ng lugar ulit sa puso ko si Jac? Galit ba ang naramdaman ko kanina o selos?

"Ahhhhh!" Nasabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis. Gulung-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari.

Hindi ko inakalang magagawa kong halikan ng ganoon si Jac. Miski ako nagulat rin sa sarili ko, dati-rati madikit lang ng kaunti ang katawan niya sa akin galit na galit na ako pero kanina nagawa ko pa siyang halikan ng matagal at yapusin.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil imbis na kabahan ako dahil muntik na kaming makita ni Janine ay pagkabitin ang naramdaman ko. Bakit kaya ganoon?

Bumalik ako sa kasalukuyang mundo ko nang tumunog ang cellphone ko. Tinatawagan na ako ni Janine. I answered the call.

"Hey babe." Bati ko sa kanya sa kabilang linya. Pero matagal siya bago sumagot.

"Hey, where the hell are you? I had searched for you pero you're nowhere to be found. Saan ka ba nagsusuot?" Nilayo ko muna sa tenga ko ang cell ko habang naglilitanya siya. Nagger talaga siya at sanay na ako.

"Babe i'm sorry, where are you? I'll go there." Hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto nila Jac at Al. Nilibot ko muna ang paningin ko sa mga gamit ni Jac.

"I'm here at our cottage. I'm all alone you know naman your friends they don't like me. Mas gusto talaga nila si Jac kesa sa akin." I heard her sigh sa kabilang linya bago niya ibaba ang tawag.

Nagmartsa na ako palabas ng kwarto nila Jac at nag-diretso na sa cottage dahil wala ngang kasama si Janine.

"Hey babe! Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap eh. Si Jac kasi kung anu-ano ang sinasabi." Nagulat ako sa sinabi ni Janine at agad na napa-tingin kay Jac na ngayon ay nakangisi na sa akin. Wala talagang ginawang maganda itong babaeng to. Tsk!

"Babe huwag mo na lang siyang pansinin." Inakay ko si Janine papunta sa pool side. Ayaw ko munang makita si Jac lalo lang gumugulo ang isip ko.

Nakaupo lang kami dito ni Janine habang nakababad ang mga paa namin sa pool. Tinitignan ko lang siya habang siya naman ay may katext nanaman. Hinahayaan ko na lang siya tutal naman kasama ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya na ikinatingin naman niya sa akin.

"Babe why? Is there something wrong?" Tanong niya sa akin na nagtataka.

"Wala, i just want to hold your hands babe. Dapat kasi hindi na tayo sumama dito eh. Tignan mo hindi ka naman nila pinapansin tapos hindi mo naman din ako pinapansin because you're too busy texting." Umakto ako na parang nagtatampo.

"Babe c'mon, i'm with you naman eh. Besides, friend ko lang ang katext ko. I love you ok?" Hinalikan niya ako sa pisngi.

Yung halik na dahilan kaya ko naalala kung bakit mahal ko siya. Napa-ngiti na lang ako sa ginawa niya at nginitian niya ako pabalik.

"Guys! Volleyball tayo! Sali kayo!" Yaya sa amin ni Dave. Excited naman si Janine na hinila ako papunta sa kinaroroonan nila Dave.

"Are you sure you want to join them babe?" Tanong ko kay Janine.

"Oo naman babe. Minsan lang nila ako yayain, malay mo they're doing this because they want to be friends with me, finally babe!" Niyakap niya ako ng mahigpit. Ginulo ko ang buhok niya pagkatapos hinalikan ko siya sa pisngi.

Nakita kong nakalapit na si Jac sa amin at naka-tingin siya sa akin pero nag-iwas ako ng tingin kasi naiilang pa rin ako hanggang ngayon.

* JAC'S POV *

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon