Eight

197 4 0
                                    

* JAC'S POV *

Badtrip 'yon ah! Iniwan ako? Asar talo! Pikon! Nakakainis! Bakit niya ako iniwan?! Gutom na gutom na ako eh. Kaya lang naman ako ganoon sa kanya kasi hindi ako makapaniwala na nag-aalala pala siya sa akin. Imagine, binigyan pa niya ako ng meds kanina? 'Yun nga lang hindi ko kinuha. Malay ko ba na sa kanya pala talaga galing 'yon? Napa-clinic pa tuloy ako. Dapat kasi kinuha ko na 'yon eh. Ang arte ko rin kasi. Tsk!

Kahapon ko pa siya hindi masyadong kinakausap. Why? Simple. He didn't show up in the hospital yesterday. Si Janine, lasing lang. Ako naman, nahimatay at nilalagnat dahil sa sobrang pagod at stress. Now tell me, sinong dapat unahin? Syempre 'yung mahal mo. Eh hindi naman ako ang mahal niya kaya talo pa rin ako.

"Ang init naman ng pajama na 'to!" Kumuha ako ng boxer shorts sa closet niya at pumunta sa cr para magpalit.

Humiga ako sa kama at nagpagulung-gulong. Nako! Kapag talaga bumalik 'yon dito (na I doubt kung babalik pa nga), hindi ko siya papansinin! Bahala siya sa buhay niya!

Ilang minuto ang lumipas, hindi na ako nakatiis. Bumaba na ako. Gutom na'ko eh!

Pagbaba ko, dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Hindi mabigat ang paa ko. Hindi ako maingay maglakad.

Binuksan ko ang ref at naghanap ng pwedeng makain. Nakakita ako ng soup. Madali lang naman itong lutuin, kaya ito na lang ang lulutuin ko.

Pagkatapos kong magluto, inilagay ko sa isang bowl ang soup at inilagay sa wooden tray. Jusko! Sariling sikap pa rin ako kahit may sakit ako. Kaawa-awang nilalang. Tinatawanan siguro ako ni Jill sa itaas ngayon.

"Anong ginawa mo? Saan ka galing?"

"Ay multo!" Nalaglag ko ang wooden tray dahil sa gulat. Bumuhos sa legs ko ang mainit na soup. Shit!

"Jac!" Lumapit sa akin si Jerod at binuhat ako papunta sa couch.

Hinubad niya ang t-shirt niya at at shit! The abs. The biceps. Triceps. Goodness gracious! Ipinunas niya sa legs ko ang t-shirt niya at at bawat galaw niya, nagfi-flex ang muscles niya. Ano ba?! Galit ka, Jac! Keep your shit together!

"You're drooling over me." Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. "Mahapdi ba dito?" oh my...his hands! Nasa legs ko! Tapos ang lapit pa niya sa akin.

"No I'm not. Asshole." Inirapan ko siya at tinapik ko ang kamay niyang nasa legs ko, pero ramdam ko na mahapdi na nga ito.

"Siguro, you planned all of this? Para makachansing ka sa akin." Wow! Where did that came from, Jerod?! Ang kapal!

"Gago! May sakit na nga ako mag-iisip pa ba ako ng kamyakan?!" Itinulak ko siya palayo sa akin at naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng mop.

"Jac, I'm just kidding! Hey, what are you doing?!" Inaagaw niya ang mop sa akin pero hindi ako nagpatinag.

"Edi naglilinis! Baka langgamin 'to. Tabi nga dyan!" Itinulak ko siya palayo at pinagpatuloy ang paglilinis.

"Jac! May sakit ka. Ako na lang dyan." Hindi ko siya pinakinggan. Pinulot ko ang mga basag na piraso ng bowl na pinaglagyan ko ng soup.

"Jac, ang kulit mo naman! Bitawan mo nga 'yan! Wala ka pang tsinelas! Baka mabubog ka!" Hinatak niya ang kamay ko at binuhat ako gamit ang isang kamay lang niya.

"Jerod, ano ba?! Ibaba mo nga ako!" Ibinagsak niya ako sa couch. Aray. Ang sakit. Siraulong 'to!

"Manahimik ka muna pwede? Isa pang sigaw mo, hahalikan kita!" Natulala ako. Biglang nagflashback sa utak ko ang nangyari sa resort nila Yanna.

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon